~Ang inyong mababasa ay pawang walang katotohanan at hindi binase sa kahit na anong pangyayare o nangyare. Tanging imahenasyon lamang ang naglaman. Sorry for the grammatical errors and typos. Mwaa! GBU. ~
Orville's Pov
Kanina pang kakaibang tumingin si Carlo kay Reeva, 'yung tingin na para bang may something parin.
Hindi lang naman ngayon 'yung pagkakataon na ganito siya titigan ni Carlo, marami na ring araw at pagkakataon pero nagpapanggap na lang ako na wala lang 'yun kahit alam kong meron.
Lalaki din ako at syempre nararamdaman ko din kung anong kinikilos niya.
Malas niya lang kasi kahit anong titig niya kay Reeva hindi parin siya maramdaman nito unless na lang siguro kung aamin siya dito.
Hindi naman kasi assuming si Reeva kaya kung 'di sasabihin sa kaniya hindi niya malalaman.
Never ko din sinabi kay Reeva 'yung tungkol sa napapansin ko kasi baka macurious siya at alamin pa niya kung ano man 'yung totoo.
At syempre natatakot din ako, natatakot din ako na totoo lahat ng inaakala ko. 'Wag naman sana pero kung totoo man may tiwala naman ako kay Reeva, alam kong ako lang, ako lang palagi.
Reeva: May problema ba hon? Kanina kapa kasing tahimik sa kotse?
Orville: Ahh wala naman.
Reeva: Magluluto ako, anong gusto mong ulam?
Orville: Kahit ano.
Pinisil ko ang ilong niya--ang tangos kasi.
Reeva: Aray ha!
Orville: Nakakaramdam ka pala?
Reeva: Sira ulo ka!
Orville: Nagbibiro lang, may aayusin lang ako sa entertainment room.
Reeva: Okay, puntahan na lang kita dun. Magluluto lang ako.
Orville: Take your time honey.
Hahalikan ko na sana siya sa noo pero umiwas siya.
Reeva: Ayaw ko diyan, gusto ko dito!
Tinuro naman niya ang labi niya pero 'di ko siya dun hinalikan syempre pabitin na rin.
Pinuno ko ang mukha niya ng mga halik ko atsaka ako umalis habang nakapikit siya.
Ang cute niya talaga.
Inayos ko itong entertainment room, balak ko kasing magmovie marathon na lang kami buong gabi.
Nilagyan ko ng konteng abobot itong kwarto at kandila para na din magmukhang romantic.
Minsan lang 'yung mga ganitong araw para sa aming dalawa kaya palagi ko na lang sinusulit kahit dito lang sa bahay magmukha man lang romantic at may effort.
Reeva: Baba! Tapos na akong magluto--Wow!
Orville: You like it?
Reeva: I love it! Iloveyou! Ang ganda baba.
Orville: Upo kana dito, ako ng maghahaan.
Reeva: Dito tayo kakain?
Orville: Oo diyan na lang sa table.
Siya ang nagluto at syempre ako naman ang maghahain. Give and take, hindi maaring isa lang sa inyo ang gagalaw. Hindi magwowork ang isang relasyon kung dedepende ka lang sa kaniya, tama lang at balanse pero 'wag na 'wag mong hahayaan na magkaroon ng kulang.
Reeva: Baba? gusto ko nga palang ulitin 'yung sa Vigan.
Orville: Ngayong week na ba 'yun?
Reeva: Yeah sa friday.
