Ferris Wheel
"Anxiety, thank you for making me stay in your house for how many days pero..." Yumuko ako habang nasa harap siya. Tinignan ko iyung flooring ng foot bridge kung saan kami ngayon at hinanap ko roon ang pupuwede kong idugtong sa sinabi ko sa kanya pero wala akong natagpuan kundi ang mga paa lang namin. Hindi ko siya makausap ng maayos sa dahil sa ginawa namin kanina rooon sa public comfort room. Wala naman iyung kaso but the fact the Anxiety did just give me pleasure using her mouth makes me feel very awkward talking with her. Though, hindi ko naman siya hinuhusgahan kasi binigyan ko naman siya ng concent para gawin iyun. I was just wondering kung nagkaka-orgasm ba ang mga tao sa mundong ito. And she gave me an answer.
"It's okay. I think kailangan mo ring mapagisa para maging independent ka," aniya. Tinignan ko siya at nakita kong sobrang ayos lang ng facial expression niya. Unlike me na medyo namumutla at nao-awkward, Anxiety was just calm.
"Thanks," sabi ko sa kanya. Tinignan ko siya sa mga mata niya. May bibigkasin pa sana ako kaso hindi ko na naipalabas ang mga salitang kanina pa naghihintay sa likod ng dila ko nang pinangunahan ko na niya ako.
"I'm a lesbian, Memorie," she confessed without hesitation. Napatitig lang ako sa mga mata niya. Nginitian niya lang ako.
Anxiety and I parted on that footbridge. Magkaibang direksyon ang tinahak namin. She was going to South and I am heading to North. Nagbabaga rin sa neon lights ang paligid namin noong umalis na kami. Gabi na rin kasi at traffic na rin sa baba. Sa mga kumpol ng mga taong dumadaan sa paligid ko, binalikan ko ng tingin si Anxiety at sa isipan ko ay nagpasalamat akong muli sa kanya. Tila narinig naman iyun ni Anxiety at kinawayan niya lang ako habang naglalakad siya.
Suddenly, I was alone. Tila naligaw akong bigla nang maiwan ako roon sa footbridge. Though, wala naman akong naramdaman nakahit anong pagsisi kasi atleast ngayon, mas dodoblehin ko pa 'yung effort ko para maka-survive lang sa mundong ito habang naghahanap ako ng paraan kung paano ako makakaalis dito.
Maglalakad na sana akong muli pero natigilan ako nang may kung ano akong narinig sa gilid ko. It was a voice from a real woman at hindi ko lang iyun ngayon narinig. Minsan ko nang narinig ang boses na iyun sa panaginip ko.
"Memorie, anak."
"I'm sorry."
Pagkalingon ko, akala ko tao ang makikita ko pero hindi pala. I saw a ferris wheel illuminating against the darkness of the night. Ang liwang niyun ay nag-contribute sa iba pang liwanag sa paligid. Nakatayo ang ferris wheel sa pinakagilid ng daan at lumagpas ang kalahati nito sa footbridge. Kanina ay umiikot iyun pero bigla na lang iyung tumigil nang tumapat sa akin ang isang cabin. Ang mismongg cabin na nilabasan ko noong nakarating ako sa mundong ito apat na araw na ang nakalipas.
Madilim sa loob niyun ngunit nang tinignan kong mabuti ang loob niyun ay nagulantang ako nang makita ko ang hubog ng isang taong nakahiga sa loob. I thought it was a stranger pero hindi. It was me! Ako iyung nakahiga sa loob ng cabin ng ferris wheel sa ibabaw ng patient bed habang may kung anu-anong wires ang nakakabit sa katawan ko. Biglang kong naitakip ang parehong kamay ko sa bibig ko. Nagkaroon din ng isang malaking lump sa lalamunan. I was already crying at nang mas lalo pa nga akong lumapit doon ay narinig ko ulit iyung boses na humihingi sa akin ng sorry kanina.
"Memorie, anak."
"I'm sorry."
"Jusko, ano 'to?" Nakaramdam ako ng matinding pagkalito. People was passing behind me na para bang hindi nila nakikita ang nakikita ko. Hindi ako lumingon kahit saan at nakakatitig pa rin ako roon sa loob.
Nandito ako sa labas ngunit nakikita ko rin ang sarili ko sa loob. The other version of me. The helpless one. The sick one. Pinilit kong inalisa kung bakit ko nakikita ang sarili ko roon sa loob pero nauwi lang ako sa matinding pagkalito. Walang logic and mundong ito. This coined also named as Miraquel or the other word for purgatory. Maari kayang sa totoong buhay ay kasalukuyan na akong nag-aagaw buhay kaya ako napungta rito kasi anytime ay puwedeng mawala na ako?
That thought makes me cry hard. May kung anong bagay sa loob ko na ayaw tanggapin ang ideyang 'yun. Or maybe it was just that matagal na akong dapat na wala ng buhay pero kumakapit pa rin ako kaya hindi pa rin ako makaalis-alis? Pero bakit? Anong nagpapapigil sa akin para hindi muna tumawid sa kabilang buhay kung mayroon mang ganoon?
"Memorie, anak."
"I'm sorry."
Nangatog akong muli nang marinig ko ang boses na iyun. Galing ba ang boses na iyun sa nanay ko? Ba't wala akong maalala? Bakit wala?!
Para malaman ang sagot, itinaas ko ang mga paa ko sa rail ng footbridge at tinangkang pumasok doon sa loob ng cabin. Tinangka kong abutin ang pintuan niyun at sa wakas ay nabuksan ko nga. Mabilis kong natanaw ang sarili ko sa loob. Akmang papasok na sana ako roon nang may biglang humila sa bewang ko na naging dahilan upang mabalik ang mga paa ko sa mismong flooring ng footbridge.
Tinanaw ko kung sino ang humila sa akin at natagpuan ko si Mr. Emoticon. He was worriedly looking at me. Babatuhin ko pa sana siya dapat ng maraming tanong pero hindi ko na nagawa nang bigla nang umikot 'yung cabin ng ferris wheel.
"Hindi!" Mabilis akong tumakbo papunta roon pero sobrang nahuli na ako sa kadahilanang bigla na iyung hinigop ng isang black hole causing it to disappear in the mid air.
Humagulgol ako sa rail ng footbridge. Nilapitan ako ni Mr. Emoticon. Napatitig ako sa kawalan na litong-lito dahil sa dami ng tanong sa isipan ko na hindi nasagot.
* * *

BINABASA MO ANG
MEMORIE IS A LIE
Science FictionAfter waking up in a ferris wheel cart with no memories, Memorie quickly realizes that she is in a parallel universe where everyone is a digital version of themselves. When Memorie wakes up in a ferris wheel cart with no memor...
抖阴社区 Original
Mayroong 2 pang mga libreng parte