"Tara na..." kako at tatayo na sana ako kaso pinigilan niya ako.
"Dito muna tayo. Magkwentuhan pa tayo."
"Eh nalalasing ka na, kailangan na kitang dalhin sa kwarto ko dito para don ka na muna matulog, tawagin mo nalang ako kapag ayos na ang lagay mo."
"Hindi...kaya ko pa. Tatlong botelya palang ito oh! This is just water. Alam mo 'yon ha!" tapos iniangat pa niya ang hawak niyang alak.
Uminom ulit siya at naramdaman ko na tutulo na ang luha niya kaya mas nabahala pa ako. Baka magdrama na ito.
"Hirap na hirap na ako. Hirap na akong umasa. Hirap na akong maghintay. Pero mas hirap akong magpigil." sabi niya kaya I got confuse.
"Ano bang pinipigilan mo?" smooth lang ang pagkatanong para hindi halatang chismoso.
"Naiihi ako. Teka lang." tugon niya kaya nagulat ako lalo na nong tumayo siya dahil akala ko patungo siya sa banyo pero tumabi lang siya konti hindi malayo sa kinalalagyan ko tapos binaba niya ang panty niya at umihi.
Agad akong tumayo at nagtanggal ng jacket at tinakip sa kanya.
"Anong ginagawa mo ha? Sinisilipan mo ba 'ko?" tanong niya sa akin. Lasing na nga ang babaeng 'to.
"Baka naman ipapalamon mo na sa akin yan kaya tinapat mo na naman sa akin? Bastos ka rin eh no!" nakakahiya na 'tong ginagawa ni Mitch.
Pagkatapos niyang umihi agad kong sinuot ang jacket ko. Patungo pa sana siya pyesto namin kaso kinarga ko na siya ng sapilitan para dalhin sa kwarto, baka kung ano pang gawin niya.
"Ibaba mo ako dito." sabi niya habang pinapalo ang likod ko.
Hindi ko siya sinagot o pinansin, dumerecho lang ako at pagkatapat namin sa pyesto namin kanina, pinulot ko ang heels niya at dumerecho.
"Buti pa yung si Kenn." she said out of nowhere.
Hindi ako sumasabat sa drama niya at hinahayaan ko lang siyang magmonologue
"Kahit ang laki ng kasalanan non sa 'kin, makikita mong bumabawi siya."
Binuksan ko na ang pinto ng kwarto at inabot ang switch ng ilaw tapos hinagis ko lang ang heels niya sa sahig tsaka tumungo ako sa kama at binaba siya. Binaluktot niya ang katawan niya na parang pusa kung matulog.
Kumuha ako ng kumot sa closet tapos kinumutan ko siya. Binuksan ko na rin ang aircon tapos tuluyan na akong lumabas para magpahangin at ituloy ang pag-inom.
MICHELLE'S POV:
I am really out of my mind this time to the extent that I am not musing.
I saw Michael leaving the room and my eyes shut down on its own.
Nagbukas muli ang pinto makalipas ang ilang minuto kaya inakala kong si Michael ito pero naramdaman kong hindi niya ito sinara kaya napamulat ang mga mata ko.
Nakabukas ang ilaw pero malabo ang nakikita ko.
Parang isang lalakeng naka polo ng puti na pagewang-gewang habang pumapasok. Kinabahan ako pero hindi ko maigalaw ang katawan ko.
Palapit siya ng palapit sa kinalalagyan ko at parang unti-unti ko namang nasisislayan ang itsura ng lalake.
Agad kumabog ang dibdib ko lalo na nong humiga siya at tumapat ang mukha niya sa mukha ko.
"Yam..." sabi ko.
Tama ba 'tong nakikita ko? Si William na nga ba talaga 'tong nakikita ko? Dumating na ba talaga siya?

BINABASA MO ANG
Clashing Devastation [COMPLETED]
RomanceNaniniwala ka ba na ang tadhana ang siyang maghahatid sa 'yo sa taong mamahalin ka? O ang tadhana ang magdadala sa 'yo para sa ikakawasak ng puso mo? Clashing Devastation is a 2nd Book of I Love You Two. The question is, "How will the story continue...
Kabanata XIV
Magsimula sa umpisa