抖阴社区

                                    

"Ma, tama na." sabi ko.

"Yes tita, I will take care of her." tugon naman ni Kenn kay mama.

Hinila ko nalang si Kenn palabas ng bahay para maiwasan si mama.

Sumakay na kaming sasakyan niya and the journey just have started.

"Tignan mo nga naman oh! We're really meant for each other." sabi ni Kenn na tuwang-tuwa dahil terno kami.

"Nahalungkat ko lang 'to. Hindi ko naman alam na magbo-bohemian ka rin, eh di sana, iba sinuot ko." sabi ko.

"Gustong-gusto ko nga eh." aniya na halos mapunit na ang labi.

"Magmaneho ka na nga lang." sabi ko sa kanya.

"Bagay na bagay sa 'yo yan Mitch. I have a manifestation that you will be the most beautiful doctor in the party." sabi niya.

"Thank You." tipid kong sagot tapos nilabas ko ang phone ko mula sa wallet ko.

"Tumingin ka konti dito." sabi ko sa kanya.

"Ha?" tanong niya.

"Magpipicture tayo." tugon ko.

Tumingin siya sa camera na naka-wacky at natuwa ako kaya agad kong kinunan.

"Para kang timang." sabi ko habang natutuwa. "Yung nakangiti naman."

Ngumiti siya sa camera and there it goes...

"Infairness, gwapo ka dito." pambobola ko sa kanya.

"Ohhh. Is this couple of the night Mitch?" asar naman niya sa 'kin.

"Kasal na ba tayo?" tanong ko sa kanya.

"Bakit gusto mo na bang ikasal sa 'kin Mitch?" pasweet niyang tanong pabalik sa 'kin.

"Wala akong sinabi." sagot ko lang.

"Mitch, curious lang ako. Kaninang sinabi mo sa 'kin na sana ako nalang ulit... What does that really mean?" nag-iba ang pinta ng kanyang mukha at naging mas seryoso siya.

"Kenn pinapahiya mo 'ko." sabi ko sa kanya dahil hindi ako komportableng pag-usapan ang nangyari kanina.

"Ehh Mitch, nagtatanong lang ako dahil nga curious ako." pagpapaliwanag niya.

"Wala. Walang ibig sabihin non, okay?" pagkaklaro ko.

"Lahat ng 'yon pagkakamali lang. Wala ako sa isip ko kanina. Huwag ka nalang umasa kasi may topak ako. Masasaktan ka lang sa 'kin." pagpapaliwanag ko.

Biglang huminto ang sasakyan kaya tumingin ako sa labas at narito na pala kami.

Bago kami lumabas nagsalita si Kenn.

"Whatever you say, I am a man of my words."

Hindi ako sumagot at tuluyan nalang akong lumabas ng sasakyan niya.

Pagkalabas namin inalalayan niya ako hanggang sa makarating kami sa mismong lugar.

Ginala ng mata ko ang lugar at wala akong masabing negatibo.

Open area yung party, as in na nasa gilid nga ng beach. Mga sampong pulgada ang interbal.

Red and Gold ang motif ng mga dekorasyon. Mula sa taas makikita ang mga nakasabit na Japanese Lantern na kulay pula at sa loob nito ay ang kulay golden na ilaw. Ang ganda, ang liwalas sa mga mata.

Ang mga mesa't silya rin ay nakasuot ng pulang tela na may lining na gold na kumikinang.

Pati yung mga employees ng nagcater, nakapula't gold din. Yung iba, nagseserve na ng wine habang yung ilan hinahanda ang mga pagkain. Very transparent sila and well-disciplined.

Clashing Devastation [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon