"Tanginang 'yan!" Bigla akong napamura nang makita ko kung paano magbayad 'yung mga nauna sa akin. Sin-wipe lang nila 'yung mga pulso nila sa isang machine tapos 'yun na! May resibo din silang natanggap!
"Bago ka pa ba rito?"
"Ay tae! Guwapo!" Hindi ko napigilan ang bibig ko nang makita kong magsalita 'yung lalaking nasa likod ko. Matangkad siya at may suot na leather jacket. Maputi 'yung balat niya. Maugat ang kamay. Visible 'yung adams apple niya. Tapos 'yung mukha niya... teka?
"Ako na po ang magbabayad sa kanya. Same order with mine, please."
Hindi na ako nakapagsalita noong nasa gilid ko na siya. Nag-init 'yung pisngi ko nang makita ko 'yung mukha niya. May suot din siyang mask pero kakaiba 'yung naka-display sa mukha niya.
"11,600 heartbeats po Sir."
"Okay." Sin-wipe ng lalaki 'yung wrist niya roon sa parang ATM Machine na ewan tapos binigyan na siya ng resibo.
"Heartbeats?" bulong ko.
"Let's go? Second floor tayo?" Dala-dala niya na 'yung tray namin. Susunod na sa sana ako sa kanya pero pinigilan ko agad ang sarili ko.
"Teka? Ba't ako susunod sa'yo? Anong akala mo sa akin? Kaladkarin?"
Ngitian niya lang ako tapos nawala na 'yung inis ko sa kanya. Kaloka? Ba't ganu'n siya ka charismatic e hindi ko naman kita ang mukha niya. Pero sa mukha ba talaga nakikita ang charisma? 'Di ba puwedeng sa galaw, sa tinig, o sa pananalita niya. O hindi kaya sa pagiging gentleman niya dahil nilibre niya ako ng pagkain?
Dumaan kami sa right corner kung saan may hagdanan doon. Nilagpasan namin ang fire exit at pagkatapos ng ilang hakbang, nasa second floor na kami.
Kakatapak ko pa lang sa sahig doon, agad na akong napalingon sa likod ko nang maramdaman kong nagsara bigla 'yung dinaanan namin at naging purong sahig na lang.
"Tangina!" Napatakip ako bigla ng bibig. Nakailang mura na ba ako sa araw na 'to?
Ngumiti lang si Mr. Emoticon. Mr. Emoticon ang itatawag ko sa kanya dahil unlike sa mga nakita ko ng tao kanina, hindi punctuation marks ang lumalabas sa display ng mask niya. Kundi, emojis or emoticons!
Naupo na kami sa nagiisang table roon sa second floor. Tinitigan ko ang pagkain namin at napakagat lang ako ng labi. Pa'no kakain ng mga pagkain na mukhang gamot?
"Alam mo ba..." nagsalita siya.
"Hindi ko alam..." pagputol ko sa sinabi niya. Exhausted na ako masyado! Gusto ko nang maiyak!
Natawa siya tapos nagsalita agad, "Alam mo bang wala talagang second floor sa restaurant na ito? Pero dahil inisip ko, at sinabi ko sa'yo na may second floor, nagkaroon bigla ng panibagong floor ang building na ito."
Kakasabi niya pa lang niyon ay bigla nang naglaho ang mga mga dingding sa paligid namin. Pati ceiling ay wala na rin. Ang sahig ay unti-unti ring naglaho. At sobrang nataranta ako nang makita kong palapit na ng palapit sa akin 'yung paglaho ng sahig hanggang sa...
"AHHH!"
Malalalaglag na sana ako sa first floor pero hindi na iyun nangyari nang biglang hinawakan ni Mr. Emoticon 'yung kamay ko. Napatingin sa amin 'yung mga tao sa ibaba. Pero kahit ganon, kahit nakalutang na 'yung sahig namin sa ere, parang baliwala lang 'yun sa kanila.
"Hinga," utos niya.
Sinubukan kong mag-exhale at pagtapos ay mag-inhale at noong naka-tatlong beses na ako ay biglang nadagdagan 'yung sahig sa ilalim ko enough para suportahan kaming dalawa ni Mr. Emoticon. Nagmistulan kaming nagdi-date sa ibabaw ng isang lumulutang na biyak na sahig.
