ALEC
"I miss you."
"Miss you agad?" reaction ni Ameera.
Umakbay ako sa kaniya and pull her close to me. I shouldn't be too honest. Nakakawala ng pagka-astig.
Nakaka... Nakakakilig eh!
But I should stay cool. Hindi rin ako makapaniwala pero we're here. Now I wonder if I looked cool or desperate earlier.
But I did miss her.
Tonight, when I saw Elize dancing in the crowd with Luke, I just knew I wanted to find her.
Thank God, I did.
Tumingin ako sa kaniya. She quietly plays her ring. How could a shy, timid girl like her make me panic inside my chest?
"So bakit ka nandito?" tanong ko.
Lumayo si Ameera sa pagkakasandal sa akin at nagtanong ang tingin.
"Wala akong amnesia, hindi ko na makakalimutan 'tong bagay na 'to," biro ko. "What I meant is, bakit ka nasa labas?"
"Ah..." Nagkamot ito ng ulo and chuckles.
Ang cute! Naalala ko bigla 'yung same reaction niya sa food court.
"Maingay sa loob."
"Hindi ka ba nagpa-party?"
Nahihiyang umiling si Ameera.
"Seriously, what's your best kind of good time?" I asked.
"Dati, books, audio books, di ba?"
"Dati. Eh, ngayon?"
Napangiti si Ameera at namula. Di ko ma-gets.
"Ito..." bulong niya.
"Ano?" I giggled. Halos mapakapit ako sa inuupuan ko.
"Ei..." She gently squirms.
I released a deep sigh.
"Yeah, you're really making this to the top." I pulled her close to me.
"Hm?"
"Wala," I smirk as she pouts. "Alam mo—"
"There you are..."
Napaayos ako ng upo pagsulpot ni Anika.
"You're not answering my call, honey," harot nito.
"I'm taking my break," I said flatly.
Umayos din ng upo si Ameera at dumistansya.
"Anika this is Ameera. She's one of the graduates."
"Hey... Let's go, playboy. I need you," yaya nito.
Humarap ako kay Ameera and her innocent eyes welcomed me.
"Pumunta ka muna kina Elize, okay? I'm sure hinahanap ka na nila."
Alanganing tumango si Ameera. I waited for her to ask, sino ba'ng epal yan?, but she just nodded and smiled.
I look behind me before I gave Ameera a quick peck on her cheek.
"I'll see you inside," bulong ko.
I followed Anika after Ameera headed inside.
"Who's that?" Anika asked.
"Can't you tell?"
"Your baby sister?" she teasingly said.
I glare a not-funny-at-all look and she chuckled crisply.
"Girlfriend!?"
Nainis ako pero di na pumatol.
"Aaawwwe... I could never guess what you're into. Nice," she said laughing and opened the door.
"Ready?" Cedric asks.
"Oh, the vamp is recharged and full," Anika mocked.
Tumawa si Cedric. "Well it's definitely not from you. The Count only hunts for young and virgins," Cedric said.
Naipailing ako dahil napikon niya si Anika.
"Excuse me, puwede pong magpa-picture?" lapit ng tatlong graduates sa amin.
Lumapit ako para kunin ang phone at picturan sila with Cedric. Pero nagulat ako nang hatakin ako ng isa at itinabi sa kanila saka iniabot ang camera kay Cedric na ikinatawa nito.
"Okay, smile ladies. Busog ang vampire, you're safe," makahulugang sabi nito.
Nagsipag-thank you ang graduates at parang mga batang kinilig palayo.
Mukha ba 'kong maniac? Gano'n ba kalaki ang agwat ng hitsura namin ni Ameera? Dalawang taon lang ang tanda ko sa kaniya ah!
"Excuse me..."
Agad akong tumalikod at hinayaan si Cedric sa iba pang mga lumapit. Ayoko nang magpa-picture.
"Oh, the little girl isn't the innocent prey after all," Anika said behind me. "I judged too quickly."
I followed her gaze and saw Luke drag Ameera.
What the f—!
"Isn't that the young handsome CEO?" tudyo nito. "She knows who to compel."
I'll make Ameera see that I'm someone she can be proud of kahit hindi ako CEO ng kompanya.
****
AMEERA
"There you are..." salubong ni Elize.
Parang nairita ako sa linyang ginamit din ng Anikang 'yun.
"Pasensya na..."
"Are you sick? Iuuwi na kita," offer ni Luke.
Puwede pa ba niyang gawin 'yun? Now na... Uminit ang pisngi ko.
"O-okay na ako," sabay paypay ko.
"Mamaya pagtugtog ng banda, magugulat ka, Meng," nakangising sabi ni Elize.
Napalingon ako sa stage. At dahil nandoon ang spotlight, nakita ko agad si Alec. "Nasa banda siya?"
"Yes! Isn't he cool? May artist tayong friendship. And he's quite popular. Promise!" excited na kuwento ni Elize. "I'm sure if you saw him sing Fools Rush In kanina, girl... whooo!" sabi nitong maarteng nagpaypay sa mukha.
"It's Can't Help Falling in Love," pagco-correct ni Luke.
Kinanta ni Alec 'yun? Kaya pala familiar. Ang ganda ng boses niya. He's popular?
"Always the playful happy-go-lucky one," reaction ni Luke.
Nag-init ulit ang pisngi ko. Parang ang layo namin bigla ni Alec.
Napabuntong-hininga ako nang makita kong nagpa-picture 'yung ibang graduates kay Alec.
Popular nga s'ya.
"Siyempre artist, friendly. Oh, look, ini-snob n'ya na 'yung iba," bunggo sa 'kin ni Elize.
Napakamot lang ako ng ulo.
"Let's have a seat, I'm tired from dancing," Luke said.
"Dancing?" Elize chuckled. "Joker ka, Sir."
"Huwag kang mayabang," dutdot ni Luke sa balikat ni Elize patulak papunta sa upuan.
Napangiti ako sa hitsura nilang dalawa. Nagulat ako nang hawakan ni Luke ang kamay ko. Di bale, busy naman si Alec. Hindi nga ako pinakilalang girlfriend eh.
Napatingin ako kay Anika nang magsimula ang set nila. Napaka-sexy nito. Lumipat ang mata ko kay Alec the minute na lumapit siya sa mic.
🎵Hey, I was doing just fine before I met you...
Nagtagpo sandali ang mata namin. Ang guwapo niya lalo kapag kumakanta.
Nakarinig ako ng hagikgik sa paligid. Ang daming kinikilig kay Alec.
"Bagay sila nu'ng vocalist pero mas bagay kami..." sabi nu'ng katabing table namin.
Haist.
"I'll get us some drinks," paalam ni Luke.
"Ako na, Sir," harang ni Elize.
"Not tonight. I can't let a pretty lady serve me. Besides, it's your graduation night."
Humagikgik si Elize at binunggo ako pag-alis ni Luke. "Narinig mo 'yun? Umamin ding maganda ako."
Pilit akong ngumiti.
"Okay ka lang ba?" tanong nito.
"O-oo naman."
"Come on guys, let's fill the dance floor!" sigaw ni Anika saka sila nag-ngitian ni Alec.
Kumunot ang noo ko nang titigan ako ni Elize na parang may iba s'yang gustong sabihin.
"Parang ibang tao si Alec sa stage," amin ko.
"Don't tell me, naiilang ka na sa kan'ya?"
Sinalubong ni Elize ang mata ko saka ito ngumiti.
"Si Alec pa rin 'yan. 'Yung ikaw lang hinahanap para ipagtimpla siya ng kape at magpaalaga. 'Yung nanliligaw sa 'yo," pahabol nitong may panukso sa akin.
Medyo nagsimangot ako. Boyfriend ko na kaya s'ya.
Kumaway si Elize sa stage.
"Elize..." saway ko.
"Be proud, kaibigan natin 'yan. Dapat nga magmaganda ka, ikaw type n'ya 'no!" malakas na boses nito.
Humarap si Alec sa amin at nag-flying kiss. Nagtilian ang mga nasa likod ko.
"Harot nitong Alec na 'to!" natatawang sabi ni Elize. "Mamaya di na kita maitutukso kasi mapipikon si Luke, hahaha!"
Napayuko na lang ako sa hiya.
***
"Meng, telepono mo..."
Napadilat ako sa katok ni Mamang sa dingding. Doon kasi sila natulog ni Tatang sa kuwarto ni Alec.
4am na. Binuksan ko ang telepono at may missed call si Alec. Hatinggabi na kami naihatid ni Luke pero naiwan pa si Alec doon.
Binuksan ko ang unread messages.
~Tulog ka na ba?~
~Kauuwi ko lang. Goodnight.~
~Hindi ka man lang nagpaalam kanina.~
~Okay lang, tulog na.~
Napabuntong-hininga ako.
~Sorry busy ka kasi, reply ko... kay Anika.
Hindi puwedeng too honest. Lumalaki raw ang ulo kapag alam nilang patay na patay sa kanila. Narinig ko rin kina Elize noon na huwag magte-text agad hangga't walang reply. Dapat daw sila ang huling may message.
Bzzzz...
~I don't care how busy I am. Istorbohin mo ako!~ -Alec
Bzzzz...
~Kahit sino pang kasama ko. O kausap ko. Okay?~ -Alec
~Ok~ -send
Bzzzz...
~Ok~ -Alec
Bzzzz...
~Goodnight~ -Alec
Goodni—
Bzzzz...
~Inaantok ka na ba?~ -Alec
Bzzzzz...
~Can I call you?~ -Alec
Napangiti ako.
~Baka magising sina Mamang~ -send
Bzzzzz Bzzzz Bzzzz...
Nakakagat-labi akong sinagot ang tawag.
"I just want to hear your voice pero... you can't talk, so... I'm sorry... Sleep well, okay?"
Hindi ko napigilang huminga nang malalim.
"I heard that. Galit ka ba? I just... Okay, goodnight."
"Goodnight..." super bulong ko sa telepono.
"... I actually wanted to see you."
Parang ako rin!
"Late na Alec," bulong ko ulit.
"Hindi kita palalabasin. Pero... puwede ka ba'ng sumilip sa bintana?"
"Ano?" medyo malakas kong sabi.
Napatingin ako sa dingding. Magaan akong humakbang papuntang bintana.
"Ano'ng ginagawa mo rito?"
Nasa labas ng gate si Alec, nakasandal sa motor at kumakaway.
"Hi, Princess."
"Sabi mo kauuwi mo lang. Nagsisinungaling ka sa 'kin," may tampo kong sabi.
Maumay kaya siya sa girlfriend na kagaya ko?
Tumawa si Alec. "Hindi ako nagsisinungaling. Kararating ko lang. Ito ang bahay ko, sa tabi ng kuwarto mo."
Uminit ang pisngi ko. "Sorry, ha? Hindi ko agad na-explain sa 'yo... Alam kong nagtampo ka."
"I realized that when I saw them. But I'm not that sorry, girlfriend na kita eh."
Aaaahh! Kinikilig talaga ako!
"Umuwi ka na. Hindi ka ba nakainom? Delikadong nakamotor ka."
"Paano ako iinom, wala 'yung drinking buddy ko sa tabi ko?"
Nag-unahang tumalon ang tibok ng puso ko. "Puro ka kalokohan. Umuwi ka na't magpahinga."
"Okay. Goodnight."
"Mag-iingat ka."
Gusto kong sabihing i-text n'ya 'ko pagkauwi pero...
"I'll text you pagdating ko. Para di ka mag-alala."
Sa sobrang kilig ko'y gusto kong mapatalon. Pigil, Ameera. Pigil!
"Okay, bye," pigil kong sabi.
"Ayoko ng bye. See you later na lang."
"See you later." Inihatid ko s'ya ng tingin habang papalayo.
Fifteen minutes later.
Bzzz...
~Bahay na 'ko. Gising ka pa?~ -Alec
Sasagutin ko pa ba?
~Opo. Hinintay ko lang makauwi ka. Goodnight~ -send
Bzzzz...
~I'm safe. Goodnight~ -Alec
Huwag na mag-reply. Kalma!
Humiga na ako't yumakap sa unan. Ito ang literal na memorable.
Happy graduation. Hello, career. Welcome, love-life. Graduate na rin ako sa No-Boyfriend-Since-Birth.
Bzzzz...
~Dream of us.~ -Alec
Napapadyak ako sa kama. Kinagat ko ang dantayan ko para pigilan ang sarili.
Bzzzz...
~Are you ok?~ -Alec
Hindi. Nababaliw ako!
~Okay naman. Ikaw ba hindi?~ -send
Bzzzz...
~Huwag ka nang papahawak kay Luke, ha? Ako ang boyfriend mo~ -Alec
Nagdemand na. Typing...
~Huwag ka ring papakapit sa iba. Kahit di ko nakikita.~ -Send
Bzzzz...
~Goodnight Princess~ -Alec
Hindi niya sinagot. Haist.
Mahigpit kong hinawakan ang phone ko at pumikit.
Please Lord, patulugin po ninyo ako.
Bzzzzz Bzzzzz Bzzzzz...
Haist. Tumatawag na naman? Ang arte ko...
"Alec..." suway ko kunwari.
"Hindi ka sumagot sa sinabi ko. Hindi ako makakatulog."
"Ikaw rin naman," patol ko.
Inipit ko ang telepono sa tenga ko at pumikit na.
"I love you... Puwede na?"
Napairap ako. "I love you... Goodnight na."
"Sagutin mo muna ako ng, oo, di ka na papahawak sa kaniya."
"Opo. See you later," malambing kong sabi.
"See you later," paalam niya.
Pumikit na ako at pilit na natulog.
****
"Ikaw ba'y nags-sleeptalk pa, ha, Meng?"
"Po? Bakit po?" Humikab ako habang umuupo sa hapag-kainan. Ipinatong ko ang tasa sa plato ko. 'Yung tasang laging gamit ni Alec kapag nagkakape.
Good morning boyfriend, bati ko sa tasa sabay inom.
"Tila, narinig kitang bumubulong kanina... "
Pffftttt!!!
Naibuga ko ang kape sa gulat. Tumawa si Elize.
"Hindi po..." deny ko. Napaso ang dila ko, sa pagsisinungaling!
"Hindi ba't kinatok kita dahil natunog ang iyong cellphone? Di mo na siguro alam ang 'yong ginagawa," natatawang sabi nito.
Namula nang husto ang mukha ko. Nakatulugan ko na nga't nagisnang bukas pa ang linya namin ni Alec. Naririnig ko pa ang mahina niyang hilik.
Iniisip ko pa lang, kinikilig na ako. Haist!
"Naku Mang, kung walang kuwarto 'yan eh malamang malayo na nararating n'yan," biro ni Elize. "Aabot hanggang Davao."
Naubo na naman ako sa narinig ko. Tumawa nang malutong si Elize.
"Aba eh, kung Davao laang eh nakarating na s'ya roon," kuwento ni Tatang.
"Po?" taka ko.
"Ay siya, nalimutan mo na 'yung iyong litrato kasama ng kinakapatid mo noong four years old ka pa laang?"
"Ay, opo," tango ko nang maalala.
"Sa Davao po iyon?"
"Noon nga ay di mo bitiwan 'yung bracelet ninyong parehas. Natatandaan mo 'yun?" sabi ni Tatang.
"Biniling bracelet namin 'yun ni Riezalina pero pilit kinukuha ng anak n'ya at binibigay sa 'yo. Nu'ng ilagay na namin sa inyo'y ayaw ninyo nang tanggalin," kuwento ni Mamang.
"Hindi ba't ako'y madalas mong pagalitan noon?" lingon n'ya kay Tatang.
"Paanong di kita kagagalitan, eh pilit mong sinasabi na sila ang magkatuluyan," biglang init ng ulo ni tatang.
"Ang sabihin mo, napakaseloso mo sa anak mo! Eh, ano ba'ng masama roon, mabuting tao naman si Riezalina at kaguwapo ng anak niya," patol ni Mamang.
"Naku, eh si Ameera pala'y may arranged marriage na!" gatol ni Elize sa mag-asawa.
Busy ito sa cellphone n'ya pero kapag may chismis ay nakikinig. Haist!
"Mang, Tang... Di na po uso 'yung gano'n," natatawa ko ring awat.
"Ay siya, wala na nga 'yun. Sumalangit na ang kaluluwa niya. Pero kung itadhana na magkatagpo kayo ng kinakapatid mo't magkagustuhan ay siguradong walang mas sasaya pa sa amin ni Riezalina."
"Mang, ano'ng pangalan nu'ng anak ng bestfriend n'yo? Tumadhana tayo nang magka-boyfriend si Ameera, hahaha!" Hinampas ko si Elize sa pang-aasar nito.
May boyfriend na 'ko 'no.
"Ay naku, hindi ko na matandaan. Kung magkakatagpo sila, iyon ang tunay na tadhana," sagot ni Mamang.
Umiling na lang ako sa halakhak ni Elize at simangot ng Tatang.
****
ALEC
"Good morning, Dad."
"Sit down. You're late for work."
Napangiti ako sa sita ni Daddy. I am late for work. In love eh. Naks!
"I'm sorry. May aasikasuhin lang ako sa labas," I said.
Tumingin ako sa dalawang bakanteng plato.
"Your brother left early. As usual. Lately, he skips breakfast and had dinner outside when he comes home. I wanted to believe na may girlfriend s'ya, like his yaya once told me, nagdala raw ng babae sa condo n'ya," iling na sabi ni Michael. "But I doubt it. He's always busy working."
