抖阴社区

Kabanata XIV

3 0 0
                                    

Kabanata 14

Bugger Off

MICHAEL'S POV:

"This can't be happening!!!" sigaw ni Mitch but I just chuckled.

Hindi nagtagal, bigla namang may cellphone na tumunog.

"This is Dr. Kenn of Miller Hospital." rinig kong tugon ni Kenn pagkatapos niyang sagutin ang tawag niya.

"Sige, papunta na ako." sagot niya tapos nagmamadali na siyang umalis.

"San ka pupunta?" tanong ni Mitch sa kanya pero hindi niya ito sinagot.

"Michael, pakitignan muna si Mitch, kailangan ko ng umalis... emergency." bilin sa akin ni Kenn tapos tuluyan na siyang umalis.

Pagkaalis niya, agad namang tumabi sa akin si Mitch

"Trinade na 'yan sa 'kin ni Kenn kaya hindi ka pwedeng uminom." sabi ko sa kanya when she was about to get an alcohol from the bucket.

"Eh ano ngayon kung trinade niya? Sa 'yo naman 'yan kaya bigyan mo na ako." sabi niya sa 'kin.

"Eh baka magalit 'yon?" I asked.

"Bakit naman siya magagalit? He's not my dad, not even my mom... Kaya wala siyang karapatan para pigilan ako sa gusto ko."

"Pano kapag nalasing ka?"

"Kaya ko ang sarili ko. Ako pa ba?" she carelessly answered.

Kumuha siya ng alak pati ang opener sa bucket, pipigilan ko sana siya pero hindi ko na siya naawat dahil sa bilis niya.

"Kapag ikaw nalasing bahala ka diyan." sabi ko sa kanya dahil nag-alala ako baka kung ano pang mangyari diyan.

"Isa pa." sabi niya sa akin kaya agad akong napalingon sa kanya. How did she drink it all that fast? Wala pang 10 seconds pagkakuha niya nong alak, naubos na niya?

Kumuha na naman siya ng alak sa bucket at hindi ko na naman siya napigilan. Binuksan niya ito at uminom.

"Alam mo, ang gago niyo ni Kenn." sabi niya sa akin.

Nararamdaman kong unti-unti na siyang nakakaramdam ng pagkahilo kaya mas lalo akong nag-alala. Ayoko kayang magkarga-karga ng lasing.

"Bakit na naman?" tanong ko kay Mitch.

Uminom siya bago niya ako sinagot.

"Trade? Seryoso kayo?" sabi niya sa akin. Tapos uminom ulit siya at kahit may konti-konting natatapon sa kanyang katawan, inubos niya parin ito.

"Isa pa." sabi niya ulit kaya nagulat ako dahil ang bilis niyang makaubos. She's really wild tonight.

"Tama na..." awat ko sa kanya dahil nakakarami na siya.

"Eh bakit?" tanong niya.

"Nalalasing ka na." tugon ko.

"Dalawang bote? Am I that weak para sa 'yo? Kaya ba ganon nalang kadali na ipagpalit ako sa isang bucket ng alak?" sa puntong ito, ang timbre ng tinig niya ay boses ng isang lasing kaya mas lalo akong nababahala sa kanya.

"Hindi... Hindi naman sa gano---" magpapaliwanag sana ako kaso sumingit siya agad.

"Eh kaya nga bigyan mo ako ng isa pa."

Kaya inabutan ko ulit siya ng alak kahit ayaw ko sana.

Uminom ulit siya at nagsalita.

"Alam mo yang si Yam... Yang best friend mo ha! Mahigit tatlong taon na akong naghihintay, hindi pa dumadating ang baklang 'yon." alam kong nawawala na siya sa sarili niya dahil kung ano-ano na ang sinasambit niya kaya napagdesisyonan kong yayain na siya para umalis.

Clashing Devastation [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon