~ Hii if you especially want to feel Chapter II.11 I recommend listen to the song above (Sana'y 'di na lang by: Bandang Lapis) while you are reading or kung gusto niyo naman kahit dun na lang sa part ng POV ni Reeva kausap si Carlo. ~
Orville's Pov
Isang linggo palang ang nakakalipas pero halos parang buwan na 'yung pagkamiss ko kay Reeva. Excited na akong makita siya, sana ganun din siya.
Ash: T-tito? T-tito Orville?
Orville: Hii! Para ka namang nakakita ng multo.
Ash: A-ano pong ginagawa niyo dito?
Weyn: Hii?
Tiningnan lang ng masama ni Ash si Weyn.
Strawberry: Tito Orville? Tamang tama! Omg kailangan na kailangan po namin 'yung tulong niyo mabuti na lang po---
Hindi ko alam kung anong nangyayare pero naghihilahan na silang dalawa ng damit para bang pinipigilan ni Ash si Strawberry sabihin sa akin na---
Strawberry: S-si Direk Reeva po kasi nawawala!
Orville: Nawawala? Anong nawawala? Teka paanong nawawala?
Ash: Let me explain Tito ganito po kasi 'yun--
Orville: Bakit 'di niyo agad sinabi sakin?? Kaya ba hindi niya sinasagot 'yung mga tawag ko?? Sinong kasama niya?
Strawberry: Si Sir Carlo po 'yung kasama ni Direk kaya kalma lang po.
Magkasama si Carlo at si Reeva? Sila lang dalawa?
Orville: Silang dalawa lang? Saan ko sila pwedeng puntahan?
Ash: Ang sabi po kasi sa akin nung ilang staff, huli daw po nilang nakita sila Mama at Papa sa "Calle Crisologo"
Nagtatakbo ako papalabas ng Hotel para maghanap ng pwedeng masakyan at puntahan kung nasaan man si Reeva. Sinaulo ko 'yung ilang tourist spot dito sa Vigan at hahanapin ko silang dalawa kahit sa mga lugar na hindi ko na alam.
Nakarating ako sa sinabi ni Ash na "Calle Criosologo"
Nagtanong-tanong ako kung may nakita sila sa mga picture na pinakita ko pero wala daw.
Tama pala talaga si Reeva sa sinabi niya, ang ganda pala talaga dito. