Kinabahan ako pero hindi ako natakot.
Walang nagmamahal ng takot. Ang nagmamahal, kayang labanan kahit kamatayan.
Pinalo muli ako ng isang lalake sa hita ko kaya mas nanghina ako pero nilakasan ko ang loob ko at nong umatake ang isang lalake, umilag ako at sinipa siya sa likod. Nang nadapa siya kinuha ko ang hawak niyang bakal at ginamit laban sa mga aatake sa 'kin.
Ngunit kahit gaano ko subukang lumaban, natatamaan parin nila ko kaya nauubusan ako ng lakas.
Natamaan ng isang lalake ang braso ko kaya ininda ko ito ng sobra. Hawak-hawak ko ang braso ko habang pinatatanggol ang sarili ko. Nang sumugod silang sabay-sabay, nilagay ko sa lupa ang bakal at nagsilbing hawakan ko para tumalon at apakan silang lahat sa dib-dib kaya napatumba sila.
Bumangon silang muli at naglabas ng naglalagablab na apoy mula sa drum.
May nakalagay na bagal na parang ilang oras nang nandon. Nagbabaga ang bakal kaya tiyak na masusugatan ka at hindi lang mapapaso kahit dampi lang neto.
Lumunok ako at tinapangan ang loob ko.
Biglang sumugod ang isang lalake pero nilabanan ko ito.
Papaluin na sana niya ako pero umilag ako kaya siya ang napalo ko.
Paulit-ulit, isa-isa silang sumugod kaya mas namadalian ako. Napatumba ko ang ilan pero hindi pa ang iba.
Biglang umatake ang lalake at kinuha ang bakal mula sa apoy, muntik na niyang matamaan ang mukha ko pero nakailag ako pero natamaan ako ng isang lalake sa bewang ko.
Ginamit ng lalake ang pagkakataon at pinasok ako sa mismong likuran ko.
"Ahhh!" sigaw ko ng matamaan niya ako sa likuran ko. Parang pumapasok sa loob ang sakit, para akong niluluto.
Napaluhod ako at nabitawan ang hawak kong bakal. Hindi nagtagal, sumuko ako ng dugo at nanghina.
Lumapit sa akin ang isang lalake na may hawak ng baril at sinipa ako sa mukha kaya mas nanghina ako.
Pumaibabaw siya sa akin at pinagsusuntok ako sa mukha hanggang sa malabo nalang ang nakikita ko.
Wala akong maramdamang bahagi ng katawan ko. Bukod sa nanghihina ako, pinagpapawisan na rin ako.
Unti-unti na akong napapapikit pero hindi parin tumitigil ang lalake sa pagsuntok sa 'kin.
Tinanggal nila ang suot kong damit pero hindi ako makalaban dahil sa hina ko.
"AHHHHHH!!!" napadilat ako at saglit na naangat ang dib-dib ko ng bigla nila akong pasuin dito.
Hindi nagtagal, pinaputukan na ako ng baril at sa puntong 'yon, napapikit ako at wala nang maramdaman.
MICHAEL'S POV:
"Ano yung naririnig kong nagtanan sina Kenn at Mitch?" tanong ko sa mga chismosang kaibigan ni Mitch, sina Andrea at Fiona.
"Ano? San mo naman narinig 'yan?" tanong ni Fiona sa akin pabalik.
"Diyan lang sa tabi-tabi." tugon ko habang tinuturo ang paligid.
"Have you checked Kenn, kung nasa silid niya pa ito?" tanong ni Andrea habang nag-aayos siya ng buhok.
Mukhang mali ang nagtanungan ko ah!
"Oo. Walang tao eh." sabi ko sa kanila and they were really shocked that they even shouted.
"Bakit?" tanong ko dahil hindi ko naman alam kung anong sinisigaw-sigaw nila.
"Hindi pa pwedeng lumabas si Kenn. Tsaka kailan siya nagkamalay?" lumapit sa akin si Fiona at humawak sa braso ko pero tinanggal ko ito.
"Baka nga nagtanan na ang dalawa." hinuha naman ni Andrea at humawak sa kabila kong brasok pero tinanggal ko rin ito.
"Nako pano na si Yam?" walang kwentang tanong ni Fiona.
"Eh, iniwan si Mitch walang sisihan. Tatlong taon ding naghintay si Mitch..." mas walang kwentang sagot ni Andrea.
Hindi nagtagal, may humintong ambulansya sa harap kaya napa-isip ako na may bago na namang pasyente.
Nagtungo ako don at sumunod ang dalawa.
Pero nagtaka ako at natigilan nong makita kong may pulis na lumabas at aligaga ang mga nurse sa pagpasok sa pasyente.
Agad akong lumapit and I was startled at nanghina nong makita kong si Yam ang pasyente.
Nagulantang ang lahat and I was really shaking.
"Yam!" sigaw ko kaya napatingin ang dalawa sa direksyon and they were totally surprised.
"Anong nangyari?" tarantang tanong ko sa Pulis. Tinignan ko ang uniporme niya, Tuazon ang nakalagay.
Dinala na nila kaagad si Yam sa OR at sumunod naman sina Andrea at Fiona.
"Nakita namin siya sa Nalbo, sa isang pribadong lugar at walang malay pero may pulso kaya agad kaming tumawag ng ambulansya. May tama siya bewang." paliwanag ng officer.
"Anong ginagawa niya don?" niligay ko sa bewang ko ang mga kamay ko at napakagat ako ng labi sa pag-aalala ko.
"Confidential." tugon niya kaya nagalit ako pero hindi ko siya maaaring sigawan dahil nakakahiya.
"Ba-ba bakit confidential? Kaibigan ko 'yun. Best friend ko siya." pangungumbinsi ko sa pulis.
"Sorry, I'm just doing my job." tugon niya at dumerecho siya pero pinigilan ko.
"Officer, pano niyo siya nakita?" I was really curious hindi naman pwede yung basta nalang nilang nakita si Yam.
"Nagtext siya sa akin." tugon niya pero naguluhan parin ako.
"Pano?" tanong ko sa kanya kaya lumapit siya sa akin.
"San ba pwedeng maghintay?" tanong niya sa akin kaya kumunot ang noo ko.
"Para don na rin ako magkwento." dagdag niya kaya tumango ako at dinala siya sa hintayan.
Ano ba kasing naisip ni Yam para mapahamak nalang siya? May kaaway ba siya o ano? What was running in his head?

BINABASA MO ANG
Clashing Devastation [COMPLETED]
RomanceNaniniwala ka ba na ang tadhana ang siyang maghahatid sa 'yo sa taong mamahalin ka? O ang tadhana ang magdadala sa 'yo para sa ikakawasak ng puso mo? Clashing Devastation is a 2nd Book of I Love You Two. The question is, "How will the story continue...
Kabanata XXIX
Magsimula sa umpisa