抖阴社区

CHAPTER II.9 FOCUS

237 25 1
                                    

Angge's Pov

Erik and I were not just friends, we were more than that pero hindi na namin pinapaalam sa iba.

Erik: Hii expensive (mahal BLEEE sana all mahal charr) kumain kana?

Angge: Yap! Huwag mo muna kaya akong tawaging expensive? Baka marinig tayo ng iba or baka mahalata nila tayo.

Erik: Oh ano naman kung marinig nila?

Oo nga naman, ano nga naman kung malaman nila? Wala naman kaming masamang ginagawa pero kasi bawal ang workmate romance sa trabaho namin.

Erik: What if sabihin na lang na'tin kila Ash at Strawberry 'yung tungkol sa atin.

Angge: Erik, kilala mo si Strawberry alam mong dari-daritso 'yun at baka anytime madulas lang 'yun kay Sir Carlo o kaya kay Direk Reeva. Handa kabang mawalan ng trabaho?

Erik: Oo naman--

Angge: Ako hindi.

Erik: Almost 5 years na rin nung sinagot mo ko, hindi kapa ba nagsasawa sa kakatago sa relasyon natin?

Angge: Bakit okay nga 'to eh, mas exciting?

Nasa likod ko siya pero rinig na rinig ko ang pagbuntong hininga niya.

Erik: Ayaw mong sabihin 'yung satin kasi may iba kang gustong ipakilala sa kanila?

Angge: Ha? Anong sinasabi mo diyan?

Erik: Nung isang araw may lalaking kumakatok sa condo mo, familiar 'yung mukha niya pero 'di ko alam kung saan ko siya nakita.

Angge: Erik kasi--

Erik: Sige na, baka makita pa tayo dito, pupuntahan ko muna si Sir Carlo.

Angge: Pero Erik!

Nagkamali lang naman kasi ng kinatok 'yung lalaki--nagseselos ba siya? Napapatawa na lamang ako sa naiisip ko. Nagseselos pa pala 'yung kumag na 'yun!

Reeva: Hay naku Angge kanina pa kitang hinahanap todo ngiti ka lang pala diyan!

Angge: Hala pasensya na po Direk.

Reeva: Pakiinform lahat sabihin mo magsisimula na tayong magshoot.

Angge: Okay po Direk.

Nagsimula na ulit kaming magshoot ng ilang eksena, hindi narin naman kami nahirapan kasi ang gagaling talaga ng mga artista na pinili ni Direk.

Sobra ko talagang hinahanggaan si Direk Reeva from her ups and down hindi parin nagbabago tapos ang professional pa niya kung trumabaho.

Tapos kapag umiimik siya lahat talaga makikinig kasi naman ang ganda ganda din talaga ng boses niya.

Kahit antagal tagal na naming magkatrabaho parang kada araw hindi naalis 'yung star struck ko sa kaniya.

Napansin ko sa tabi ni Direk si Erik, tahimik lang din siyang pinagmamasdan 'yung screen.

Galit kaya siya sa akin?

Kanina ko pa siyang sinisenyasan at sinisitsitan pero 'di parin niya ako pinapansin parang sira naman kasi hindi man lang nagtanong muna bago magassume.

(Kaya kayo din, bago kayo mag-assume maghanap muna kayo ng label bleeeh!)

Reeva: Angge?? Nakikinig ka ba?!

Angge: Po? Ano po 'yun?

Reeva: Hayy whatever. Let's pack up na, guys! Change location na tayo bilisan ang lahat ng kilos.

Retrieving The Imaginary Window [BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon