Hatid
"Huwag na lang pala," turan ko. Nasa harap pa rin ng mukha ko ang mukha niya. Paminsan-minsan ay pagod siyang kumukurap na mas lalong nagpapapula sa pisngi ko. Willing siyang sampalin ko siya. Akala ko tatanggihan niya 'yung sinabi ko pero hindi. Siya pa mismo ang nag-boluntaryong sampalin ko siya. Kumurap siya ng isang beses. Nakagat ko ang labi ko. Bakit ganito?
"Sige na," aniya. Napalunok ako ng laway. Hindi nga e. Hindi ko nga siya kayang sampalin.
Mukhang narinig niya yata ang sinabi ko kaya bigla siyang umayos sa pagkakatayo. Tinitigan niya ako ng masama. Hindi ko alam kung anong iniisip niya kaya nagulat na lang ako nang bigla niyang kunin ang kamay ko sabay isinampal iyun sa pisngi ko.
Humapdi bigla ang kamay ko dahil sa ginawa niya. Nakita ko rin kung paanong nagmarka ang kamay ko sa mask niya. Umilaw iyun ng pula palatandaan na nasaktan siya.
"A-a-ano bang ginagawa mo?" utas ko. Nang maramdaman kong nakahawak pa rin siya sa kamay ko ay agad ko iyung binawi.
"I should have not kissed you. Dapat naghanap ako ng ibang paraan para maputol ang noodles."
Medyo nasaktan ako sa sinabi niya. Parang ang gusto niya kasing ipahiwatig ay nandidiri siya na naghalikan kaming dalawa.
Sumama ang tingin ko sa kanya.
"Ba't ikaw pa ang parang galit? Ikaw na nga ang tinulungan ko, ako na nga ang nasampal tapos ikaw pa ang ganyan," defensive niyang sabi.
Uminit ang ulo ko sa sinabi niya kaya napagtili ako dahil sa inis. "HINDI KO NAMAN KASI HININGI ANG TULONG MO! NAKAKAINIS KA!"
Pinigilan niya ako sa pagalis ko pero hindi niya na ako sinundan nang matanto niyang sa salas lang ako nagpunta. Narinig ko pang pinagtawanan kami ng batang lalaki na mas lalong nagpainis sa akin.
Nakakainis siya. Dahil sa kanya, hindi na virgin itong labi ko. Naka-reserve 'yung kiss na 'yun sa great love ko.
"Hugasan mo na lang ang labi mo!" sigaw niya mula sa kusina.
"HINDI NAHUHUGASAN ANG FIRST KISS! ANIMAL KA!" sigaw ko. Banas na banas na talaga.
"Pwede bang bawas-bawasan mong magmura? May batang nakikinig sa'yo!" sigaw niya ulit doon sa kusina. Nagtimpi na lang ako ng inis at ang pinagdiskitahan ko na lang ay iyung pumpkin na unan. Pinagsusuntok ko ito ng walang kasing bilis.
"First kiss stealer! First kiss stealer!" anas ko. Noong humupa na ng kaonti ang galit ko, binaling ko ang paningin ko sa may window. Malakas pa rin ang ulan. Gusto ko na talagang umuwi sa bahay ni Anxiety. Ayaw ko na rito.
Pinagmasdan ko lang 'yung ulan sa labas. May poste roon sa labas na nakatirik sa may edge ng rooftop, doon ko inasinta ang paningin ko. Kitang-kita ko ang ngalit ng ulan dahil sa ilaw na naroon.
"Ate, ate."
"Ay anak ng tae!" Nagulat ako nang biglang sumulpot iyung bata sa gilid kaya nabigkas ko iyun. Nakangiti siya akin at parang may hihingin siya akin na pabor. May stain pa ng ramen iyung gilid ng bibig niya kaya pinunasan ko iyun. Noong natapos ako, nagsalita siya.
"Ate? Puwede bang pahingi ng favor? Hinuhugasan pa kasi ni Kuya 'yung bowls e."
Wow. Marunong siyang maghugas? 'Di nga? Pero impressive ha. Marunong na nga siyang magluto, marunong pa siyang maghugas. Puwede na siyang mag-asawa. Ay tanga! Ba't 'yun pa ang naisip ko?
"Ano 'yun?" tanong ko sa bata.
Bumungisngis muna siya bago niya sinagot ang tanong ko. "Puwede po bang patulugin mo ako?"

BINABASA MO ANG
MEMORIE IS A LIE
Science FictionAfter waking up in a ferris wheel cart with no memories, Memorie quickly realizes that she is in a parallel universe where everyone is a digital version of themselves. When Memorie wakes up in a ferris wheel cart with no memor...
抖阴社区 Original
Mayroong 5 pang mga libreng parte