抖阴社区

C H A P T E R 2

Magsimula sa umpisa
                                    

Tinitigan ko siya ng masama. Sabagay.

"At kahit medyo malaki 'yung kita rito ng mga tao, masyado rin namang mahal ang mga bilihin. 'Yung simpleng friend chicken na kinain kanina,---"

"Na mukhang mga gamot," utas ko.

Nagpatuloy siya. "That already costs eleven thousand heartbeats. Ang mga apartments dito ay 25,000 hearbeat ang rent per day. Mahal din ang transportation at pagkain. Hindi pa kasama 'yung heartbeat na nakakaltas sa'yo kada humihinga ka sa mundong ito. At base sa estimation ko, kailangan mo ng 100,000 hearbeats per day para saktong mabuhay ka. Kaya 'yung 8,000,000 heartbeats, barya lang 'yun. Ngayon na kakarating pa lang natin sa mundong ito, para pa tayong mga taong kalye. We need to work damn hard to survive."

Nangatog ako bigla sa sinabi niya. Nakaka-stress. Wala akong alam na trabaho. Ni hindi ko alam kung nakatapos ba ako ng pag-aaral e!

"E pa'no kung isipin natin na marami tayong pera? E 'di baka ganu'n 'yung mundong 'to? Kung ano ang iniisip natin, ganu'n din ang nangyayari?"

"That won't work," sagot niya. "Dahil kasama sa tatlong consistencies ang currency, hindi natin 'yun puwedeng mabago."

"Nakakalito naman. Ano nga ba 'yung pangalawa?" pagod kong tanong. Grabe, nakakalito pala talaga ang mundong 'to. Ang daming kailangan tandaan. May makalimutan ka lang ng kaonti, baka patay ka na agad.

"'Yung appearance ng mga tao. Walang mukha ang mga taong nandito. Lahat canvass lang. 'Yung nakikita mong nakamaskara ang mga tao, dahil 'yun sa consistency number three."

"Ano naman 'yun?"

"Nakalimutan mo na?"

Tinignan ko siya. Bigla akong napaisip. "Ahh, kung ano ang iniisip natin, ganu'n ang nakikita natin."

"Right. Baka nakikita mong naka-mask ang mga tao kasi baka sa reality, nasanay ka na palaging hindi totoo ang mga pinapakita ng mga tao sa paligid mo?"

"Ganu'n ba?" Bumigat bigla ang pakiramdam ko sa sinabi niya. Ba't parang totoo 'yung sinabi niya? Ba't parang nasaktan ako?

"Eh ba't may mask din ako?" tanong ko sa kanya. "Plastik din ba ako? Two-faced? Balingbing?" dagdag ko

Hindi siya sumagot. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Tumatama sa mukha namin 'yung mapusyaw na liwanag ng sunset. Puro buildings pa rin ang nasa paligid namin. Walang humpay na buildings. Maybe dahil din ito sa iniisip ko. Na feeling ko trapped ako sa isang lugar?

"Eh, ikaw Mr. Emoticon? Pa'no mo ako nakikita?" tanong ko.

Naramdaman kong nilingon niya ako.

"Ikaw?" mababa at malamig ang boses niya. Lalaking-lalaki.

Tumitig siya saglit sa akin.

"Nakikita kita bilang marshmallow. Sunog na marshmallow."

"Ang sama mo!"

Marami pa sana akong gustong itanong sa kanya kaso pagod na ako. Inaantok na rin ako!

"Nandito na tayo sa train station," bigkas niya.

Bago pa niya sinabi iyon ay humikab muna ako at pumikit. At pagdilat ko, voila! May train station na sa harap namin.

"Saan ka uuwi?" tanong ko sa kanya.

"Hindi ko alam. Gusto mong sumama sa akin?"

"Ha? Ayoko no!" bulalas ko sa offer niya sa akin. Pero ewan! Parang gusto ko talagang sumama sa kanya. Pero ewan, parang ayaw ko rin. Ayaw kong maging pabigat ninuman. I'd rather suffer alone than hassle some people because of my own misery.

"Sige. Nice to meet you. See you when I see you." Tumalikod siya at nagsalita ulit. "May mga bagay na hindi mo pa kayang intindihin kaya mas maiging tawagin mo muna itong milagro." Nilingon niya ako at nginitian gamit ang smiley emoticon. Binalik niya ang tanaw sa harapan at naglakad na siya palayo sa akin.

"Teka!" Bago ko pa siya mapigilan, nakapasok na siya sa loob. Hindi na rin siya lumingon sa akin noong nakahanap na siya ng upan sa loob. Umalis na 'yung tren sa sinakyan niya. And then suddenly, I was alone.

Nabingi ako sa katahimikang namayani sa paligid ko. Nasa loob ako ng train station. Hindi ko na narinig amg mga tao gayundin ang pagkaskas ng mga bakal sa rails. Bakit ganito? Bakit paranfg ang lungkot?

Aish! Dapat masaya ako! Libre akong gawin kung ano ang gusto ko! At isa pa, kung iisipin kong malungkot ako, magiging malungkot din ang mundong ginagalawan ko.

Napatingin ako sa sobrang layo na na tren! O shocks! Nakalimutan kong itanong kung ano ang pangalan ni Mr. Emoticon! Kainis? Pero wait, ba't ba ako concern sa pangalan niya. Pangalan ko nga, hindi ko maalala e.

Naghintay ako saglit doon  at maya-maya pa, nag-echo sa isipan ko 'yung sinabi ni Mr. Emoticon sa akin bago siya pumasok sa loob ng tren: 'May mga bagay na hindi mo pa kayang intindihin kaya mas maiging tawagin mo muna itong milagro.'

"Miraquel?" bigla kong naibulalas nang mabasa ko sa kabilang dulo ng station ang pangalan ng mundong ito. Flat na mundo. Hindi bilog. Walang logic. Magulo. Nakasulat sa isang kulay asul na tarpaulin ang pangalan ng mundong ito.

MIRAQUEL.

Sa ibaba ng font na iyon ay may nakasulat na english translation:

PURGATORY.

Rumagasa sa likod ang napakaraming tao leading me na maipasok sa kakarating lang na tren. Sumakit 'yung katawan. Mabuti na lang at nakabalanse ako agad doon sa loob. Ayokong mangudngud no!

Pagkaupo ko sa isang upuan, napapikit ako.

Miraquel? Purgatory? Tanginaaa! Nasa purgatoryo ako? Pero bakit? Papaano?

Lumingon ako sa gilid at laking gulat ko nang nakita kong pa-atras ang takbo ng tren!

"MR. EMOTICOOOON! TULUNGAN MO AKOOOO!"

*  *  *

MEMORIE IS A LIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon