"Memorie, anak."
Bigla akong naalimpungatan nang may kung anong boses akong narinig. Boses nang isang babae. Tila umiiyak.
"I'm sorry, anak."
Nagtaka ako. Bumigat din ang pakiramdam ko nang parang may marinig akong humagulgol. Sasagot pa sana ako sa boses na iyun pero hindi ko na nagawa nang may biglang yumugyog sa balikat ko na naging dahilan upang magising ako.
"Huh?" Nakita ko bigla ang mask ni Mr. Emoticon sa harap ng mukha ko. Nagtataka ang emoji na nasa mask niya. Dahil nailang akong bigla sa presensya niya, agad akong tumayo.
"M-m-madaling araw na pala. Uwi na ako," nauutal kong sabi sa kanya. Si Pumpkin ay natutulog pa rin sa sofa. Mukhang inihiwalay yata siya akin ni Mr. Emoticon noong natutulog ako. Ngayon ko lang din napansin na nailaglag ko pala 'yung samurai coat niya sa sahig noong tumayo ako. Maaring nilagay niya iyun sa akin dahil nakita niya na nalalamigan ako. Oh well, hindi pa rin iyun nakakabawas sa inis ko sa kanya.
"Hatid na kita." Hindi na ako nakaalma pa nang maglakad na siya papunta sa may window para kunin ang isang pulang payong. Nang makalipot siya akin at tinanguan ko lang siya. Isinarado niya ng maayos ng pinto at nang makalabas nga kami sa apartment ay hindi na masyadong maulan. Ambon na lang. Kita na rin halos ang bukang liwayway sa hindi kalayuan at napansin ko rin na medyo nalinis ng kaonti ang rooftop. Amoy ko rin ang halimuyak nang nakaraang ulan. Its smells like garden. Pinaghalong basang lupa at tuyong mga herbs.
Nang sumong kami sa ulan, hindi ko sinasadyang mapadikit sa kanya. Hindi gaanong kalawak ang sakop ng payong kaya kung hindi ako didikit sa kanya ay mababasa ako. Sa ngayon, ito pa lang ang katangi-tanging damit ko simula noong makarating ako rito. Kung mababasa ito, wala na akong susuotin. Ayaw ko rin namang manghiram kay Anxiety. Masyado na siyang naging mabait sa akin. Ayaw ko siyang abusihin.
"Ayos ah. Hindi ka man lang tumanggi sa alok ko na ikatid kita."
Sa kalagitnaan ng paglalakad namin sa rooftop, bigla akong napanganga dahil sa sinabi niya. Ayos na sana e. Naging gentleman na sana ng kaonti ang tingin ko sa kanya.
"Alam ko, tangina ka."
Tumawa lang siya sa sinabi ko. Lesser words, bigger impact. Walanghiya siya. Siya 'yung nagyaya sa akin na ihahatid na ako tapos sasabihin niya ako ng ganoon.
"Binibiro lang kita."
"Ayusin mo nga ang mga biro mo! Nakaka-offend, alam mo ba 'yun ha?"
Hindi na siya sumagot nang makarating na kami sa cliff ng rooftop. Nangatog bigla ang mga paa ko. Kamuntikan na rin akong maduwal nang makita ko kung gaano kalalim ang puwedeng babagsakan namin.
"Hwa-hwa-huwag mong sasabihin na maglalakad tayo sa pader pababa?" natatarantang sigaw ko.
"Wala tayong choice. Kung bababa tayo gamit ang exit door, malalaman nila na may apartment na biglang lumitaw dito sa taas."
'At kapag nalaman nila na may apartment sa rooftop, for sure gigibain nila iyun at mawawalan na ng tirahan si Pumpkin,' dagdag ko sa isipan ko kaya sumangayo na lang ako sa kanya.
Nang humakbang na kami, pinagdasal ko agad na sana hindi magkabali-baliktad ang mundong ito gaya nang nangyari sa amin kahapon. Relax Memorie. Relax!
Namangha akong bigla nang biglang tumiwarik ang mundo na naging dahilan upang maayos kaming makapaglakad ni Mr. Emoticon sa glass wall ng building. Dumaan kami sa may gilid kung saan nakatalikod ang elevator nang sagayon ay walang makakita sa amin.
"Ignorante," batikos niya sa akin noong makita niyang tuwang-tuwa ako sa ginagawa namin. Hindi ko na siya pinansin. Achievement 'to para sa akin na makapaglakad sa pader kaya hindi ko hahayang ma-badtrip sa kanya.
Noong nasa kalagitnaan na kami ng building, bigla niya akong kinausap. "Noong natutulog ka, nakita kong binangungot ka."
"Nanaginip ako. Hindi binangugot," pagtatama ko sa sinabi niya.
"Kung ano man ang napanaginipan mo, palagi mong tatandaan 'yun. Isa ang mga panaginip sa palatandaan para maintindihan at makaalis tayo sa mundong ito."
Hindi na ako nakasagot sa sinabi niya dahil pagharap ko sa kanya ay saktong nasa baba na rin kami.
"Hiramin mo muna ang payong na 'yan. Tsaka mo na ibalik 'pag 'di mo na gagamitin."
Hindi na ako nakapagpaaalam sa kanya nang bigla na siyang tumakbo pabalik sa pader. Naiwan ako roon sa baba. Naglakad ako ng kaonti at nasa harap na ako ng building. May subway sa tapat niyon at doon nga ako sumakay ng tren. Noong nasa loob ako, bigla akong naguluhan.
"Memorie, anak."
"I'm sorry."
Narinig ko ulit ang boses ng babae. Pakiramdam ko ay maiiyak ako pero hindi ko magawa. Nang lumingon ako sa bintana ng tren, napahinga na lang ako ng malalim dahil sa pagkadismaya. Paatras na naman kasi ang takbo nito.
* * *

BINABASA MO ANG
MEMORIE IS A LIE
Science FictionAfter waking up in a ferris wheel cart with no memories, Memorie quickly realizes that she is in a parallel universe where everyone is a digital version of themselves. When Memorie wakes up in a ferris wheel cart with no memor...
C H A P T E R 10
Magsimula sa umpisa