抖阴社区

C H A P T E R 6

Magsimula sa umpisa
                                    

Nginitian lang ako ni Anxiety noong nakita niyang medyo natulala ako.

Sampung minutong paglalakad at nasa tapat na kami ng bar.

"Oh!" Nagitla ako dahil pagkapasok ko roon, rinig ko na ulit ang bugso ng ulan sa labas. Nagulat din ako kasi noong pumasok kami ni Anxiety sa loob, pakiramdam ko ay bigla-bigla na lang na gumabi.

Taga-linis 'yung na-assign sa aking trabaho at ginamapanan ko naman agad 'yun ng maayos. Kada may matatapos maginuman sa isang table, nilinis ko agad 'yung mga kalat nila. Kada pakiramdam kong napapagod ako, napapatingin lang ako kay Anxiety na nasa counter at nagbabarista. Nginingitian niya lang ako na parang mahinhin na virgin bilang sagot niya.

"Huy Miss! Linisin mo nga 'tong table namin. Tangina naman oh, bagal kumilos e." May isang lalaking costumer na biglang sumita sa akin. May ginagawa pa ako roon sa isang table kaya medyo nataranta ako nang bigla siyang mag-demand na linisin ang table nila.

"Sige po. Sandali lang po." Binilisan ko 'yung ginagawa ko at noong natapos ako ay lumipat na ako sa table nila. Apat sila roon. Malalaki ang mga katawan at mukhang mga goons na may utang sa bumbay.

Napayuko ako habang nililinis 'yung kalat sa table at habang inaabot ko 'yung medyo malayo-layong stain ng alak a may dulo, bigla kong natabig 'yung dala-dala kong tray na may lamang mga shotglass nang biglang sampalin ng lalaking sumita sa akin ang puwet ko.

Nagkanda-basag-basag 'yung mga shotglass sa sahig pero hindi ko na inalintana 'yun at umayos na lang muna ako sa pagkakatayo. Galit na galit ako sa ginawa ng lalaki na tipong gusto ko na siyang suntukan pero pinigilan ko ang sarili ko. First day ko ito sa trabaho at ayaw ko na magkaroon agad ako ng issue.

Tiniim ko 'yung mga ngipin ko dahil sa galit na nararamdaman ko at kahit na dumidilim na ang paningin ko sa Mamang iyun ay yumuko pa rin ako at nag-sorry. Narinig ko siyang tumawa kasama ng mga kaibigan niya. Akmang hihilain sana ako ng isa pang lalaki pero hindi niya na iyun nagawa nang kung may anong bakal ang tumama sa ulo niya. Isa-isa silang bumagsak nang may tumama rin sa mga ulo nila. Pagtingin ko sa sahig, nakita ko ang apat na shaker ng alax na pinangbato sa kanila.

"Jusko po!" Napasigaw ako. Napansin agad ako ng mga tao kaya natuon lahat ng atensiyon nila sa akin. Rinig ko ang bulungan nila na para bang mga bubuyog sila na hinuhusgahan at nililibak ako.

Sa may counter, nakita ko si Anxiety na blangko na ang mukha. May hawak siyang isa pang shaker. Teka? So ibig sabihin siya 'yung nangbato sa mga goons?

Dahil sa takot, bigla akong nangatog. Maya-maya pa, naiyak na ako ng tuluyan.

Pareho kaming pinagalitan ni Anxiety ng Boss. At kahit hindi kami 'yung may kasalan, kami pa 'yung pinagbayad. Humigit kumulang half-million heartbeats 'yung danyos. Mula sa nasirang mga gamit at sa mga nagsialisang costumer. Pinilit kong makihati kay Anxiety pero pinigilan niya ako. Siya 'yung nagbayad lahat.

Sa labas ng bar, habang umuulan, sumilong kami doon pansalamanta. Dalawang araw kaming hindi puwedeng pumasok. Panay ang paghingi ko ng tawad kay Anxiety.

"Ayos lang 'yun. Mas mahalaga ka kaysa mga tibok ng pusong pinangbayad ko sa danyos. At isa pa, hindi ko rin naman kayang makita na binabastos ka ng mga lalaki 'yun. Naiintindihan kita na hindi ka nanglaban kasi wala ka ring namang pagpipilian. Bago ka pa lang at wala ka pang kita kahit isang heartbeat kaya ayos lang. Ang tibok ng puso, puwede mo pa 'yung kitain. Pero 'yung dignidad, kapag kinuha 'yun sa'yo, mahirap na 'yun ibalik."

Humagulgol ako. Unang araw ko pa lang sa trabaho, palpak na ako. Iniisip ko pa lang kung paano ko babayaran si Anxiety sa mga kabutihang ginawa niya sa akin, ay mas lalo pa akong naiyak. At hindi lang 'yun, kasi nagdala pa ako ng kakahiyan sa kanya.

MEMORIE IS A LIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon