抖阴社区

CHAPTER II. 4 EVERYTHING

264 24 0
                                    

~ Ang lahat ng inyong mababasa ay pawang walang katotohanan hindi binase sa kahit na anong pangyayare o nangyare. Tanging imahenasyon lamang ang naglaman. Sorry for the grammatical errors and typos. Mwaa! GBU. ~

Carlo's Pov

"Reeva, nakita mo na ba 'yung--"

Natutulog pala siya, pero kahit tulog siya--nagtataray pa din.

Hinawi ko ang buhok niya para lalo ko pa siyang makita.

Malapit man pero parang malayo pa din.

Reeva: Gising ako, 'di ako tulog.

Carlo: Bakit ba sanay na sanay kang sungitan ako?

Reeva: Hindi ako masungit nuh!

Carlo: Okay, sabi mo ih.

Napansin ko naman na kanina pa niyang hawak 'yung script pero parang iba 'yung iniisip niya.

Carlo: Kanina mo pang hawak yan, may problema ba?

Reeva: Ha? Wala.

Carlo: Tungkol kay Orville?

Tumango naman siya

Ako kaya Reeva? Akong nasa harapan mo, kailan mo kaya ulit ako makikita?

Carlo: Baka nasa meeting pa siya kaya 'di pa nagrereply sa'yo?

Reeva: Hindi naman 'yun yung iniisip ko. May tanong lang ako, is it possible na magkaroon kayo ng problema na hindi niyo nakikita? 'Yung masaya naman kayo pero in the next day magbabago na naman. Hindi ko kasi ito naramdaman sa atin.

Carlo: Nasasaktan kana ba sa kaniya?

Kung nasasaktan kana, pwede bang bitawan mo na lang siya?

Reeva: Kung siya lang din 'yung magiging dahilan kung bakit ako masasaktan? Okay lang.

Carlo: Paano kung hindi naman talaga kayo 'yung nakatadhana? Paano kung may iba pa pala para sa kaniya, para sa'yo?

Reeva: Well, sa ayaw at sa gusto ni tadhana wala na siyang magagawa.

Inangat niya ang wedding ring niya.

Reeva: Malapit na kaming mag-10 years,  nuh!

Sampung taon--mahigit pa sa sampung taon at hanggang ngayon naghihintay pa din akong itama na niya tayo hindi ko alam kung sinong madaya ikaw ba o si tadhana?

Reeva: Oo nga pala, ikaw?

Carlo: Ako? Anong ako?

Reeva: Sa mga nakalipas na araw iba 'yung awra mo! May pinopormahan ka dito sa set natin nuh!

Akala ko nararamdaman mo na, hindi parin pala.

*Orville's caling...*

Ang kanina lang na malungkot mong mga mata, nagsumigla ng dahil sa tawag niya.

Reeva: I need to go!

Carlo: Pasaan ka?? Hindi pa tapos--

Reeva: Kaya mo na yan! Atsaka nagbigay na ako ng instructions kay Angge, Byeee!

_____________________

Reeva's Pov

Tinawagan ako ni Orville, sinabi niya sa akin na pauwi na daw siya kasama  sila Mart, Bell at sila kambal.

Janinne: Tita Reeva!

Noreen: Hi Tita!

Sinalubong ako ng dalawang makulit.

Retrieving The Imaginary Window [BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon