Kabanata 24
Let's Play!
WILLIAM'S POV:
"Bili tayo ng token!" masiglang wika ni Mitch. Hinila niya ako patungo sa cashier.
"Ah miss! Token po. 200 pesos." sabi niya sa cashier kaya nilabas ko na ang pera ko para i-abot ito sa cashier.
"Yeyy!" sabi ni Mitch.
"San tayo?" tanong ko sa kanya na buhat-buhat ang mga token pero kinuha ko ang mga ito para ako na ang magbuhat.
"Don tayo!" sigaw niya. Tapos tinuro niya yung parang basketball. Agad siyang pumunta don kaya sinundan ko siya.
Binigyan ko siya ng token kaya naglaro na siya agad.
She's playing habang nasa likod naman niya ako at pinapanood ko lang siya. I was laughing when he couldn't shoot the ball to the ring pero dinidilatan niya ako kapag nakakashoot siya.
"Teka! Why don't you play?" hinahabol na niya ang kanyang hininga marahil sa pagod pero mababakas parin ang galak sa kanyang mukha.
"Sige ba, paramihan tayo ng score?" hamon ko sa kanya. She was aggressive and confident kaya tumango siya agad.
"Kapag natalo kita, anong punishment mo?" she asks so I immediately mused but no idea popped up in my head.
"Alam ko na, kapag natalo kita kailangan bigyan mo ako ng stuff toy galing sa claw machine na 'yon!" sabi niya sabay turo ng claw machine sa kabilang sulok.
Tumango ako at ngumiti sa kanya.
"Sige ba." tugon ko. "Pero kapag ikaw ang natalo foreplay tayo." humawak ako sa parehong bewang ko at kinindatan siya ng dalawang beses.
Nabigla ata siya sa tinuran ko kaya nanginig siya sa kaba. "Ahhh..." nagdadalawang isip niyang tugon.
"Hindi na pala." unti-unti niyang binalik ang tingin niya sa mga bola at para ishoot ang mga ito pero hindi niya mashoot kahit dampi lang sa ring, wala.
Agad akong humawak sa braso niya at hinila siya para tumingi sa akin. "I was just joking. Kung natalo kita, libre mo nalang ako ng kahit ano." sabi ko sa kanya.
Humugot siya ng hininga tapos ngumiti sa akin. "Game!" sigaw niya na parang agad nanumbalik ang kanyang sigla.
Sakto namang natapos na ang set niya kaya sabay kaming naglagay ng token para maglaro.
Determinado siya habang naglalaro. Pero mas lamang parin ako sa kanya kahit na gustong-gusto niyang manalo. Tumitingin siya sa scores ko kaya nadidismaya siya.
Sa mga sumunod na pagshoot ko ng bola, hindi ko na tinutoo para lumamang siya.
"Oh? Parehas na tayo ng puntos!" sigaw niya kaya ginanahan siya.
"Oh?" pagkukunwari ko naman para hindi halatang pinagbibigyan ko siya. Nang malampasan niya ako ng isa, sakto namang natapos na ang set.
Tuwang-tuwa siya nong makita niyang lamang siya.
"Pano ba 'yan Yam? Humugot ka na ng stuff toy!!!" pangi-inis niya sa akin.
I chuckled tapos agad na akong tumungo sa machine.
Maliit lang ang machine na ito but I admit, one of the toughest game you could ever play inside this game world.
Naglagay na ako ng token at sinubukang mamingwit ng laruan.
"Gusto ko yung pink na stuff na toy!" tinuturo ni Mitch yung kukunin ko at abang na abang siya rito.
I pressed the green button to catch that pink stuff toy and it was too close but it wasn't enough.
"Ah sayang! Ang lapit na non!" pagrereklamo ni Mitch tapos kinagat niya ang hintuturo niya.
"Isa pa." sabi ko naman. Naglagay muli ako ng token to try it again.
"Ayan-ayan!" pagchi-cheer up sa 'kin ni Mitch.
When I pressed the green button, hindi ulit nito natangay ang pink na stuff na toy.
"Subukan ko nga." sabi ni Mitch pero hinarangan ko siya.
"Kapag ikaw nakakuha, eh di wala na yung punishment ko." sabi ko sa kanya.
Tinanggal niya ang mga kamay ko at nagpumilit.
"Basta makuha lang 'to ayos na." tutok na tutok siya sa pangunguha ng stuff toy.
"Alam mo, parang pagtatanggal lang ito ng mga tumour sa ulo. You gotta be careful and focus to the target. Huwag kang malilingat." pangaaral niya sa akin tapos agad na niyang pinindot ang green button habang nakangiti at kumpyansang makukuha ito.
But it just passes through so I cackled.
"Mitch, ang dami mong sinabi. Mas maganda pa yung mga performances ko eh." pagbibiro ko habang siya nagtataka.
"Maganda kaya pagkapyesto ko ng claw kanina. Siguro sinungaling talaga ang machine na 'to." sabi niya tapos sinipa ang machine at tumingin sa paligid.
"Ah... Why don't we play that game!" sigaw niya tapos nagtungo siya sa isang computer game. Yung nagbabaril ka.
Umupo siya kaagad tapos kumuha ng token sa akin.
"Umupo ka na rin kaya." sabi niya kaya umupo ako para maglaro din.
"Hoooo!!!"
"Tad-tad-tad-tad-tad!"
Because we are having so much fun, nagtutukan na rin kami ng baril at kami na yung nagbarilan.
"Gusto ko 'yun! Sayaw tayo!" she's so active like a kid and I followed her again like a father.
Dito na ata ako mapapaayaw ah!
Naglagay kami ng token ulit at sinabayan yung step ng nasa monitor.
It's like, sayaw don! Kembot dito! Giling sa kanan, hataw sa kaliwa! We even jumped, turned around and sway our hips na ang kulang na lang eh tumambling kaming dalawa.
Pinagtitinginan narin kaming dalawa ng mga tao dahil siguro sa galaw naming sumayaw pero hindi namin sila pinansin.
What matters is that we are here to unwind and we are having fun!
Naupo na kami sa entablado ng larong ito dahil sa pagod. I was really catching my breath and my sweat was flowing like I am taking a bath.
"Nako basang-basa ka." sabi ni Mitch sa akin tapos kinuha niya ang panyo ko.
"Tanggalin mo yang coat mo tapos tumalikod ka." utos niya sa akin kaya agad naman akong sumunod.
Hindi nagtagal pinunasan niya ang likuran ko kaya nilingon ko siya pero tutok talaga siya sa pagpunas sa 'kin.
"Nako, bumili na tayo ng damit mo. Baka magkasakit ka niyan." sabi niya sa akin tapos inabot ang panyo ko.
"Hindi na, ayos lang 'to." sabi ko but she stood up and pulled me out.
"Just do as I say. Parang hindi ka doctor." she scolds at me.
"Dito, pumili ka na ng isusuot mo." utos niya sa akin habang hawak ang ciat ko pagdating namin dito sa store ng mga shirts.
Lumapit sa amin ang isang sales lady habang nakangiti.
"Ano po 'yun sir/ma'am?" tanong niya sa amin.
"Damit para sa kanya po." tugon ni Mitch habang tinuturo ako.
"Dito po ma'am." pinangunahan ng sales lady ang daan patungo sa men's wear. "Pumili nalang po kayo ng gusto niyo."
Agad kong tinignan itong plain gray shirt na bulsa sa kanang bahagi ng dibdib.
"Eto, ayaw mo?" tanong ni Mitch habang may pinapakitang damit.
Paisley ang disenyo pero hindi siya colorful. Gray yung kulay ng damit at kulay black yung paisley.
"Yan na lang." sabi ko kaya agad na kaming nagbayad.
Pagkatapos naming magbayad pumunta na akong dressing room para magpalit ng damit.

BINABASA MO ANG
Clashing Devastation [COMPLETED]
RomanceNaniniwala ka ba na ang tadhana ang siyang maghahatid sa 'yo sa taong mamahalin ka? O ang tadhana ang magdadala sa 'yo para sa ikakawasak ng puso mo? Clashing Devastation is a 2nd Book of I Love You Two. The question is, "How will the story continue...