抖阴社区

C H A P T E R 10

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ano ako nanay mo?" Hindi ko 'yun sinabi kasi baka ma-offend siya. Ang bata-bata pa e tapos gaganunin ko? Ang insensitive ko kapag ginawa ko 'yun.

"Sige, pa'no ba kita papatulugin?" tanong ko sa kanya. Umakyat na siya sa sofa at maya-maya pa ay humiga na siya sa lap ko. Kinuha niya rin 'yung pumpkin na unan at niyakap. Mabilis niyang ipinikit ang mga mata niya kaya hindi na ako nakapalag pa sa ginawa niya. Medyo nanlambot din ako dahil ang inosente niyang tignan.

"Saan ba mama mo?" tanong ko sa kanya. Mukhang hindi pa rin naman kasi siya talagang tulog na.

"Hindi ko alam. Wala po akong maalala."

So ganu'n pala talaga kapag napupunta ka sa mundong ito. Nawawalan ka bigla ng memorya. May mga bagay kang matatandaan ng kaonti pero kahit anong gawin mo, hindi mo siya talagang maaalala. Parang kusang binura. Parang may nagbura. Pero nagtataka lang ako kasi kahit ganu'n, parang walang lang ito sa mga taong nandito. Parang hindi sila bothered sa fact na nawala sila ng memorya.

"Hindi ka ba nalulungkot?" tanong ko sa kanya. Gamit ang mga daliri ko, sinuklay ko iyung manipis niyang buhok. Hindi ko alam kung anong naging epekto niyon sa kanya. Kung wala lang sana talaga siyang mask na suot, baka nalaman ko pa.

"Siyempre nalulungkot. Pero andiyan na kayo ni Kuya e kaya hindi." Saktong pagkasabi niya iyun ay dumating na rin si Mr. Emoticon dito sa sala. Nagpupunas siya ng kamay nang nagkatagpo ang mga tingin namin. Naglakad siya at umupo sa harap na sofa. Sa mask niya, nakita kong ipinikit niya ang mga mata niya. Humikab din siya at maya-maya pa ay sinandal niya na iyung likod niya sa sofa.

Binuksan niya ang kanang mata niya at nang makita niyang nakatingin ako sa kanya ay agad akong umiwas sa kanya.

"Paano mo ako nakikita baby?" tanong ko sa bata.

"Ang dami namang tanong," irita niyang sabi.

"Eh kung ihulog kita? Joke lang baby!" Tumawa ako at kiniliti siya. "Sige na baby. Sagutin mo na tanong ko."

"Lahat kayo mukhang pumpkin." Tumawa siya at kahit parang nagbibiro siya ay pakiramdam ko totoo ang sinasabi niya. Lahat ng mga taong narito sa mundong ito, iba-iba ang tingin sa mga tao. Ako, nape-percive ko ang lahat na nakasuot ng mask. Si Anxiety, nakikita niya ang mga tao bilang manyika. Itong bata, pumpkin ang paningin niya sa amin. Si Mr. Emoticon kaya?

"Nakikita kita bilang uranggutan," sagot niya.

"Tinatanong ba kita? At isa pa, 'wag mo nga akong kausapin!" inis na turan ko sa kanya. Ngumisi lang siya nang makita niya kung gaano katindi ang inis ko sa kanya. Uranggutan? Siya 'yung mas mukhang uranggutan. Tangkad-tangkad niyang lalaki, ang liit ng mukha.

Hindi pa rin tumitila ang ulan sa labas. Malakas pa rin ang bugso ng ulan. Hindi ko alam kung may bagyo ba o baka dahil lang ito sa mga iniisip ko.

Sana nga lang pagtila nito e may masakyan pa rin ako sa labas. Ayaw kong mag-overnight dito. Ayaw kong makasama 'tong lalaking nasa harapan ko ngayon.

Nakatulog na si Pumpkin. Pumpkin ang itatawag ko sa kanya sincee wala pa siyang pangalan. For sure naririnig ni Mr. Emoticon ang mga naiisip ko ngayon kaya dapat pumpkin din ang itawag niya sa bata.

Nakahilig lang si Mr. Emoticon sa sofa. Hindi ako sigurado kung tulog ba siya o nagtutulogtulugan lang. Gayunpaman, ayoko na siyang i-compliment. Mahal ang mga praises ko. Hindi niya 'yun afford.

Sa hindi malamang dahilan, nakatulog na rin ako. Tila nag-volunteer na iyung mga mata ko na pumikit na lang. Napagod na rin yata talaga ang diwa ko at dahil na rin sa lamig at naidlip na nga talaga ako ng tuluyan. Habang natutulog ako, naramdaman kong parang may kung anong dumampi sa katawan ko. It must have been a clothe or something. Kung ano man iyun ay pagod na pagod na ako para alamin pa.

MEMORIE IS A LIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon