Miraquel
"How do you perceive me?"
"Ha?" Namula ako bigla. Naka-smiley kasi 'yung emoticon sa mukha niya.
"G-gaya ko, may mask ka rin. Kaso, ang kaibihan nga lang, hindi punctuation marks ang nakikita ko sa mukha mo kundi emoticons. Smiley, serious face, batsa emoticon. Kulay yellow na bilog na may iba't-bang facial expressions."
"Siguro baka nagu-guwapuhan ka sa akin kaya ganu'n?"
"Ha? Tanginang 'to!"
Natawa ako bigla sa sinabi niya at nagtawan na lang kaming dalawa. Kumain na kami at gaya ko, mukhang mga gamot din daw ang nakikita niya sa mga pagkain namin. Hindi pa siya sigurado kung dahil ba raw ito sa perception namin o baka ganu'n daw talaga 'yung pagkain dito. Sabay rin kaming natapos at noong natapos na nga kami ay naglakad-lakad kami sa sidewalks sa labas.
Hapon na nang matapos kaming kumain. O baka hindi pa. 'Yun kasi ang nakikita ko e. Palubog na 'yung araw. Nag-aagaw na 'yung kulay violet at pula sa langit. Pink skies. Ang ganda tignan.
Noong natapos ako kakatingin sa langit, kinausap ko siya. "Teka, puwede mo bang ipaliwanag sa akin kung ano 'yung tatlong consistent sa mundong ito? Ano nga 'yun?" Ang kati ng bumbunan ko. Kainis!
Huminga siya ng malalim at isinuksok niya ang kamay niya sa bulsa ng jacket niya.
"Una ang currency na ginagamit dito. Naka-depende ang haba ng buhay mo rito sa heartbeats mo. 'Yung heartbeats mo rin ang ipangbabayad mo sa mga bagay na gusto mong gawin. Bawat segundo na nandito ka, nakakaltasan ka ng isang heartbeat," turan niya.
Tumigil kami sa isang bangko na may pangalang "HEARBEAT BANK". May pumapasok na mga tao roon at mayroon ding lumabas. Para talaga siyang bangko ngunit ang kaibahan nga lang, mukhang mga heartbeat ang dini-deposit doon at hindi pera.
Lumapit si Mr. Emoticon sa Heartbeat Machine na nasa labas at si-nwipe niya ang pulso niya roon.
9,173,106.oo Heartbeats.
"WHOA!" Napasigaw ako sa nakita kong amount ng heartbeats doon sa screen.
"So ibog sabihin, ganyan ka kadami 'yung heartbeats mo?" tanong ko sa kanya
"Subukan mo," aniya.
Lumapit ako roon at nag-swipe.
8,636,239.oo Heartbeats.
"WOW! Paano nangyari 'yun?" tanong ko. Kinuha niya 'yung mga resibo namin at nilagay sa trashcan.
Naglakad kami ulit.
"Ten hours ago, may 8,640,000 heartbeats din ako. Katumbas iyun ng 100 days sa totoong mundo. Natuwa rin ako noong una nang makita kong may millions of heartbeat ako pero noong ma-realize kong may mas higit pang heartbeats ang ibang tao, na may ibang tao na may billion heartbeat e medyo nalungkot ako. Kaya ang nangayri, naghanap ako ng paraan para madagdagan ko 'yung hearbeats ko."
"Anong ginawa mo?" tanong ko. Medyo excited ako. Aba! Gusto ko ring madagdagan 'yung heartbeats ko no!
"May nakita akong sirang bahay at kinuha ko 'yung mga wirings doon. Benenta ko sa junkshop."
"Bote bakal?" takang tanong ko.
Tumango siya. "I earned 1 million heartbeats from that."
"What the! Ilang kilong wires 'yun?"
"Sampu?"
"Sampu? One million agad?" Tumaas ang boses ko.
"'Yung minimum wage dito ng mga tao ay two million heartbeats per day. Kaya kung iisipin mong maigi, hindi 'yun ideal na amount kaya hindi ka dapat matuwa."

BINABASA MO ANG
MEMORIE IS A LIE
Science FictionAfter waking up in a ferris wheel cart with no memories, Memorie quickly realizes that she is in a parallel universe where everyone is a digital version of themselves. When Memorie wakes up in a ferris wheel cart with no memor...
抖阴社区 Original
Mayroong 13 pang mga libreng parte