抖阴社区

C H A P T E R 9

Magsimula sa umpisa
                                    

'Hindi mo puwedeng husgahan ang isang tao sa mga ginagawa niya hangga't hindi mo pa alam ang buong kuwento kung bakit niya ginagawa 'yun. Maaring mali sa paningin mo ang ginagawa niya pero sa perspektibo ng taong 'yun...'

Biglang bumalik sa isipan ko 'yung sinabi niya. Bumigat ulit ang loob ko. Nagtatalo 'yung puso ko kung ano ang dapat panigan. ‘Yung tama o mali. Siyempre tama dapat! Pero minsan, alam kong may mga pagkakaon na akisdente pa rin nating napipili ‘yung mali kasi wala na tayong ibang mapagpipilian. Pero kahit na! Mali pa rin 'yun.

"Nu'ng dumating ako rito kahapon, nasa loob ako ng ferris wheel. Pagbaba ko roon, nasa gitna na ako ng daan kasama 'yung ferris wheel. Pero ngayon, hindi ko na alam kung nasaan 'yung ferris wheel na 'yun..." turan ko. Para lang may mapagusapan kami. Nakakailang kasi 'yung katahimikan na namamagitan sa aming dalawa. Ewan pero ang lungkot lang sa pakiramdam nung katahimikan. Parang anytime e maiiyak ako. May kung anong bigat sa loob ko na hindi ko maipaliwanag.

Siya kaya? Saan kaya siya lumabas nu'ng dumating siya sa mundong ito? Ako, sa ferris wheel. 'Yung bata, sa apartment na nasa rooftop. E siya kaya? For sure, sa repolyo!

Natawa ako bigla. Natigilan lang ako nang bigla niya akong tinitigan. Umayos ako pero sa pagkakatayo pero kahit ganu'n, hindi ko yata talaga madadaya ang sarli ko. Natawa pa rin ako.

Mukhang narinig niya yata 'yung mga iniisip ko kaya bigla siyang tumalikod para umalis. Dalawang hakbang palang, pinigilan ko niya.

"Tangina naman nito oh! Kalalaking tao, pikon!" Natawa ako dahil ang sama ng pagtitig niya sa akin.

"Kababae mong tao, nagmumura ka."

"Wow ha? Lalaki lang ba ang puwedeng magmura? Magmumura ako kung gusto kong magmura. Kaysa naman hihinhin-hinhindi ako pero nasa loob 'yung kulo ko." Inirapan ko siya.

"Puwede ba..." Malamig niyang turan. Napakunot ako ng noo. Hinagilap ko kung anong ikinapuputok ng galit niya at bigla akong pinamulahan nang makita ko 'yung kamay kong pinipihit ang pulso niya.

Para akong tinamaan ng kidlat nang agad kong inalis ang kamay ko sa kamay pulso niya.

"Kababae mong tao, chansing ka."

"HUY!" Pinigilan ko ang sarili kong magmura. Hindi ko alam kung bakit pero kusa na lang na umurong ang dila ko. Pulang-pula rin ang pisngi ko. Dinuduro ko rin siya habang pinanlalakihan siya ng mga mata.

Tinitigan niya ako at nabulabog ulit ang mga paru-paro sa loob ng tiyan ko. Nawawalan din ng lakas ang tuhod ko.

"Bakit?" maangas niyang tanong. Natulala lang ako. Napaka-lakas ng sex appeal niya. Nakaka-estwa. May kung ano akong naramdaman na parang rereglahin ako pero nawala agad iyun ng tinalikuran niya ako. Bumalik siya sa pwesto niya sa may dulo. Huminga ng malalim at pinamasdan ang city scape na nasa hindi kalayuan.

Umayos na rin ako. Pinagmasdan ko ang paligid. Masyadong maulap.

Medyo nakakangilo rin sa pakiramdam kasi nasa terrain ng rooftop iyung apartment. May feels na malalaglag ito anytime. Mabuti lang at 'yung main door ay nasa kaharap sa wide space ng rooftop, kung nakarap ito sa bangin, jusko ewan ko lang kung anong mangyayari.

Sinilip ko siya at pinamulahan akong muli nang mahuli kong nakatingin siya sa akin! Tangina.

Sabay naming binawi ang mga tingin at bumaling na lang sa magkabilang sides. Napahawak ako bigla sa mga labi ko. Bakit parang... bakit parang may hinalikan talaga ako. Bakit parang iyung imagination ko ay parang totoo?

Binalikan kong maigi ang nangyari. Hinimay kong maigi. Ang huli kong natandaan bago ako mahimatay ay nahulog kami ni Mr. Emoticon papunta sa langit. At ang kasunod niyon ay hindi na masyadong malinaw sa akin. Hindi ako sigurado pero pakiramdam ko, may natatandaan akong hinalikan niya ako tapos parang sumagot din ako sa halik niya.

Ay! Nababaliw na ako!

Ako, hahalikan niya e kakakilala niya pa lang sa akin? Tapos ako hahalikan siya pabalik? Ano 'yun? Nasarapan ako sa kanya? Tangina.

Suminghot ako nang hangin at malalim itong pinalabas. Gusto kong maging malinaw ang isip ko sa mga kadumihang naiisip ko.

"Ay letche!" Bigla akong napamura nang may masinghot akong ipot ng ibon. Agad ko itong kinuha sa ilong ko. Nakakadiri.

Napatingin ulit ako kay Mr. Emoticon. Akala ko pagtatawan niya ako pero nadatnan ko lang siyang seryoso lang. Inigihan ko ang pagtitig ko sa kanya. Mukhang seryoso nga siya. Ano kayang iniisip niya. At teka? Naririnig niya kaya ako?

Dahil occupied siya sa kung ano man ang iniisip niya, napansin ko bigla ang pakikitungo niya sa akin sa araw na ito. Ang weird lang kasi parang ang cold niya sa akin ngayon. Simula noong nahuli ko siyang nagnanakaw ng wires, medyo ramdam ko na 'yung panlalamig niya.

Kahapon medyo kalmado at bubbly pa siyang tao pero ngayong araw na ito, medyo dumilim 'yung awra niya. Hindi kaya dahil sa suot niyang samurai coat? Pero teka, what if hindi si Mr. Emoticon 'yung kasama ko ngayon? What if ibang tao pala 'yung kausap?

"Napa-praning ka na naman," turan niya na siyang ikinausok ng ilong ko. Ang sama talaga ng ugali. Okay fine. Siya pa rin 'yung taong nakilala ko kahapon. May nag-iba nga lang ng kaonti. Medyo sumumplado siya ngayon. Though hindi naman siya gaanong ka-heartless kasi kung heartless siya, hindi niya tutulungan iyung bata.

"May mga taong nag-iiba sa ikalawang pagtatagpo nila."

Tinitigan ko lang siya nang sinabi niya iyon sa akin. Nakatingin siya sa kalawan. Hindi ako sigurado kung nakangiti ba siya ng sinabi niya iyun. Medyo maulap din kasi sa bahaging ito ng building kaya hindi ko siya natanaw masyado. Medyo maulap dito kasi nasa ikadalawang daang palapag na ito. Aish! Kapag naiisip ko na nasa rooftop kami, naduduwal ako.

"Ate, ate! Tignan mo 'tong ginawa ko oh!" Napalingon ako nang tawagin ako niyong batang lalaki. Kumislot nang kaonti ang mata ko para makita ko ng maayos iyong bitbit niya. Pagdating niya sa harap ko, nakangiti niyang ibinigay sa akin iyung origami na gawa niya. Isang kulay pink na papel na tinupi-tupi at naging isang swan.

"Maganda," nakangiting sabi ko sa kanya.

"Pwede bang paliparin mo?" tanong niya. Nakitingin si Mr. Emoticon sa kanya. Tinitigan ko siya sandali bago ako lumuhod sa harap ng bata para pumantay sa height niya.

"Eh hindi 'to puwedeng lumipad e. Papel 'to kaya paniguradong babagsak lang 'to," eksplika ko roon sa bata.

"Ganu'n po ba?" Medyo na-disappoint yata siya sa sinabi ko kasi bigla siyang yumuko at nag-pout. Nakaka-guilty and at the same time, naku-cute-tan ako sa kanya. Ang sarap tanggalin ng mask tapos pipisilin ko 'yung pisngi.

"Akin na." Biglang kinuha ni Mr. Emoticon 'yung origami sa kamay ko. Naglakad siya ng kaonti palayo sa amin at maya-maya pa ay ibinato niya sa ere iyung origami.

"Walang hindi imposible sa mundong 'to!" sigaw niya nang ibinato niya iyun sa ere at biglang lumugwak ang eyeballs ko nang makita kong lumipad bigla iyung origami.

"Tangina," mahinhin akong napamura dahil sa nasaksihan ko. Lumabas bigla iyung bata sa gate ng bahay at natatakbo habang hinabol iyung origami.

"Hoy bata! Mag-ingat ka, baka malaglag ka sa rooffop!" sigaw ni Mr. Emoticon. Hanggang ngayon, tulala pa rin ako sa nakikita ko. Dalawang araw pa lang ako rito sa mundong ito pero ang dami-dami nang weird na mga pangyayari ang nasaksihan at naranasan ko. Pero sa kabila ng kawalan ng logic ng mundong ito, mag isang bagay lang akong gustong malaman.

"Sa tingin mo? Anong pinakapangunaging dahilan kung bakit tayo nandito?" malamig kong tanong kay Mr. Emoticon habang nakatingin ako roon sa bata.

Akala ko, hindi niya seseryosohin ang tanong ko pero nagkamali ako kasi makalipas lang ang ilang segundo ay binigyan niya na ako ng sagot.

"Para sumaya?" Maikli at hindi sigurado iyung sagot niya pero nagdulot iyun sa akin nang madami at mabilis na pagbawas ng tibok ng puso ko.

*  *  *

MEMORIE IS A LIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon