Sinugardo ni Orville na maihatid muna si Reeva nang ligtas at maayos bago pumasok sa trabaho.
"Goodmorning po, Sir Orville."
Orville: Goodmorning.
Tiningnan niya ang lamesa ni Weyn pero hanggang ngayon ay wala pa rin ito.
Orville: Tinawagan niyo na ba si Weyn?
"Opo sir"
Orville: Anong sabi? Hindi pa ba siya babalik sa trabaho?
"Pagkakasabi po niya papasok na siya today siguro po nalate lang."
Orville: Osige kapag dumating pasabi na lang na dumaritso na agad sa opisina ko may kailangan kaming pag-usapan.
"Okay copy po, Sir."
Makalipas ang isang oras ay dumating agad ito.
Weyn: Goodmorning po, Sir.
Orville: Goodmorning, mabuti naman at pumasok kana. Ilang araw ka ding absent ah. Saan ka nagpunta?
Weyn: Nagpahangin lang po at nagisip-isip.
Orville: May sama ng loob ka pa ba sa akin?
Umiwas ito ng tingin sa kanya. Matagal tagal na ring nagtrabaho sa kanya si Weyn kaya alam na din niya ang mga galawan nito.
Orville: Naiintindihan naman kita.
Weyn: Eh ako sir, tinanong niyo muna ho ba ako kung naiintindihan ko lahat ng nangyayare kasi kung tatanungin niyo ho ako hindi ho ako papayag dito sa pinagagawa niyo.
Orville: Tama ka naman kahit kung ako man ang nasa sitwasyon mo hindi rin talaga ako papayag kaso si Ash—siya ang nagdesisyon nitong lahat.
Weyn: Ayun na nga ho eh. Mas lalo kong kinakasama ng loob na nagdesisyon siya ng ganito, napakapadalos-dalos. Hindi man lang niya ako inisip at bakit kailangan pa niyang ilihim sa akin 'to? Boyfriend niya ako sana naman—
Orville: May mga bagay na kailangan ilihim kahit magboyfriend or girlfriend man kayo o mag-asawa na, hindi talaga maiiwasan 'yun. At siguro kaya hindi na niya sinabi sa'yo kasi hindi ka papayag.
Weyn: A-ang unfair lang, Sir. Bakit silang lahat nakalimut??
Orville: Iba-iba ang pagmamahal na'tin sa isang tao. Mahal na'tin sila ng higit pa sa pagmamahal ng iba sa kanila. Ang totoong pagmamahal o nagmamahal hindi basta bastang nakakalimut. May mga tao tayong mahal na'tin pero kaya na'ting mabuhay ng hindi sila kasama. May mga taong mahal tayo dahil napapakinabang lang nila tayo. May mga tao ding mahal na'tin na gusto na'ting nasa tabi lang sila at hindi na'tin makaya o matanggap na wala sila. Ang pagmamahal na 'yun hindi nakakalimut, katulad mo, katulad ko at katulad ni Reeva. Pare-pareho tayong nagmamahal at ayaw makalimut kasi 'yun na lang ang natatanging dahilan kung bakit gusto pa na'ting mabuhay.
Weyn: A-ansakit lang at n-nakakatakot. Paano kung makalimutan ko siya katulad nila? Paano kung 'di na niya ako balikan. Paano ako mabubuhay ng walang Ash sa mundong 'to?
Orville: Naiintindihan kita at nararamdaman ko ang sakit na nararamdaman mo. Ganun din si Reeva.
Weyn: Kung alam lang 'to ni Tita Reeva. Alam kong 'di siya papayag.
Orville: Alam ko, alam namin ni Ash kaya nga pinapakiusapan kita kahit saglit lang—kahit ngayon lang.
Weyn: Hanggang kailan 'tong saglit na 'to?? Paano kung maisip ni Ash na 'wag na lang bumalik?!
Orville: Huwag kang mag-alala hinding hindi mangyayare yang iniisip mo, hindi ako papayag. Itaga mo sa bato, Weyn ibabalik ko sa'yo si Ash ng walang galos at buong buo.
