抖阴社区

Kabanata XXIX

1 0 0
                                    

Kabanata 29

Miserable

WILLIAM'S POV:

Agad akong lumabas ng hospital para kunin ang sasakyan ko.

Determinado talaga akong hanapin saan mang sulok ng daigdig tinago ni Kenn si Mitch.

Habang nasa daan ako, tinawagan ko si Simon sa pangalawang pagkakataon para magpatulong.

"Oh Yam?" tugon niya sa akin

Humugot ako ng hininga bago ako sumagot.

"Please paki-trace ang phone ni Kenn." mas binilisan ko pa ang takbo ng sasakyan ko.

"Ha? Bakit? 'Di ba nasa hospital siya?" nagugulumihanan niyang tanong niya sa akin.

"Hindi. Tinangay niya si Mitch hindi ko ngayon alam kung saan niya tinago." pagpapaliwanag ko tapos niliko ko ang daan.

"Ano? Eh asan ka?" gulat niyang tanong sa akin.

Biglang may isang lalakeng nakamotor ang pagewang-gewang kaya prumeno ako at binusinahan siya pero huminto lang siya sa daan na dadaan ko. Dahil sa galit ko, binuksan ko ang bintana na sasakyan ko.

"Manong kung gagawa kayo ng kalokohan, huwag ngayon. Umalis ka na sa daan!" sigaw ko sa kanya pero tinignan niya ako ng masama.

Mabilis akong nagalit at bumaba para suntukin siya. Hindi siya lumaban, parang lasing. Napatabi siya at umupo. Kinuha ko ang sasakyan niya tinapon sa tabi.

Bumalik ako sa sasakyan ko at dumerecho na sa pupuntahan ko.

"Yam... Yam???" rinig kong tawag sa akin ni Simon sa tawag.

Kinuha ko ang phone ko at sinagot siya.

"Papunta ako sa bahay nina Mitch. Habang nasa daan ako, may lalakeng lasing habang nagmamaneho. Naka-itim. Parang nasa 50+ ang edad, nasa 4 to 5 feet ang tangkad. Nasuntok ko dahil humarang sa daan at tinignan ako ng masama. Pakitignan nalang at tumawag ka ng ambulansya para tignan siya." bilin ko kay Simon tapos hindi ko na siya hinintay sumagot at pinatayan ko na siya.

Narating ko na ang bahay nina Mitch kaya bumaba na ako sa sasakyan ko para tignan kung may tao sa bahay nila.

Agad na akong nag-alala nong makita kong bukas ang gate nila kaya pumasok ako. Bukas rin ang pinto nila at halos basag ang mga gamit. Kinabahan ako at napalunok.

Agad akong umakyat to check Mitch at si tita pero wala. Walang tao. Ni isa.

Tumungo ako sa kusina nila pero wala ding tao.

Nakita ko nalang sa sahig ang apron na may dugo kaya kinutuban na ako.

Tumungo ako sa sasakyan ko at tinawagang muli si Simon.

"Pakitrace rin ang phone ng mama ni Mitch. Wala siya sa bahay nila at may nakita akong apron, may dugo." pinatayan ko siyang muli at hindi hinintay na sumagot.

Naisipan kong pumunta sa Nalbo, umaasa na don niya dinala si Mitch.

Pagdating ko ng crossing, niliko ko kaagad at hindi ininda kahit aalog-alog ang daan. Nalampasan ko na ang factory kaya mas pinabilis ko pa.

Bago ako bumaba, tinext ko kay Simon kung asan ako tapos bumaba na ako agad ng sasakyan ko para pumunta sa loob ng hideout nila.

Pero sa pagpasok ko, wala akong makitang tao. Hindi nagtagal, may umatake sa aking lalake at pinalo ako ng bakal sa likod ko kaya mabilis akong nanghina. Lumabas rin ang ibang mga lalake na may hawak na bakal. At sa hindi kalayuan, may lalakeng nakaupo na may hawak na baril.

Clashing Devastation [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon