Instead of me answering back na medyo mabubulol, I took my breath and look at him annoyingly like I always do. "Pinagsasabi mo?" I replied na parang naiinis na nagmamaang-maangan to skip the question na 'Ah... Ah... Ahhh...' thingy.
"Ang sabi ko, mas lalo kang gumaganda, knowing you're so kind with the kids, these orphans." he explained and also smiled tapos binaba niya konti ang ulo niya at itinaas niya ang kanyang kanang kamay and using his finger point, kinamot niya ang ibabaw ng ilong niya pero yung mga mata niya, sa akin parin nakatingin. Damn! Ang pangit niya sa paningin ko. Ewww. Walang-wala siya kay Yam.
"Alam mo Kenn, nakakainis ka talaga eh. Of course I am beautiful! I know that. Duhhhh" pagtataray ko sa kanya then I immediately moved back to the car, went inside, sat and waited for him.
"Saan na punta natin ngayon ma'am?" tanong niya sa akin pagkapasok na pagkapasok niya. I don't have any intention para tumingin pa sa kanya. Eh sa nakakaumay siya eh. "Just drive, Idiot! You're so corny." I mean it. Para kasi siyang hindi nasa 21st Century. Parang Medieval Period pa. He's so antiquated.
I looked at him, hindi siya nagsalita. Nagdrive nalang pero nag-iba ang emosyon niya. I can say na naoffend siya.
"Bababa na ako." sabi ko sa kanya. I can't take the situation. Nakokonsenya ako. And I don't like it. Did I change? Masyado na ba ang dila ko?
"Huh? Bakit?" Kenn, asked.
"Basta, ihinto mo nalang." I strongly ordered.
"Alam mo Mitch, kung nagi-inarte ka na parang ayaw mong sumakay, hindi mo ako maiisahan. Nasa tapat na kaya tayo ng hospital, saka ka pa naginarte. BAGSAK ka bes!"
I looked around and uh-oh! He's right. Hindi ko napansin na nandito na pala kami? Parang ang bilis naman. May turbo ba ang sasakyan niya?
"Kita ko. Kaya nga ako bababa 'diba kasi nandito na tayo? Bababa ba ako kung hindi? Mag-isip ka naman." Syempre, I have to act like I am aware even if I am not.
"If you say so, sige na baba ka na, magpapark naman ako."
Binuksan ko ang pintuan ng sasakyan pero sa pagbaba ko parang may pumigil sa 'kin na napabalik ako agad sa akong inuupuan. Shems! Naka seat belt pala ako.
I didn't notice that Kenn came closer to me and took off the lock of the seat belt. Ang awkward... He is like leaning on my front but not really. Basta nasa harap ko lang siya, yung gaya nang mga eksena sa T.V. Shims. So this is how it feels.
Then when he took it off, aalis na sana ako but he froze himself, his face in front of my face that makes me feel even more uncomfortable. I was a bit turning my head from right to left and vise versa. "Bababa na ako." sabi ko to break the ice.
"Minsan, magtanggal ng seat belt bago bumaba. BAGSAK no. 2" sabi niya tapos kumindat pa. Ewwwww
Tuluyan na akong bumaba at tuluyan naring umalis si Kenn, driving his car. Yumuko ako at tumingin sa direksyon ng sasakyan na paalis to check kung may turbo kasi parang ang bilis talaga ng biyahe namin.
"Mitch! What are you doing?! Para kang timang diyan!" Boses na talagang napakatinis ang gumulat sa akin na parang may slang pa kaya tumingin ako kung saan nakita ko si Fiona.
"Oh my God Fiona! Bumalik ka na! Kumusta naman ang America?" ang sosyal na ng babaeng 'to. Yung buhok, short tapos color chocolate brown and ang puti na niya.
"Well, fine. Fun." tipid lang na sagot niya sa 'kin. Ano ito? Tinitipid niya para may pasalubong pa siyang English mamaya sa mga kasamahan namin?
"Tignan mo naman oh! Ang ganda mo na! Nakaluwagluwag na!" Pagkasabi ko non bigla niyang tinaas ang shades niyang black at hinawi sa kanyang buhok and look at me.

BINABASA MO ANG
Clashing Devastation [COMPLETED]
RomanceNaniniwala ka ba na ang tadhana ang siyang maghahatid sa 'yo sa taong mamahalin ka? O ang tadhana ang magdadala sa 'yo para sa ikakawasak ng puso mo? Clashing Devastation is a 2nd Book of I Love You Two. The question is, "How will the story continue...
Kabanata I
Magsimula sa umpisa