抖阴社区

CHAPTER II.14 JEALOUSY

367 28 10
                                    

Reeva's Pov

Buong maghapon akong naghintay ng bati niya, ng tawag niya, ng text message niya pero wala man lang akong narecieved kahit isa.

At naiinis na ako, sobrang importante ng araw na 'to para sa akin pero para sa kaniya parang wala lang at halos buong araw niya lang ako inignore.

Kakalapag lang ng eroplano namin nung nag-pop-up sa notification ko na hindi daw niya ako masusundo. Wala siyang binigay na kahit na anong rason basta sinabi niya lang na "I can't pick you up, I'm sorry nagkaemergency" kulang na lang ng it's not you, it's me charot baka mawalan pa ako ng asawa.

Hindi ko na rin siya nireply-an kasi baka maaway ko lang din siya. Nakakapagod na ang araw na ito gusto ko na lang magpahinga at matulog.

Ash: Ma? kay Papa na ako sasabay, paano ka?

Reeva: Oh bakit hindi ka sinundo ng Weyn mo?

Ash: Pagod daw po siya madami daw po silang ginawa kanina.

Reeva: Ahh, baka magtaxi na lang ako.

Ash: Gabi na Ma, sumabay na lang po kayo sa amin ni Papa.

Carlo: Everybody listen dadaritso tayong lahat sa Ill ristorante di Reeva Sinabihan ko silang lahat na doon tayo kakain kaya wala munang uuwi ng maaga ngayong gabi!

Strawberry: Omg Sir?? Legit?? Buti naman may pakain kanina pa akong nagugutom.

Angge: Mahiya ka nga Strawberry, napapaghalataan kang PG.

Strawberry: Ikaw KJ ka, sige okay lang naman kung tatanggi na ako or tayo kay Sir Carlo basta hahayaan mo kong ubusin 'yung grocery sa condo mo.

Angge: Sir--nagugutom na po kami pwedeng mauna na po kami sa resto?

Carlo: Oh sure go ahead!

Ash: Ma? Ano? Tara na?

Nagbook sila ng kani-kanilang sasakyan hindi naman na ako nagpacount sa kanila kasi akala ko susunduin ako ni Orville, so ngayon heto ako nakasakay sa front sit ng kotse ni Carlo.

Sumama na ako sa kanila tutal kanina pa ding kumukulo ang tiyan ko atsaka gusto ko ring bisitahin 'yung restaurant ko mukhang malulugi pa yata kasi naman itong si Carlo hindi muna nagsabi sa akin.

Carlo: Don't worry babayaran ko lahat ng kakainin nila, natin.

Sabi ko nga mayaman ka, mabibili mo lahat pwera na lang sa---

Ash: Magkagalit ba kayong dalawa?

"Hindi"

Totoo, hindi naman kami magkagalit it just like awkward na sa amin kung magtitinginan pa kami or miski mag-ngigitian.

Nakarating kami sa resto at bumungad agad sa amin ang amoy ng pagkain, lalo tuloy nakakagutom!

Ash: Ma?

Reeva: Hmm?

Ash: Hindi po ba kayo uuwi?

Reeva: Anong oras na ba? pinatay ko kasi 'yung cellphone ko.

Ash: Malapit na pong mag-10.

Reeva: Mag-10?!

Napatingin naman ako sa relo, oo nga 9:52 na ng gabi. Kahit alam kong tulog na 'yung uuwian ko kailangan ko paring umuwi kaso paano??

Carlo: Ihahatid na kita tapos babalikan ko na lang dito si Ash.

Wala akong choice at isa pa ayaw ko ding bumayahe ng ganitong oras.

Retrieving The Imaginary Window [BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon