抖阴社区

抖阴社区 Original
Mayroong 7 pang mga libreng parte

C H A P T E R 9

556 19 3
                                    

Purpose

"AHH!" Napatili ako nang wala sa oras nang bigla kaming nahulog pabalik sa lupa. Ipinikit ko ang mga mata ko at ramdam na ramdam ko ang hangin na bumabangga sa likod ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari ngayon pero kulang na lang e halos matangay na 'yung suot ko. Kaya ang ginawa ko, kahit nakapikit ako ay sinubukan kong protektahan ang damit ko. Pinihit ko ang tela sa may dibdib ko pati na rin sa may ibabaw ng legs ko. Alam kong ang tanga-tanga kong tignan kasi mamatay na nga ako, inuuna ko pang isipin na baka may makasilip sa pribadong bahagi ng katawan ko kapag bumagsak ako. Hindi ba puwedeng umisip muna ako ng paraan kung paaano ako mabuhay? Kung paano ko maisasalba ang sarili ko?

"Hala! Kuya, ano ang nangyayari sa kanya? Para siyang bulateng binubudburan ng asin?"

"Hayaan mo 'yan."

At the verge of falling towards the ground, may narinig akong dalawang taong naguusap a paligid ko. Boses ng isang bata at boses ng isang adult na lalaki.

Nawala bigla sa isip ko na nahuhulog na pala ako. Ramdam kong nahuhulog ako but my mind suddenly becomes suspended. Oh my God. Bigla akong nakaramdam ng matinding pagtataka. Hindi kaya hindi pa rin ako nahuhulog sa lupa kahit ilang segundo na ang lumilipas kasi patay na ako?

Pinikit kong maiigi ang mga mata ko. Bakit hindi pa rin ako bumabagsak ng tuluyan sa lupa? Bakit nananatili akong nahuhulog sa ere?

"Bumangon ka na riyan."

Huh? Biglang napaawang ang bibig ko at napalibutan naman madaming question marks ang paligid ng mukha ko. Bumagon? Paano ako babangon e nahuhulog ako?

Snap! Bigla akong natigil sa pagkahulog. Iyung paligid kong kulay asul kanina at puro clouds, biglang naging madalim. Ipinikit ko ang mata ko. Mas lalong dumilim.

"Kuya, mukhang gising na siya."

"AHHH!" Napatili ulit ako nang pagdilat ko nang mga mata ko ay may nakita akong bata na uhugin. Nakadungaw siya sa akin at anytime ay tila mahuhulog 'yung nakalaylay niyang green na sipon sa bibig ko. At hindi nga ako nagkamali dahil sa bagal ng duration ng pagbuka ko ng bibig ko ay sumaktong na-shoot 'yung one tablespoon ng sipon niya sa bibig ko.

*  *  *

"Ano? Nag-imagine lang ako?" Kausap ko ngayon si Mr. Emoticon. Nasa isang maliit na apartment kami na nasa rooftop. Medyo matibay naman 'yung apartment kaya kahit medyo mahangin sa labas ay hindi ito natitibag. Kasama naming dalawa ay ang isang batang lalaki na sa tansiya ko ay nasa anim na taon ang gulang. Habang nasa veranda kami ni Mr. Emoticon ngayon, 'yung bata nasa may salas lang at naglalaro. Masayang-masaya 'yung bata kasi may fairy lights nang nakasabit sa ceiling ng bahay niya.

"Oo nag-imagine ka na hinalikan kita ako at hinalikan mo ako pabalik noong nasa ere pa lang tayo. Pagkatapos nu'n, nawalan ka na ng malay."

"Ganu'n ba?" Napahawak ako sa pisngi ko. Ewan ko kasi ang lamig-lamig naman pero nag-iinit 'yung mukha ko. Inisip kong maigi kung ano ang nangayari kanina at mukhang totoo nga ang sabi niya. Nag-imagine nga yata ako ng sobra. Ako? Hahalikan ni Mr. Emoticon? Yucks! Kadiri no!

Napatingin ako sa kanya. Nakatingin siya sa malayo. May mask siyang suot gaya nu'ng bata sa loob pero kahit ganoon ay ramdam ko ang pagkaseryoso niya. Para siyang may malalim na iniisip.

"Yung bata na nasa loob..." komento ko ngunit hindi ko na natapos nang magsalita agad si Mr. Emoticon.

"Kakarating niya lang kagabi. Kamutikan na siyang mahulog sa building noong dumating siya kaya sinagip ko. Kasama niyang dumating 'yung apartment na 'yan. Walang ilaw kaya naghanap ako ng paraan," aniya.

Napaisip ako bigla. "At kaya ka nangnakaw ng wirings para magkaroon ng ilaw 'yung apartment niya?" tanong ko at huminga lang siya nang malalim. Kahit paghinga niya, napaka-masculine pakinggan. Anyways, nahiya ako bigla sa sarili ko. Noong nahuli ko siyang nagnanakaw ng wirings doon sa KTV bar, hinusgahan ko siya agad. Iyun pala, gagamitin niya pala 'yun para sa mabuting paraan. Pero kahit na no! Maganda ang intention niya pero mali pa rin 'yung ginawa niya. Ninakaw niya 'yung mga wires! And lastly, illegal 'yung pagkabit niya ng kuryente.

MEMORIE IS A LIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon