抖阴社区

CHAPTER 19.NYC

295 27 1
                                    

Nagising si Reeva dahil sa ingay ng mga maleta.

Nakita niya na nagiimpake si Orville ng mga damit at ilang gamit.

Reeva: Pasaan—Bakit? Anong meron?? Bakit ka nagliligpit?? Aalis ka? Saan ka pupunta?

Pinipilit kumalma ni Reeva pero 'di niya alam kung paano.

Patuloy lamang si Orville sa pagkuha ng mga gamit.

Reeva: Ayan ka na naman, aalis ka na naman iiwasan mo na naman ako imbes na ayusin—

Orville: Hindi ako aalis dahil sa'yo. Aalis ako dahil may trabaho akong kailangan gawin.

Reeva: Pero baba, hindi mo naman kailangan magdala ng maleta sa opisina mo.

Kinuha ni Reeva ang mga damit sa maleta at binalik sa cabinet.

Orville: Reeva, ano ba?

Reeva: Hindi mo naman kailangan ng maraming damit sa opisina ah!

Orville: Hindi ako pupunta sa opisina.

Reeva: Eh saan ka pupunta??

Palabas na sana ito pero hinarangan siya ni Reeva.

Orville: Mahuhuli na ako sa flight ko.

Reeva: Flight?! Saan ka nga pupunta?

Orville: Sa Maldives.

Reeva: Maldives?? Ang layo nun Orville!

Orville: Malayo din ang NYC, Reeva. Tumabi kana diyan, please.

Reeva: Ilang linggo ka dun?

Orville: 2 Taon.

Reeva: Orville?? Dalawang taon? Kagabi nga lang pinagaawayan na'tin 'yung pagtratrabaho ko ng 2 taon sa NYC tapos—

Orville: Magkaiba tayo, ikaw magtratrabaho ka kasama ang ex mo.

Reeva: Orville naman, 'wag ganto. Huwag mo kong iwan ng basta basta na lang.

Tinitigang mabuti ni Orville si Reeva.

"Ito ang pinakamagandang desisyon na gagawin ko sa buong buhay ko at hindi ko pagsisihan." Bulong ni Orville.

Orville: I need space.

Reeva: Madami namang space sa loob ng bahay na'tin. Bakit kailangan sa Maldives ka pa maghanap ng space?

Orville: Seryoso ako sa sinasabi ko. I need space from you, pagod na ako at sana kahit 'yun man lang maintindihan mo.

Hindi na sumagot si Reeva at hinayaan si Orville na makaalis.

Tinawagan niya si Weyn para i-confirm kung saan ba talaga pupunta si Orville.

Natatakot siya na baka pagbalik nito, may dala-dala na itong annulment o kaya ibang babae.

Weyn: Goodmorning po, Tita.

Reeva: Anong sched ni Orville today?

Weyn: Po? Hindi po ba niya sinabi sa inyo na pupunta siyang Maldives.

"So totoo nga."

Reeva: Kasama ka ba niya sa Maldives?

Weyn: Opo, papunta na nga po akong airport ngayon.

Reeva: Ganun ba? Sige, ingat ka.

Weyn: Thank you po, kayo din po.

Umakyat si Reeva para maligo.

Inisip niya kung tama pa bang tanggapin niya 'yung offer ng friend ni Carlo.

Natatakot kasi siya na baka lalong magselos si Orville at tuluyan ng hindi bumalik dahil sa magiging desisyon niya.

Retrieving The Imaginary Window [BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon