抖阴社区

抖阴社区 Original
Mayroong 14 pang mga libreng parte

C H A P T E R 1

4K 66 22
                                    

Heartbeats

Nakatingin ako sa salamin ng building na nasa harap ko. Nangangatog ang mga kamay ko habang hinahaplos-haplos ko ang mukha ko. May suot akong mask na puti na parang gawa sa marble. At sa ginta naman niyon ay may digital display naglalabas ng mga samo't-saring punctuation marks. Kanina, noong gulat na gulat pa ako, puro exclamation marks lang ang naka-display sa mukha ko. Pero ngayong kalmado at nagtataka na ako, naging question mark na lang ang kaninang mga intense na punctuation marks.

Nagtataka ako kung paanong nakakahinga at nakakapagsalita ako. Pati na rin kung paano ako nakakakita kung gayong may mask na nakasaklob sa buong mukha ko. Inisip kong maigi kung bakit pero nauwi lang ako sa pagkalito.

"Nakakabobo naman 'to oh!" inis na sigaw ko at umupo na lang ako sa sideline. Humalumbaba ako at napahinga na lang ng malalim. Hindi ko pa rin alam kung sino ako at kung nasaan ako. At kung bakit ganito ang mga nasa paligid ko. Parang may mali. Parang distorted ang logic ng mundong ito. Kasi kung normal lang na mundo ito, paano magkakaroon ng ferris wheel sa gitna ng daan? Paanong pagbaba ko kanina sa ferris wheel ay nasa gitna na ako ng highway? Bakit 'yung mga tao ay may suot na mask? Bakit ako e may suot din na mask? Nasa ibang planeta ba ako? Nasa Mercury? Venus? Jupiter? Pluto? Tangina, Earth 'to eh!

Tumitig ako sa view na nasa harapan ko. Malawak na six lane na highway. Walang traffic. Maayos lang na tumatakbo ang mga sasakyan. Walang kakaiba except for the fact na sa loob ng mga sasakyang iyun ay nakasakay ang mga taong katulad ko ay may suot ding maskara.

"Haay!" Naiiyak na naman ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Ni hindi ko alam kung saan ako nakatira. Hindi ko rin alam kung may mga kaibigan din ba ako rito. O kahit may kamag-anak man lang!

Biglang kumulo ang tiyan ko. Nagututom na ako! Luminga-linga ako sa paligid para maghanap ng makakainan. Sakto! Sa may bandang kanan ko, may isang restaurant!

Tumayo ako at masayang naglakad papunta roon. Tinignan ko ang menu na nasa labas nila at nakita kong mukhang masasarap naman 'yung mga ulam. Isa 'tong korean restaurant. Soo Jang Min restaurant ang pangalan. At ang pinaka-main dish nila ay 'yung fried chicken nila na may coating na bread crumps! Oh, my gosh! Naglalaway na ako.

Pero wait?

Korean restaurant?

Nasa Korea ba ako?

"K-kuya, excuse me?" tanong ko sa security guard na katulad ko ay may suot ding mask. Walang exclamation marks ang mukha niya. Ibig sabihin, poker face siya ngayon.

Hindi siya nagsalita kaya dini-recho ko na lang siya. "Nasa Korea po ba ako?" tanong ko sa kanya.

Hindi pa rin siya sumagot.

Napa-buntong hininga na lang ako. Mukhang wala yatang may gustong kumausap sa akin dito.

Pumasok na ako sa loob at infairness, pinagbuksan niya naman ako.

"WHOA!" Kakapasok ko pa lang ay napasigaw na ako agad. Dilat na dilat ang mga mata ko nang makita kong hindi fried chicken ang kinakain ng mga tao kundi mga puting tablets. 'Yung parang gamot! Bilog at maliit. Sa mga baso din nila ay hindi tubig ang laman kundi, tablets din. Nakita ko kung paano nila kinakain at iniinum 'yung mga naka-serve. Katulad ng mga simpleng pagkain, ginagitan din nila iyun ng kutchara, tinidor, at chopsticks!

Sumakit ang ulo ko sa mga nakita ko. Nagdalawang isip ako bigla. Ayoko kong kumain ng mga gamot no!

Aalis na sana ako kaso, hindi ko na magawa dahil may nakapila sa likod ko. Patay!

At isa pang patay! Wala akong pera! Kashongahan ko naman talaga oh!

Nangangatog na ako sa kinatatayuan ko. Tatlong tao na lang at ako na 'yung mag-o-order! Gusto ko na talagang umatras pero gutom na rin talaga ako.

MEMORIE IS A LIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon