~ Ang inyong mababasa ay pawang walang katotohanan. Hindi binase sa kahig na anong pangyayare o nangyare. Tanging imahenasyon lamang ang naglaman. Sorry for the grammatical errors and typos. MWAAA GBU!
Reeva's Pov
"Baba, goodmorning? Can you give me one cup of coffee. Ang sakit ng--"
Hindi ko na natuloy kung ano man 'yung sasabihin ko kasi kinakausap ko na lang pala 'yung sarili ko.
"Wow, wow"
Gigising ako sa umaga ng hindi kana kasama, matutulog tayo ng magkatabi pero parang ang layo natin sa isa't-isa. Inisip ko kung bakit humantong tayo sa ganito, mas pinilit na lang na'tin na manahimik kesa maging madrama.
Note:
Goodmorning baba, I'm sorry I didn't wake you up na, alam kong kailangan mo ng tulog at ayaw mong magpaabala. Medyo late na din ako. Enjoy your coffee. Iloveyouu!
- Orville
We never really had a big fight, sa loob ng siyaw na taon naming pagsasama, which is good naman daw pero ang daming gumugulo sa isip ko, nagsasabing may mali eh. May problema pero hindi namin nakikita. Hindi ba namin nakikita o ayaw lang naman makita?
Kinuha ko ang kape na katabi ng notes.
Malamig na hindi ko na rin malasahan.
Ganito na ba talaga kapag--nagtatagal? Lumalamig na at nakakaumay? Parang kaya mo na lang tinitikman at nagsstay kasi nakasanayan mo na lang?
No Reeva, erase erase erase!
Carlo's Calling...
Reeva: Hello?
Carlo: Goodmorningg? It's your inspection day? Hindi kapa ba pupunta sa Restaurant?
You read it right, 5 years ago napagpasyahan kong magtayo ng restaurant. Pumayag naman si Orville na maging business partner ko si Carlo kaya hindi na awkward sa pagitan nila (yata?)
Tuloy pa din ang paggawa ko ng teleserye with my team kaya minsan lang ako mag-inspect sa Restaurant ng dahil sa pagkabusy.
Carlo: Reeva? Are you still there?
Reeva: Yeah, I'm sorry. Papunta na ako.
Carlo: Do you need a driver?
Reeva: Hindi na.
Carlo: Okay, ingat ka.
*Call Ended*
"Ma'am, ito na po 'yung damit na susuotin niyo."
Siya si Aya, ang nagiisang tumutulong samin dito sa bahay. She's not living with us for security purposes na din.
Reeva: Thank you, Ays.
Aya: Ipagluluto ko po ba kayo ng breakfast--
Reeva: 'Wag na, sa resto na ako kakain.
Aya: Ate, ito po 'yung medicine kit baka kailangan niyo?
Reeva: Thank you.
Kinuha ko 'yung towel ko at pumasok sa cr.
Marami akong kailagan asikasuhin, hindi ako pwedeng ma-stuck sa iniisip kong ito.
Mabilis akong naligo at nagbihis. punong-puno ang schedule ko today kalerke!
Reeva: Aya!
Aya: Poo?
Reeva: Pakibukas nung gate, sumabay kana sa akin papalabas ng subdivision.
Aya: Okay po.
Halos magdadalawang taon na si Aya sa amin, hindi siya palaimik at hindi pala tanong.
