Kabanata 12
The Dress
MICHELLE'S POV:
"Tama ba 'yong ginawa ko kanina?"
I am at my room, lookin' myself in the mirror. Iniisip kong hindi ba ako lumagpas sa border.
Agad nalang akong tumayo at naligo. I still need to prepare for tonight's party.
Pagkaligo na pagkaligo ko agad akong tumingin ng masusuot sa wardrobe ko. Ang dami kong damit na maaayos naman, desente pero hindi ko sila gustong suotin. Bakit?
Halos nakita ko na lahat pero wala parin akong matipuan. I stopped for a moment, and I looked carefully with my dresses.
"One, two, three... Wait---"
Binalikan ko ang pangalawa and yes! This is it. This bohemian dress is perfect for a beach celebration.
Mayroong sleeves na transparent pero may particles na kumikinang, tamang pacleavage lang pero infairness pati taas ng dibdib ko, kumikinang, tapos 4-inch above my knee, color black siya na may mga particles rin na kumikinang.
Sinuot ko na siya agad, naglagay ng make-up, yung simple lang.
Saktong foundation, tamang highlights, contour, light blush on and a bit if particles on my cheeks para hindi siya plain.
Lipstick... Hmmm. This dark red is good for my black bohemian dress.
Earings na silver to make it complement sa mga pakinang-kinang ko.
I want my eyes na may puti si gitna, so I'm using this contact lens na black yung circle with small white in the middle.
Yung hair ko naka-ponytail tapos nilagyan ko ng glitters.
Namili narin ako ng heels ko and this 6 inches na kulay silver ang sinuot ko.
Buti nalang pala naglinis ako ng kuko sa paa kagabi.
I looked at the mirror. Why do I feel like I'm stunning? I turned around I was about to leave pero nakita ko yung perfume ko, yung wallet ko, yung relo ko kaya nagspray na muna ako and wore my watch which is kulay silver and my wallet is black.
Pababa na ako ng hagdan and bigla kong nakita si Kenn in his black bohemian polo.
"Oh my gosh! Pano kami naging terno?" tanong ko sa sarili ko.
Pabalik na sana ako sa kwarto ko para magpalit ng dahan dahan but my mom called me!
"Oh my gosh darling! You look so beautiful in that bohemian dress." kaya naman napaurong ako at tinuloy ang paglakad pababa.
"Anyway, I saw Kenn na naghihintay sa labas kaya pinapasok ko na, nakakhiya naman kung sa labas siya maghihintay." sabi ni mama.
Wala akong masabi kundi nakangiti lang ako.
"Hi Mitch! You're so stunning. Shall we?" sabi niya kaya agad na akong nag'yes' para hindi na kami makutya ni mama.
"Wait! - wait!" sabi ni mama.
"Para pala kayong mga high school students na dadalo ng isang JS Prom! Terno kayo oh! Pareho kayong naka black bohemian. Para tuloy kayong may date!" and there she is. Napansin na niya.
"Oo nga po tita eh." sabi ni Kenn na tuwang-tuwa.
"Hehe, opo ma, sige na mauna na kami." sabi ko to skip it.
"Wait -" sabi niya tapos kinunan kami ng letrato.
"Ma, nakakahiya..." sabi ko naman.
"Sige na humayo na kayo. Mag-ingat kayo. Kenn I trust in you my daughter." bilin ni mama.

BINABASA MO ANG
Clashing Devastation [COMPLETED]
RomanceNaniniwala ka ba na ang tadhana ang siyang maghahatid sa 'yo sa taong mamahalin ka? O ang tadhana ang magdadala sa 'yo para sa ikakawasak ng puso mo? Clashing Devastation is a 2nd Book of I Love You Two. The question is, "How will the story continue...