Orville's Pov
"Ako 'yung na una? Reeva"
Reeva: Pero hindi ikaw 'yung gusto kong maging wakas. I'm sorry
Narinig ko lahat ng pinag-usapan nila simula umpisa.
Sila pala 'yung couple na pinaguusapan kanina sa Calle Criosologo.
Hinila niya si Carlo at hinalikan? How romantic--hindi ko man nakita 'yung pangyayare pero naiimagine ko at nasusuka ako, gusto kong ilabas ang sama ng loob ko pero hindi ko alam kung paano.
Tama naman na nasasaktan ako 'diba? May karapatan naman siguro ako.
Narinig ko naman lahat ng sinabi ni Reeva narinig ko lahat ng dapat kong malaman malinaw din sa akin na wala na talaga siyang nararamdaman para kay Carlo pero bakit ganito? Bakit unti-unti akong kinakain ng selos?
Hindi ko alam kung paano ko sila kokomprontahin gusto kong sumingit sa usapan nila at hilahin pabalik ng Manila ang asawa ko pero para ako ngayong statwa hindi ko alam kung paano magprprocess sa utak ko lahat.
Paano nangyare 'yun? Pano ko ngayon iintindihin 'yung sitwasyong hindi ko maintindihan? Dapat handa na ako dito, kasi alam ko naman pero pag mismong nangyayare na pala ang hirap paniwalaan ang hirap unawain pero kailangan.
Ash: Tito? Bakit po kayo nandiyan? Umiiyak po ba kayo?
Orville: Hindi ah, malamig lang 'yung simoy ng hangin kaya na--
Weyn: Baby pakiss, isa lang.
Nagulat naman ako sa sinabi ni Weyn.
Orville: Hoy! Anong pakiss ka diyan?
Weyn: Ayy boss nandiyan ka pala hehe sorry.
Ash: Ikaw masyado kang atat!
Orville: Ash---
Ash: Ih Tito, secret lang natin 'to, 'wag mo na munang sabihin kay Mama o kahit kay Papa.
Orville: Hindi ko sa kanila sasabihin dahil gusto ko kayo mismo ang magsabi pero dapat alam ng mga magulang niyo 'yang relasyon niyo. Weyn, ikaw ang lalaki at syempre alam mo naman kung anong ibig kong sabihin.
Weyn: Ih kasi Boss---
Ash: Ako na pong bahala Tito, basta secret muna na'tin 'to ha.
Orville: Osige.
Sabay yakap sa akin ni Ash.
Orville: Sabihan mo lang ako Ash kapag sinaktan ka ng kumag na 'to ha.
Ash: Oh narinig mo Tito ko! Umayos ka.
Weyn: Boss naman!
Orville: Umayos ka, mauna na ako sa loob.
Pumasok na ako ulit sa loob. Sila Angge, Erik at Strawberry na lang pala abg naiwan dito---
Angge: Sorry na nga 'diba! Nakailang sorry na ako, mas mahirap ka pamg suyuin kesa sa akin!
Erik: Wala naman akong sinabi na suyuin mo ko 'diba. Sinabi ko lang 'yung pagkakamali mo.
Angge: Kaya nga ako humihinge ng sorry at sinusuyo ka kasi alam ko 'yung pagkakamali ko paulit-ulit na naman tayo Erik!
Napaupo si Angge, hinawakan niya ang kaniyang mukha at tuluyan ng napaiyak.
Angge: Kahit ang sama sama ng pakiramdam ko ngayon Erik dahil sa ulan kanina pinilit ko pa ding puntahan ka dito para ano? Para makipag-usap diyan sa pride mo!
Nakatayo lamang si Erik habang nakatingin kay Angge.
Si Strawberry naman nasa isang sulok kumakain ng chichiriya habang pinapanood ang pagtutula nung dalawa. Ayos na ayos pa 'yung upo niya.
