抖阴社区

Kabanata XX

4 0 0
                                    

Kabanata 20

Bait

MICHELLE'S POV:

"Ako na ang bahala dito." sabi ni Tuazon na inaayos ang sinturon niya.

Bumalik na kaming Police Station dahil hindi kami makalapit sa lugar.

"Gusto kong tumulong." sabay na banggit nina Kenn at Yam na parehong nakatayo at aligaga.

Tuazon muses at inawat ang dalawa.

"Trabaho ko 'to. Hayaan niyo na ako." punto ni Tuazon.

"Hindi." sabay ulit na sabi nina Yam at Kenn.

Humugot ng hininga si Tuazon na parang hindi na alam ang gagawin.

Tumayo ako sa pagkakaupo ko para kausapin si Tuazon. "Officer, just inform me and my mother, is enough..."

Lumabas na ako nang hindi parin pinapansin ang dalawa.

Pagdating ko sa labas naghintay ako ng dadaang taxi pero walang napapadaan kaya napakagat-labi nalang ako.

"Tara na." aya sa akin ni Kenn.

"Hindi na." tugon ko.

Dumaan si Yam pero hindi na niya ako kinausap. Dumerecho lang siya at nagpatuloy.

"Tara na..." pilit ni Kenn pero umiling parin ako.

Hindi nagtagal dumaan ang isang taxi kaya pinara ko na ito.

"Miller Hospital po." sabi ko kay manong tapos inabot ko na ang pamasahe ko at sakto namang tumunog ang cellphone ko.

"Asan ka na ba Mitch?" tanong nj Doc. Magallion.

"Papunta na po ako diyan Doc., bakit po?" tugon ko.

"Kanina pa nag-umpisa ang directors meeting. Naghihimutok na ang mga ibang director. Kayo na lang ni Kenn ang wala." sabi niya sa akin kaya nagulat ako dahil hindi ko inaasahan ang meeting.

"Sige po doc., malapit na." tugon ko tapos binaba ko na ang tawag.

"Manong palibilisan nalang po ng konti." sabi ko sa driver.

Naramdaman ko naman na mas bumilis ang takbo sasakyan.

Kinuha ko sa bag ko ang liptint ko at pulbo para magretouch kasi haharap na naman ako sa mga gahaman.

Ginamit ko ang salamin niya sa harap para tignan ang bibig ko kung maayos naman.

Bigla siyang prumeno kaya tinignan ko ang paligid.

Andito na pala kami.

Lumabas ako agad at sa paglabas ko tumingin muna ako sa salamin ng sasakyan niya para tignan ang kabuuan ko tapos inayos ko ng kaunti ang buhok ko.

Tumakbo ako ng matulin patungo sa meeting room.

Pagkarating ko sa tapat ng pinto ng meeting room, hinabol ko saglit ang hininga ko tapos humugot ako ng hininga bago pumasok.

Pumyesto ako agad sa tabi ni Yam. Wala pa si Kenn.

"Pinatawag ko kayong muli---" sabi ni Doc., magallion pagkatapos niya akong makitang nakaupo pero tinaas ko ang kamay ko at pinatigil siya sa sinasabi niya.

Nagmadali akong pumunta sa harap para bumulong sa kanya. "Maaari po bang pangunahan ko na ang meeting?" tanong ko sa kanya.

Nagdududa siya pero tumango siya kaya hindi ko na pinalampas pa.

Agad akong tumungo sa laptop at sinaksak ang flashdrive ko.

This is it.

"Okay everyone, sorry if I made you wait but this meeting is really different from what we had in the last meeting." anunsyo ko sa madla.

Clashing Devastation [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon