"Panty mo," may inabot sa akin ang babaeng kumausap sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko 'yung panty sa kamay niya.
"HALA KA! Ba't mo pinulot? Nakakahiya!" Tumatawa-tawa pa ako. Jusko! Kapalpakan ko talaga!
"Ayos lang 'yun. Maari ba akong tumabi sa'yo? Puno na kasi sa unahan?"
"Oo ayos lang," sangguni ko sabay usog. Agad kong tinago ang panty ko sa may bra ko. Naka-tube lang kasi ako. Remember! Pagdating ko rito naka-cocktail dress na ako.
Hindi siya tumitig sa akin noong nakaupo na siya sa tabi ko. Nakatingin sa lang sa may window na nasa tapat namin. Medyo blangko 'yung pagtitig niya at medyo creepy kasi nakangiti siya. Hindi tulad ko, may bangs siya. Nakalugay lang kasi ako. May maskara rin siya. Tapos ang liit ng mask niya, ibig sabihin, maliit din ang mukha niya. Pero wait? Paano ko nalalaman na nakatingi siya? Uhh! Medyo naka-curve 'yung lips niya sa mask niya kaya parang nakangiti na rin siya. Medyo payat din siya. Mas payat siya sa akin. Sobrang hinhin niya rin magsalita. Noong kinausap niya ako, parang bumubulong lang siya sa akin.
"Alam mo ba," nagsalita siya. "Noong unang araw ko rito sa Miraquel, gaya mo rin ako. Noong sumakay ako ng tren, nahubuan nga ako eh."
Natawa siya. Natawa rin ako. Tangina! Hindi ko ma-imagine!
"So ibig sabigin, nakita 'yung utong mo?" kurysong tanong ko.
"Hindi lang utong. Pati tahong," sagot niya.
Pinigilan ko ang pagtawa ko pero natawa pa rin ako.
"Gulat na gulat nga 'yung mga tao eh masi straight 'yung bulbol ko," dagdag niya. Mas lalo pa akong natawa sa sinabi niya.
"Bago ka lang?" tanong niya.
Kumalma ako mula sa pagtawa. Kamuntikan na akong hikain.
Umayos ako sa pag-upo bago sumagot. Ngayon ko lang rin napansin na may pagka-gothic din pala 'yung suot niya. Para siyang manyika dahil sa pagkaputi niya. "Oo, kaninang umaga. Ikaw ba?" tanong ko sa kanya.
"Siguro, magiisang taon na," sagot niya.
Tumango-tango ako. Pa'no niya kaya nagawang mag-survive rito ng isang taon? Ako nga, isang araw pa lang ako, naguguluhan na utak ko.
"Paanong napunta ako rito? I mean, ikaw ba paanong napunta ka rito?" tanong ko sa kanya.
"Hindi ko alam. Sa totoo lang, walang nakakaalam," sagot niya.
Anoooo? Napasigaw ako sa isipan ko. Paanong walang nakakaalam?
Iniba ko ang usapan, baka kasi bawal 'yun pag-usupan sa public area. Baka forbidden topic 'yun at baka ikamatay ko pa kapag may nakarinig sa akin. Pero seriously, purgatory 'to 'di ba? So, ibig sabihin patay na ako? Hindi! Buhay pa ako! Buhay pa! Nakakapagisip pa nga ako e! O, tignan mo oh! Ririg na rinig ko pa ang utak ko!
"Ilan na ang hearbeats mo?" tanong ko sa kanya. 'Yun lang 'yung naisip kong tanong. Kainis! Ang liit ng IQ ko!
Mukhang nabigla yata siya sa tanong ko dahil parang nagitla siya. Parang nabilaukan saglit. OMG? Na-offend ko kaya siya? "Sorry kung naitanong ko 'yun."
"Okay lang. Naihi lang kasi ako sa pantyliner ko," turan niya. Eh? Tumawa siyang mahinhin. Tumawa rin ako. Kaya pala parang nagulat!
"Pero siguro, malapit na sa one billion na 'yung hearbeats ko."
"Wow!" manghang reaksyon. One billion? Ilang years ang katumbas nu'n? Kainis! Ang hina ko sa Math!
"Anong work mo?" tanong ko. Siyempre, kailangan ko siyang tanungin! Gusto ko rin ng one billion!
"Barista."
"Barista?"
"Oo. Barista. Nagmi-mix ako ng drinks sa isang bar. Deterdiente Barista 'yung pangalan ng bar na 'yun."
Medyo na-weirduhan ako. Barista siya? Tapos one year pa siya rito? Paano siya naka-ipon ng one billion?
"200,000 heartbeats 'yung sweldo ko per day. Tapos may sideline rin ako. Taga-linis ng tainga ng mga pusa at taga-pray over ng mga kabebe. So bale, 250,000 heartbeats lahat ng kita ko araw-araw. Hindi rin ako masyadong kumakain. Iisa lang din 'yung damit ko. Medyo kuripot kasi ako. Sa pagkakuripot ko nga, iisa lang ang panty ko. Kaya nu'ng nakita ko 'yung panty mo sa may salamin, kukunin ko sana kaso sa'yo pala 'yun. Pasensya ka na ha." Tumawa siya. Ang liit ng boses niya. Na-weirduhan ako bigla.
"May work ka na ba kasi alam mo, hiring kami ng tagalinis?" tanont niya.
"Ah eh." Awkward akong natawa. Ayos na sana. Sobrang ayos na sana! Kaso talagalinis?
Pero ayos na rin 'yun no! Atleast, madadagdagan 'yung heatbeats ko.
"Magkano naman 'yung sweldo?"
"50,000 heartbeats per day."
"Malaki-laki na rin 'yun," bulong ko. Bumaling agad ako sa kanya. "Pa'no ba ako makaka-apply du'n?"
"Sundan mo ako..."
"Ha?" Bigla siyang tumayo. Sinundan ko naman siya agad. May mga nakatayo roon sa unahan kaya panay 'yung excuse ko nang dumaan kami roon.
Nang masundan ko na siya, nasa may pintuan siya. Pero teka? Umaandar pa 'yung tren ah? Huwag mo sabihing tatalon siya? At wait? Ba't parang may narinig akong mga alon sa labas?
"Jusko!" Napabuka bigla ang bibig ko nang wala sa oras nang makita kong dumadaan 'yung tren sa gitna ng dagat.
"Tara na?" Nilingon ko siya. Bukas na 'yung pinto ng tren. Sa harap niya ay ang malawak na dagat na may malalaking hampas ng mga alon! What the!
Nang makita kong pinapasukan na 'yung tren ng tubig, sumunod na ako sa kanya.
"WAA!"
Akala ko, malulunod ako or whatsoever pero nagulantang na lang ako kasi after kong tumalon, nagpagulong-gulong na ako sa aspalto. Nang sumalapak ako sa isang pintuan, narinig ko siyang tumawa.
* * *

BINABASA MO ANG
MEMORIE IS A LIE
Science FictionAfter waking up in a ferris wheel cart with no memories, Memorie quickly realizes that she is in a parallel universe where everyone is a digital version of themselves. When Memorie wakes up in a ferris wheel cart with no memor...
C H A P T E R 3
Magsimula sa umpisa