Agad akong lumiko patungo sa Nalbo pagdating ko sa crossing.
Nilalakbay ko ang daan at sinisiyasat ang bawat sulok.
Walang ngang nakakabit na CCTV dito. Bihira lang din ang bahay dito at mga dumadaan.
Hindi rin sementado ang daan kaya aalog-aalog ang sasakyan ko habang naglalakbay.
Magkabilaan ang taniman ngunit kung hindi lanta, walang tanim kaya parang inabando na ang lugar.
Hindi nagtagal. Tumambad sa aking mga mata ang isang factory. Dinala ko ang sasakyan ko don para siyasatin ang lugar.
Bumaba ako pero sa pagbaba ko, naapakan ko ang isang sirang laruan kaya sinipa ko ito.
Ginala ng mata ko ang lugar. May mga bahay malapit sa factory pero iilan lang at malalaki ang mga agwat.
Maingat kong inuusisa ang factory, dahil maaring dito tumuloy si Bob.
I sneaked moving around the factory. May mga nakakabit na CCTV pero parang sira at pinamahayan na ng gagamba.
Hindi nagtagal may mga batang nagtatakbuhan patungo sa factory. Pinagmasdan ko silang maigi at tila may hawak silang mga bagay-bagay. Ang ilang mga bata, pumasok sa factory kaya napagtanto kong maaaring nalugi ang factory kaya nilapitan ko ang mga bata.
"Ah mga bata. Taga dito kayo?" tanong ko sa kanila.
"Ah opo." tugon nong batang babae.
"Ngayon lang ba kayo pumunta dito?" I asked.
"Minsan na rin po kaming galing dito at ngayon po."
"Kailan yon?"
"Hindi na po ako sigurado."
"Kung ganon, nong araw bang andito kayo, may nakita kayong sasakyang dumaan dito?"
"Wala pong dumadaan dito. Ngayon nga lang pong may kotseng dumaan eh." sabi nong bata.
"Abandonado na po ang lugar na ito. Wala na pong nagtatangkang dumaan dito dahil wala ka pong mapapala. Basura, pangit ang lupa at mabaho." dagdag nong kasama niyang babae.
Paalis na sana ako kaso may hawak silang camera at tila nagpipicture sila dito.
"Pwede na ito sa IG!" rinig kong sigaw ng isang babae.
Lumapit ako sa kanila.
"Pwedeng bang matignan ang camera niyo?" tanong ko sa mga bata.
Tinignan nila ako at nagduda pero inabot parin nila sa akin ang camera.
Tinignan ko ang mga larawan pero wala akong matrace kaya binalik ko na ang camera.
"Kuya, kuyang pogi..." rinig kong tawag nila sa akin.
"Bakit?"
Inabot nila sa akin ang isang cellphone habang nakaplay ang isang video.
"Nakunan po namin ang isang sasakyan nong nagbibiruhan kami. Nagulat nga po kami, may dumaan palang sasakyan dito noon." sabi nila.
Pinanood ko ang video at napansin kong tugma ang plate number sa sasakyan ni Bob. Dumerecho lang siya kaya agad kong pinasa ang video sa cellphone ko para sundan ang dinaanan ni Bob.
"Salamat." sabi ko sa mga bata tapos binigay ko na ang cellphone nila.
Paalis na sana ako pero pinigilan ako ng isang pamilyar na boses.
"Imbestigador ka na pala ngayon?" pangiinsulto ng tinig sa akin.
Tinignan ko ang pinagmulan ng tinig at nakita ko si Kenn, kasama si Mitch at si Simon.

BINABASA MO ANG
Clashing Devastation [COMPLETED]
RomanceNaniniwala ka ba na ang tadhana ang siyang maghahatid sa 'yo sa taong mamahalin ka? O ang tadhana ang magdadala sa 'yo para sa ikakawasak ng puso mo? Clashing Devastation is a 2nd Book of I Love You Two. The question is, "How will the story continue...
Kabanata XIX
Magsimula sa umpisa