"Let me tell you something," aniya. Tinitigan niya ako. Sumeryoso 'yung emoticon na naka-display sa mask niya. Hindi pa rin siya bumibitaw sa kamay ko.
"Alam kong nawe-wirduhan ka na sa mundong ito pero trust me, this world doesn't have any logic."
Napa-nganga ako sa sinabi niya. Nakinig naman ako dahil mukhang seryso naman siya sa sinasabi niya.
"Whatever you'd like to think of this world, ganon din ang mangyayari. Kung iisipin mong magkakaroon ng second floor ang isang building, magkakaroon agad. At kung iisipin mo namang guguho ang kinatatayuan mo, guguho rin ang paligid mo. Dependent ang mundo ito sa iniisip natin kaya dapat manatili tayong kalmado at logical. Kapag iisipin mong magkakaron ng tsunami, magkakaroon."
Sa sinabi niyang iyon ay bigla akong napatitig sa dagat na nasa malapit lang at nanlaki ang mga mata ko nang makita kong tumaas bigla ang tubig doon.
Snap!
Mr. Emoticon snapped his fingers infront of me at dahil doon ay bumaba ulit ang lebel ng dagat. Iyon nga lang, lumulutang pa rin sa ere ang sahig na kinatatayuan namin ngayon.
"Kanina, mabilis kitang nilapitan sa pila kasi nakita ko ang sarili ko sa'yo noong kakarating ko pa lang dito. Gaya mo, gulantang din ako sa mga nakita ko sa mundong ito."
"T-teka, ilang araw ka na bang nandito?" tanong ko sa kanya. Ba't kinakabahan ako?
"Hindi ako sigurado pero suguro mga sampung oras na."
"Sampung oras?" tanong ko. "Eh pa'no nangyaring alam mo na halos ang mga bagay-bagay dito? Atsaka bakit 'yung mga pagkain, 'yung mga tao, 'yung pera----" Natataranta na ako sa kung ano ang dapat kong itanong sa kanya at natigilan lang ako nang tinawanan niya ang pagkakataranta ko.
"Hindi bilog ang mundong 'to," aniya.
"Ano?!" Napasigaw ako sa sinabi niya.
"Kagaya ng sinabi ko, walang logic ang mundong ito kaya hindi ito bilog. Wala ring oras dito. Hindi ito naapektuhan ng segundo o minuto. At kagaya din ng sabi ko, kung ano ang gusto mong isipin sa mundong ito, 'yun din ang mangyayari."
Inisip ko na biglang umulan at bigla-biglang kumulog. Natawa siya. Pinigilan ko ang sarili ko.
"Sa analysis ko, tatlo pa lang ang consistent sa mundong 'to. Ang currency na ginagamit dito, ang mukha ng mga tao, at ang imagination ng kung sino man ang tumuntong dito. Naka-depende ang logic ng mundong ito sa logic na nasa isip mo."
"O-okay." Napalunok ako. "Pagdating ko rito kanina, nakita kong may suot na mask ang mga tao. Tapos 'yung mga pagkain, parang mga gamot. Tapos kapag tumatakbo ako, nag-e-extend at nag-extend lang 'yung mga daan at buildings."
Tumango siya sa sinabi ko. Hindi man lang siya nagkomento sa naging experience ko.
"How do you perceive me?" tanong niya.
"Ha?" Namula ako bigla. Naka-smiley kasi 'yung emoticon sa mukha niya.
Sinagot ko siya, "G-gaya ko, may mask ka rin. Kaso, ang kaibihan nga lang, hindi punctuation marks ang nakikita ko sa mukha mo kundi emoticons. Smiley, serious face, batsa emoticon. Kulay yellow na bilog na may iba't-bang facial expressions."
"Siguro baka nagu-guwapuhan ka sa akin kaya ganu'n?"
"Ha? Tanginang 'to!" Pinamulahan ako ng pisngi dahil sa sinabi niya. At napamura na naman ako. Tumawa lang siya. Sa pagtawa niya, parang nagkaroon bigla ng logic ang mundo ginagalawan namin! Landi ko!
* * *

BINABASA MO ANG
MEMORIE IS A LIE
Science FictionAfter waking up in a ferris wheel cart with no memories, Memorie quickly realizes that she is in a parallel universe where everyone is a digital version of themselves. When Memorie wakes up in a ferris wheel cart with no memor...
C H A P T E R 1
Magsimula sa umpisa