"Para mo namang sinabing ang pangit ko noon at ang pobre ko naman masyado." May slang pa ang kanyang pagdrama na kung saan mas natawa ako. "What's funny? May nakakatawa ba Mitch?"
"Gaga, huwag ka ngang mag slang slang diyan. Hindi bagay sa 'yo!"
"Ay ang KJ! From America nga diba? Boba! Kung hindi ako magi slang hindi na manonotice. Girl, I have to boast it that I'm fresh from America. Uhhhh" Eh sa feel na feel talaga niya eh.
"Pansin ko nga eh. Yung dress mo ang ganda oh! Pak! May silver silver pa. Ikot-ikot!"
Umikot naman siya na may kaartehan na parang shinoshowcase talaga ang dress niya. Color dark blue ang kulay, plain tapos may silver silver lang sa gilid.
"Tapos pose Fiona. Ay nako! Boring boring! Gandahan mo naman, Ganyan nga! Sige tira! Pak pose! Oh sabeee! Yung feeling na stress pero maganda parin pose! Ganyan nga! Use your shades Fiona! Use it! Use it!"
She's doing everything I tell her to do. Ang boba parin ng gagang ito. Napaka energetic at give na give.
"Oh diba! Ang ganda! Uto-uto!" sabi ko sa kanya tapos napatawa ako ng malakas then I immediately resumed my poker face at umalis nalang sa harapan niya.
"Hoy Mitch! Ang bastos mo ah! Bastos mo parin. Wala kang chocolate at sausage sa 'kin mamaya."
"Saksak mo sa baga mo girl..."
Sinundan niya ako at maririnig ang tunog ng kanyang heels na kulay silver na may kinang kinang rin.
Sa pagpasok namin sa hospital, mistulang naging center of attraction kami dahil sa pagbabalik ni Fiona. Everyone is standing on their feet tapos tahimik na nagchichissmiss na parang naaamaze. Ito namang si Fiona, feel na feel ang pagrampa. Tinignan ko siya at hinila ko nalang derecho sa room naming mga Neurons.
"Hoy Mitch ano ba! Ang KJ mo talaga! Moment ko 'to eh!"
Pagdating namin dito sa kwarto naming mga Neurons ay agad-agad na siyang sumigaw. "Guyssss!!!"
Agad-agad napatingin sa aming direksyon ang mga naririto. At sa pagtingin nila sa amin ay biglang lumaki ang kanilang mga mata sa gulat lalo na nong nakita nila si Fiona na nagbalik na.
"Fio-Fiona?!" agad sigaw ni Michael pakakita niya rito. Napatayo siya at agad na lumapit kay Fiona.
"Ops. No touch!" pagmamayabang naman netong babaeng fresh from America. Habang ito namang si Andrea ay agad na lang tumakbo at umakap sa kanya.
"Andrea! Yak ewww... Naligo ka na ba? Aakap-akap ka baka may germs ka? Oo alam ko na sobrang ganda ko and fresh! Pero girl get off me muna, hihinga lang ako, ang higpit ng yakap mo ah!"
She have not yet changed. Maingay parin ang babaeng 'to. Ang sakit parin sa tenga. Ang tinis... And here comes Andrea, dadagdag pa sa sakit sa tenga.
"Alam mo kahit anong gawin mo, parehas lang tayo. Nako girl! Namiss kita sobra... May mga chocolates ba diyan? Labas mo na dali! Hindi yang fake silver sa dress mo ang ipapakita mo."
"Wow! Nakapagsalita. Buti nga may dress ako, from America. Ikaw kasi puro market market. Mas cheap! Duhhhh"
"Yan, nako jusko. Buti nalang talaga at mga kaibigan ko kayo kundi, matagal ko nang tinahi yang mga bibig niyo. Ang sakit sa tenga. Hinaan niyo naman ang ingay ng boses niyo Girls." pagrereklamo ko sa ingay ng dalawa.
"Fiona! Naging tao ka na pala." pagbibiro pa nitong si Michael tapos tumawa ng malakas. Ay nako. Gong gong na 'to, oo.
Dumerecho akong kama ko at iniwan ang tatlong nagdidiskurso. Miss na miss nila ang isa't-isa. Well, ako rin naman, I missed Fiona as well. Ang cute kaya nila kahit parang tindera sa palengke.
Binaba ko rito ang aking slim bag and wore my lab gown to see a patient.
"Heyhey! Fiona! You're back and look at you! You've changed a lot!" rinig kong sigaw ng isang baritonong boses and I know who that is, no other than Kenn. Sa hindi ka pa ba naman masasanay kung siya lagi ang maririnig mo. Kung andyan siya lagi at nangungulit.
"May titignan lang ako sa 2nd floor." pagpapalam ko kina Fiona.
"Oh! Sama ako, tutal ikaw naman ang sinadya ko rito." Hirit pa nitong si Kenn. So while walking going out from our room, I stopped and look at him saying, "Kenn, magtrabaho ka, hindi yung kinukulit mo ako lagi. Hindi porket mabait si Chairman Magallion, aabusuhin mo na." sabi ko tapos dumerecho na ako.
But then I just felt his presence around. So I stopped.
"Mr. Kenn, Head Cardiologist of Cardiologist Department, Mahangin, Makulit at higit sa lahat PANGIT---will you please leave me alone. I will do my job so please do yours." Sabi ko habang hindi tumalikod at hindi siya hinarap.
Then suddenly I hear steps towards me. Until I saw Kenn in front of me. "Ms. Michelle, from Neurologist Department, Mainitin ang ulo, at Masungit---will you please listen to me? I have important things to tell you."
I crossed my arms, chin up and one kilay up. "Ano 'yun?" tanong ko naman sa kanya.
"Pinapatawag ka ni Chairman Magallion."
"Ha? Bakit? Ano namang sasabihin non?" Biglang natanggal ang crossed arms ko, napayuko ng konti ang ulo at bumaba ang kilay.
Yumuko ng konti si Kenn, sakto para tapatan ang mukha ko at namilosopo. "Mitch, Eh di sana sinabi ko na kung alam ko, 'di ba?"
"Hehhh." I said it sarcastically while shaking my head a bit and then I walk going in Chairman Magallion's Office, wondering what he will say.

BINABASA MO ANG
Clashing Devastation [COMPLETED]
RomanceNaniniwala ka ba na ang tadhana ang siyang maghahatid sa 'yo sa taong mamahalin ka? O ang tadhana ang magdadala sa 'yo para sa ikakawasak ng puso mo? Clashing Devastation is a 2nd Book of I Love You Two. The question is, "How will the story continue...
Kabanata I
Magsimula sa umpisa