Parang nainis ako sa rumor na malalaman niya kung pasusundan niya si Luke kay Alfred.
"I guess I could ask you something," I said.
"What is it?"
"Where can I get Ma-Rie's birth certificate and other documents?"
Huminto si Michael sa pagkain.
"We met here in Manila but if I remember correctly, her parents are from Quezon and Batangas. I'm not sure about her birth place. Why?"
"I need to collect all our documents and have them organized."
"She still has unclaimed insurance for you, yes? They matured when you turned twenty one. I'll let Alfred help you."
"What insurances?"
Lumipat ang tingin ko kay Mrs. San Diego na parang may naagaw na naman sa kaniya.
"Good morning," mahinang bati ko.
Sulyap lang ang itinapon nito sa akin. Sapat para tumayo na ako at kalimutan ang almusal.
"Mauna na 'ko, Dad... Mrs. San Diego."
Hindi na ako naghintay ng sagot at naglakad na papalayo.
"I don't want that kid to stay here. He's rude and disrespectful," I heard her say.
Well, so is she.
Umakyat na ulit ako ng kuwarto para mag-ayos. Binuklat ko ang file organizer ko nang malaglag ang lumang bracelet.
Napangiti akong dinampot 'yun. Ang sabi kasi ni Ma-Rie, sa kanila 'yun ng best friend n'ya. At dahil di n'ya puwedeng isuot sa hospital, suot ko 'yun para sa kaniya. Binuksan ko ang picture ni mommy habang nagliligpit.
"Hindi ko na yata matutupad ang pangako ko sa 'yo. Hindi ko nakilala ang bestfriend mo. Paano ko hahanapin ang kinakapatid ko? Hinanapan mo lang ako ng mapapangasawa eh. Saka Ma-Rie,.. may girlfriend na 'ko. 'Yung nagbabantay sa 'yo ngayon," ngisi ko.
Speaking of girlfriend.
'Yung babaeng 'yun, di man lang mag-text. Baka inaya na naman ng breakfast ni Luke. Makapasok na nga.
****
LUKE
"Good morning."
"Sir Luke, good morning. Sorry na-late ako," Ameera apologized awkwardly as she walked closer.
I tried to smile.
"It's okay. Pagod ka kagabi. Early lunch?"
"Ahm, hinintay ko kasi ang sundo nila Mamang at Tatang kaya halos kakakain ko lang."
I saw Ameera quickly look the other way and hesitates and it alarmed something inside me. Something to do about Alec's suspicious early phone call.
I need someone to talk to.
"Have you seen Elize?" I asked. Suddenly changing my course of focus.
"Ah, oo, bumaba. May ime-meet lang daw siya," Ameera said. "Busy eh. May ka-text."
"Ime-meet?" I curiously asked.
"'Yun ang sabi n'ya."
I nod and held her arm so I could explain—
"Uhurm!"
Ameera jerked away. I looked past her and saw a frowning jerk, coming our way. I sighed loudly. Papansin.
"I'll call you later," I said to Ameera as I look suspiciously at Alec.
"Sir Luke, I'll be staying in your office today," Alec stepped on my way.
"And why is that?" I raised my eyebrows at him.
He looked past me, I guess checking, if Ameera is gone before moving closer and whispering to me.
"May bonding pa tayo, remember?" he smirks.
"Get out of my way." I pushed him aside as I pressed 1 to call Elize.
"Just saw her take a cab."
I automatically turned my head to Alec with a creased forehead. But when he smirked at me maliciously, I made my face hollow.
"Who? I wasn't asking." I ignored his jerky smirk and stepped inside the elevator. As soon as the door closes, I immediately opened my gps and tried to locate Elize that has a company number.
"Where the hell are you going?" I murmured.
She must really want to get fired.
****
ELIZE
"Hello, Sir."
"Where are you?"
"Working, Sir."
"Are you? I don't see you beside me so I guess you're lying, Ms. Del Valle."
"Mr. San Diego, your event won't be a surprise if I'm always beside you. And since this is your party and your mother will make the approval, I believe I'm working my ass on the line."
I think I'm getting used to my convincing power dahil tumahimik si Luke.
"Get back as soon as you're done, Ms. Smart mouth. Keep your line open and I want a report on everything."
"Okay, Sir, I—" Pinatayan ako nito ng linya.
Tingnan mo 'tong siraulong 'to. Di na lang amining nami-miss n'ya 'ko. Hmp!
🎵I know I can treat you better than he can... And any girl like you deserves a gentleman...
Nagulat ako sa pagtunog ng phone ko at iba ang ringtone. Lumabas ang guwapong mukha ng dating may-ari ng cellphone ko.
"Hello?"
"Hey, beautiful."
"How did you know my number?"
"I don't. I was actually calling myself."
"Ha?"
"I'm calling you under my account on my app. Cool huh?"
Cool daw. Nagmumukha kaya akong tanga.
"Okay then, bye—"
"Hey, wait! Don't hang up, please..."
"What do you want?" tanong ko habang papasok sa hallway papuntang boutique na na-search ko sa internet.
🎵I'll stop time for you, the second you say you'd like me to...–
Napatingin ako sa itaas kung saan pinapatugtog nang malakas ang kantang ringtone din ng telepono ko.
"I just thought maybe we could talk. How's the phone, good?"
Kuwentuhan talaga?
"Look, it's nice that you're checking up on me, I mean, the phone, but... I'm a little uneasy about you having access on my personal infos that I keep in here. I wish you could tell me how to turn it off... "
🎵Give me a sign, take my hand, we'll be fine...–
"Wait— Stop talking..."
"Ano'ng stop talking? Excuse me, but I have the right now to—"
"Stop! Just stop. Don't move..."
Napahinto nga ako ng paglalakad sa tapat ng music studio. Biglang may humampas ng drum na wala sa tyempo.
"You're here!"
"Ha?"
Ano ba'ng pinagsasabi nitong mokong... na... 'to.
Lumitaw ang kanina'y kausap ko lang sa telepono at tila hinabol ako.
"Hi... Do you believe in destiny?"
Eh?!
***
AMEERA
"Kurap! Kurap lang ang naisagot ko!"
Nailayo ko ang tenga ko sa telepono sa tining ng boses ni Elize.
"We talk for hours dahil sinamahan n'ya 'ko sa lahat ng pinuntahan ko. That guy is amazing. Hindi s'ya nauubusan ng sasabihin. Kahit ano'ng topic!"
"Kalma lang, best. Ano ba'ng hitsura ng Paul na 'yan, cute ba talaga siya?"
Napabalikwas ako nang biglang umusog ang upuan sa tabi ko at lumitaw si Alec na nakasimangot. Nangalumbaba itong nakatutok sa akin. Napatingin ako sa paligid. Break time namin kaya nasa ibaba ang mga kasamahan namin.
"Cute nga! Isipin mo 'yun? Destiny raw, Neng. Isasabay n'ya raw ako papunta d'yan. Ime-meet din daw niya ang pinsan n'ya.
Sino 'yan? muwestra ng bibig ni Alec. Ano'ng cute?!
Si Elize, turo ko sa phone. Nag-gesture ito ng gilit sa leeg kaya inirapan ko ito.
Nang dumating siya'ng magkasama kami ni Luke ay nare-realize ko ang bigat at komplikasyon ng relasyon namin kaya hindi puwedeng malamang boyfriend ko siya. Nakiusap ako kanina at pinagbigyan naman ako nito. At ngayon ay naiilang ako sa bawat kilos niya sa akin at sa behavior n'ya sa iba. Masyado kasing friendly.
"Elize, huwag kang sasabay. Hindi safe. Nakakatakot ang mga lalaking popular at guwapo. Sanay sa mga babae 'yan. Baka lokohin ka lang n'yan o paikutin," paalala ko sa kaibigan habang nakatingin kay Alec.
Ini-snob lang ako nito at tumingin na sa cellphone niya.
"Ibibigay ko sa 'yo ang plate number kaya huwag kang mag-alala."
Nagulat ako nang biglang kunin ni Alec ang kamay ko at itago sa ilalim ng lamesa para hawakan. Pinandilatan ko siya dahil napatalon ang puso ko. Lalo na nang ihilig nito ang ulo niya sa balikat ko.
Nag-focus ako kay Elize. "Hindi pa rin safe. Baka may kasama 'yang iba, ano ka ba naman..."
Humarap si Alec sa 'kin at tila na-concern sa topic namin. Gusto ko siyang sipain dahil nakukuryente ako sa bawat pisil niya sa mga daliri ko at tila umiikot ang sikmura ko kasabay ng ipag-ikot niya sa singsing ko. Bumibitiw ako pero lalo lang niyang hinihigpitan ang hawak sa akin.
Mamamatay yata ako.
"Nasa akin ang pepper spray ko 'no. Nasaan ang mabait kong amo?"
"E-ewan. Umalis yata. Wala dito, eh," nahirapan kong sabi. Sumisikip na naman kasi ang dibdib ko.
Ding!
Tumunog ang elevator sa labas at sa panic ko ay inangat ko ang balikat ko para maalis ang ulo ni Alec na nanadya pang isiniksik ang ulo sa akin.
"Tsk!" sita ko.
Parang batang nagpapadyak si Alec. Tulad ng dati, ibinagsak nito ang mukha sa mesa. Humarap ito sa akin ng nakasimangot. Muntik akong matawa sa inasta nito.
Inginuso ko ang pinto na anytime ay may papasok na. Nagdabog ulit ito.
Alec, please...
"Nand'yan si Alec?"
"H-ha?" Naisaboses ko yata ang pakiusap ko. "Ano, hmp—!"
Hindi ko natuloy ang sasabihin ko kay Elize nang bahagyang umangat si Alec at mabilis sa humalik sa labi ko.
"I seriously missed you," bulong nito sa kabilang tenga ko at dumampi ng halik muli sa buhok ko bago tuluyang lumayo.
"Ameera, ano kamo?"
"W-wala... Na-nakiusap... ako..." Hindi ko alam kung paano ko pakakalmahin ang puso ko sa nerbyos. Halos pumiyok ang boses ko.
"Na ano?"
"Pakalma," dasal ko.
"Ano'ng pakalma?"
"Wala... Sabi ko kalma ka lang. Basta mag-iingat ka, okay? 'Yung plate number. Huwag mo'ng kalimutan."
"Ah, okay, nandito na siya. Bye, see you later!"
Sumandal ako nang putulin ni Elize ang linya. Mababaliw ako kay Alec. Paano niya nagagawa sa akin 'to?
Nagsipasukan ang mga kasamahan namin kaya bumalik ako sa pagta-type.
"Sir Alec, di ka bumaba, merienda?"
Pasimple akong tumingin para makita ko sa sulok ng mata ko ang paglapit ni Lyzza kay Alec. At dumikit ito nang husto sa kaniya.
"Oh, it's alright," tanggi ni Alec.
"You work so serious. Oh, juice," alok ulit ni Lyzza ng katawan niya, este ng juice.
Huwag mong kuku—!
"Thanks," sabi ni Alec.
Kaasar.
****
ELIZE
"Itong si Ameera lagi na lang nawawala sa sarili kapag kasama si Alec. Malapit ko na 'tong diretsahin eh."
Pasimple kong itinutok ang camera sa papalapit na sasakyan. Sisilipin ko rin muna kung may kasama ngang iba si Paul bago pumasok. Tama si Ameera, mahirap na.
"Sir Luke!" gulat ko nang makita kung sino ang driver ng sasakyan.
"Miss Del Valle!" OA nitong tawag sabay, "Get in," na sumeryoso ang mukha pagkababa ng bintana.
"O-okay, Sir," sagot ko sabay silip sa likuran ng sasakyan.
"Yes... I'm going back now to the office. I'll call you when I get there. Bye," sabi ni Luke sa telepono bago tumingin ng matalim sa akin.
"Hi, Sir," mahina kong bati pag-upo ko.
"What a co-incidence seeing you here," nakangiti nitong salubong kahit iba ang sinasabi ng mata.
Ang sabe ng mata? Huwag ko raw subukang magsinungaling!
"Ano'ng ginagawa mo rito, Sir?" I casually asked.
"Kagaya siguro ng ginagawa mo," he said with an odd tone.
"Nakipag-date ka, Sir?" duda ko.
Biglang tinapakan ni Luke ang preno at humarap sa akin.
"Sir!" Muntik akong masubsob.
"Nakipag-date ka ba?" akusa niya.
Lumapit ito sa akin and sniffed. Literally.
"Kako, Sir, ikaw. Hindi ako," pagkokorek ko sa kaniya. "Init ng ulo?" malambing kong reklamo habang umaayos ito ng upo.
"I told you I'm doing what you're doing," paalala niya na hindi ko naman na-gets kanina.
"Ah..." Napaayos ako ng buhok. Nadulas ba ako ng sabi? "Hindi ka talaga nakipag-date?" parang gusto ko pang magselos.
"Hindi nga... Are you interrogating me? I'm your boss," sermon nito.
"Hindi, Sir."
Sandaling hindi nagsalita si Luke. Sinamantala ko 'yun para tingnan ang phone ko and check if nag-message si Paul.
"Where did you exactly go?" tanong ni Luke.
"Kalalabas lang po natin sa pinanggalingan ko, Sir," paalala ko.
Parang nainis ang mukha nito na tila may di makuha-kuha sa akin.
"Let me see your report."
"Report?"
"The one you that did today?"
"Sir, pabalik pa lang po tayo ng office. Du'n po ako gagawa ng report."
"I want to see now."
"I have nothing to show." Ano bang problema nito? "I worked alright? Promise."
"Show me proof."
"I can't. Eh di nagka-idea kayo ng gagawin ko?"
"Let me see your phone."
"Why?" taka ko. I can't believe na pati privacy ko ii-invade niya.
"I'm sure sa dami ng selfie mo, may makikita akong idea kung nagtrabaho ka talaga."
Gusto kong matawa. "Sir..."
Nahinto ako nang sasabihin dahil tumatawag na si Paul.
"E-excuse me lang po. Hello?"
"Hey. I think I'm lost. I can't find you."
"Uh- yeah, about that. I'm sorry, something came up. I'm heading back to the office right now."
Napatingin ako kay Luke nang mag-growl ito nang mahina. Napakagat ako ng labi.
"Oh, well, darn... I should have been quicker. I was going to the same area."
"Well, anyway, thank you. Bye."
"Wait.. Elize. I can call you Elize, right?"
"Of course, Paul."
Dahil sa TSK!, napatingin na naman ako sa driver ko, este, kay Sir Luke pala.
"Can I see you later?"
"Later?"
"Yeah, well..."
"Give me that—"
Nagulat ako nang hablutin ni Luke ang telepono ko at ilagay sa tenga niya.
"You're fired," sabay bato nito ng phone ko na wala naman nakausap.
"Bakit? Ano'ng ginawa ko, Sir?"
"You said you're working pero nakipag-date ka."
Napabuga ako ng hininga out of frustration.
"Sir, nagtrabaho ako."
"Yeah, right."
Dinampot ko ang telepono saka binuksan ang gallery ko. "Oh, ayan." Ipinakita ko ang picture kong umiinom ng kape.
"Sa starbox ka ba nagt-trabaho?"
Sigh.
Ipinakita ko ang socmed ko nang i-post ko 'yun. "Sir, ang caption, 'It's break time'."
Sumulyap ulit ito sa screen and took a quick close look.
"Who took the picture?"
"Selfie nga di ba?"
"Your both hands are showing and look... Pa-cute ka d'yan," bawi nito. "And saan 'yan? Dumaan ako sa ground floor and I didn't see you."
"Eeeeyyyssshhh..." irap ko ulit.
"Hindi mo 'ko makikita kung hindi naman talaga ako ang hinahanap mo," reason out ko.
"And I said I didn't see you. Do I have to elaborate?"
Hinanap niya 'ko?
"I... I can't show you anything else. Makikita mo 'yung pinuntahan ko, period. After your party, I'll submit all the reciepts with the time frame that covered it. I am, working," malumanay pero seryoso kong sabi.
Tinapunan lang ako nito ng mapanuring tingin at nagpatuloy mag-drive. For a minute we were in silence.
"How could you date someone you didn't know?" he asked out of the blue.
"Sir, I... Bakit ba? Don't I deserve to be loved?" pagbabago ko ng sasabihin.
"He's a stranger."
"Who?"
"Isn't that the guy who gave you that phone?"
"So what? Do we need a past like you and Ameera before we could meet a future?"
Nagsalubong ang tingin namin. I admit, nabigla rin ako. I didn't mean it but I said it like I have some grudge about it.
Hindi naman talaga ako nakipag-date. Ni hindi ko nga in-entertain 'yung Paul na 'yun. Talaga lang makulit at sumunod. Kasalanan ko ba 'yun?
But I think it did help a little. I can't be too honest, right? At least I got my pride up, letting him think that I'm not a sore loser in this love connection between the four of us.
Bahala siyang mag-isip ng kung ano'ng gusto n'ya.
****
LUKE
I made a deep sigh and almost regret what I said after I heard how she feels. That is not what I meant.
"Bahala ka nga sa buhay mo. Don't tell me I didn't warn you," I said but in a softer tone this time.
Bakit ba kasi nakekealam ako? I just got frustrated that I wasn't able to locate her after hours of looking for her sa mall na 'yun.
I can't tell her that I'm just concerned. I was actually concerned. And I can't make her see me, all honest and all. It's a weakness I can't reveal.
Can't be too honest. Not me.