Kabanata 19
The Mischievous Four
MICHELLE'S POV
"Let's continue..." sabi ko kina mama at Tuazon.
Kenn stood behind me.
"Dumaan siya sa highway so I followed his traces. Derederecho lang siya sa paglakbay. It's a good thing nagkalat ang CCTV sa highway so I was able to follow him." sabi niya sa amin.
Napapatango lang kami ditong tatlo. I was surprised na ganito pala siya magtrabaho.
"Before he got into the arc of the next city, lumiko siya patungong Nalbo. I suspect that it was a new hideout of him. Unfortunately walang CCTV sa dinaanan niya." he was disappointed to promulgate.
Tahimik lang kaming dalawa dito ni mama but Kenn wasn't.
"Sinubukan niyo na po bang pumunta sa lugar na pinasukan niya?" tanong ni Kenn kay Tuazon.
Humawak si Tuazon sa belt niya at sinagot si Kenn.
"Oo pero wala akong nakitang bakas niya."
Tumango lang si Kenn at mukhang problemado.
"Thank You Officer, Please work hard for this." sabi ni mama kay Tuazon.
"Yes ma'am." tugon naman niya.
Lumabas si mama but she seems very disappointed.
Nagpaalam na rin kami ni Kenn kay Tuazon at paglabas namin nakita kong paalis na si mama, sakay ng isang taxi.
"Balik na tayong hospital?" sabi ko kay Kenn.
Mula sa labas ay may humintong sasakyan na pamilyar ang ungol.
Napatingin kaming pareho ni Kenn. Sa pagtingin namin, pumasok si Yam.
What is he doing here?
Tinapunan niya kami ng tingin pero walang poot o galit. Nagpatuloy siya pero hindi siya mukhang apektado.
Kenn smiled at me, held my hand tapos hinila niya ako patungo sa sasakyan niya.
Nagtungo ako sa tapat ng tabi ng driver's seat. Papasok na sana ako pero sumandal si Kenn sa pintuan ng sasakyan niya.
"Bakit?" tanong ko.
Natulala lang siya saglit tapos bumalik sa dati. Umiling siya tapos tinapunan ako ng ngiti.
"Tara na." aya niya sa akin tapos binuksan na niya ang pintuan ng sasakyan niya kaya sumunod naman na ako.
*
Pagbalik namin sa hospital, hinatid ako ni Kenn dito sa silid naming mga Neurons.
Nadatnan namin sina Andrea at Fiona na parang nagsusulat at nagpupustahan.
"Anong ginagawa niyo?" tanong ko sa kanila.
They were startled and immediately kept their notes.
"Ah... Mitch, Kenn." gulantang ni Fiona.
They were shaking and seemed very nervous.
Kinuha ni Kenn ang hawak nilang papel at binuklat ito at napatingin naman ako kung anong pinagkakaabalahan ng dalawa.
"Bakit nakasulat ang pangalan ni Kenn at Yam?" tanong ko sa kanila.
Kinagat ni Andrea ang kuko niya at parang hindi niya alam ang gagawin. Nanlaki lang ang mga mata ni Fiona pero sunod-sunod ang paghinga.

BINABASA MO ANG
Clashing Devastation [COMPLETED]
RomanceNaniniwala ka ba na ang tadhana ang siyang maghahatid sa 'yo sa taong mamahalin ka? O ang tadhana ang magdadala sa 'yo para sa ikakawasak ng puso mo? Clashing Devastation is a 2nd Book of I Love You Two. The question is, "How will the story continue...