抖阴社区

                                    

"Pinagpupustahan nila kami." sagot ni Kenn.

Tumingin ako saglit kay Kenn pero agad ko ring binaling ang tingin ko sa dalawa na parang nahihiya.

"Tama ba si Kenn?" mahinahon kong tanong.

Tumango silang dalawa.

"Libangan lang naman namin." pagtatanggol ni Fiona sa sarili nila.

"Para malaman na rin kung sino ang mas bongga." dagdag ni Andrea.

Kinuha ko ang papel mula kay Kenn tapos pinunit ko ito.

"Whatever it is... It's not moral." sabi ko sa dalawa.

"Sorry." sabay nilang sambit.

"Pe-pero si Yam..." sabi ni Fiona pero siniko siya ni Andrea.

"Bakit si Yam?" usisa ko.

Sa kilos ni Andrea ay parang pinagsasabihan niya si Fiona.

"Pagkatapos naming sinabi na pumunta ka sa police station at nakwento ang nangyari sa 'yo... Agad siyang sumunod sa police station." paliwanag ni Andrea.

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat.

"Sundan natin si Yam." sabi ko kay Kenn.

Tumango siya kaya agad kaming kumilos pabalik ng police station.

*

"Tuazon, may dumating dito na isang lalake, doctor, matangkad---"

"Si Yam?"

Nilalarawan ko palang si Yam pero agad sumabat si Tuazon kaya nagulat ako.

"Kilala mo siya?" tanong ko pero iba ang sagot niya. "Wala na siya... Nagmadali siyang tumungo sa Nalbo. Susundan ko nga eh."

"Salamat." sabi ko tapos inaya ko si Kenn para tumungo rin sa Nalbo pero sumunod si Tuazon sa amin.

"San ka pupunta?" tanong ko.

"Sa pupuntahan niyo kaya makikiangkas nalang ako." tugon niya.

Tumango lang ako tapos tumungo na kami.

WILLIAM'S POV:

"Sige na Simon." makaawa ko kay Daks.

Matagal ko na siyang kilala. Kaklase ko na siya mula elementarya hanggang high school.

Ayaw na ayaw ko siyang tinatawag sa pangalan niyang Daks dahil nakakarindi at nandidiri ako.

"Confidential nga Yam." pagpapaintindi niya sa akin.

Sinenyasan niya ako gamit ang ulo niya at nagtungo sa isang tabi na bihira ang tao kaya sinundan ko siya.

"Tignan mo email mo." he whispers.

Kinapa ko ang cellphone ko mula sa aking bulsa at nilabas ito.

Agad kong binisita ang email ko at nakita kong may sinend siyang video.

"Yan na yung CCTV footage. Umarte ka ng natural." bilin niya sa akin tapos inumpisahan na niyang ipaliwanag sa akin ang footage.

After hearing his information, agad akong lumabas para pumunta sa Nalbo.

Habang nasa biyahe ako naglalaro sa isip ko ang mga pinaliwanag niya.

Nakunan siya ng CCTV Camera ng La Bengga Restaurant...

Pumasok sa Drug Store.

Nagpatuloy. Dumaan sa highway.

Walang CCTV...

Clashing Devastation [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon