抖阴社区

EPILOGUE

418 28 36
                                    

Ilang araw pa ang lumipas at nanatili si Reeva sa Pilipinas.

Ngunit sa mga araw na 'yun ay hindi pa niya nadadalaw ang abo ni Orville. Kahit minsan ay hindi pa nito nakikita o nasisilap ang lalagyan man lang ng abo ng kaniyang asawa.

Hindi niya kasi alam kung paano siya haharap dito o kung may mukha pa siyang ihaharap. Patuloy niyang sinisi ang kaniyang sarili. Hindi na niya magawang bumalik sa Reeva na nakilala ng lahat.

Nanatili ito sa bahay nila ni Orville, minsan na lamang din siya lumalabas kapag may kailangan siyang bilhin. Hindi rin niya magawang sagutin ang mga tawag ng mga kaibigan niya. Gusto niya mag-heal pero hindi parin niya alam kung paano...

Napagpasyahan nang mga kaibigan ni Reeva na puntahan ito upang alamin kung anong lagay na niya.

Jai: Reeva? Buksan mo muna 'tong pinto-Ako 'to si Jai

Z: Rev, alam mo naming mahal na mahal ka naming 'diba?

Alyah: Hoy! Bubuksan mob a 'to o gigibain ko 'to??

"Alyah!"

Alyah: Sorry na na-carried away lang.

Bell: Ako na ngang kakausap! Magsitabi kayo dyan. Reeva-

Binuksan naman ni Reeva ang pintuan.

"Tuloy kayo." - Reeva.

Tahimik na tumuloy ang buong barkada at si Ash.

Wala silang imik kitang kita nila kung gaano ka miserable si Reeva.

Reeva: Pasensya na kayo kung medyo makalat.

Alyah: Ilang araw ka pa lang dito 'diba? Bakit parang halos buwan ka ng hindi naglilinis.

Bell: Alyah! Hindi yan makakatulong.

Alyah: Nagbibiro lang kung gusto mo Reeva, ako na lang ang maglilinis nitong buong bahay mo?

Jai: Ay! I volunteer din kilala mo naman ako Reeva, magaling akong maglinis ng kalat kahit araw-araw akong makalat.

Z: 'Diba may aso ka, ano nga ulit name nun? Unica? Nasan na siya papaliguan ko siya.

Reeva: Ibinigay ko na kay Aya hindi ko rin naman siya maalagaan dito.

Bell: Hmm, usap muna tayo sa taas Reeva.

Alyah: Teka sama kami.

Jai: Ako din.

Bell: 'Diba sabi niyo maglilinis kayo.

Alyah: K.

Z: Ako pwede ba akong makinig sa inyo?

Bell: Hindi, diyan na kayong tatlo. Halika sa taas Reeva.

Umakyat ang dalawa sa taas para makapag-usap.

Bell: So-kamusta ka?

Mahigpit na napayakap si Reeva kay Bell

Reeva: Hindi ko na alam kung magiging okay pa ba ako o kung daratng pa ba 'yung araw na magiging maayos na lahat ng nasa paligid ko.

Bell: Alam kong doble-doble ang sakit na nararamdaman mo ngayon, okay lang yan, normal lang ang umiyak pero kailangan mo ng mag-move forward.

Reeva: Hindi ko kaya-

Bell: Alam ko, alam namin na kaya mo ayaw mo lang gawin kasi nga natatakot ka pa rin sa magiging resulta. Kailangan mo ng bumitaw, alam kong kaya ka nandito sa bahay niyo kasi hinihintay mo sya, hinhintay mo pa din na umuwi siya dito, tama ako ;diba?

Retrieving The Imaginary Window [BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon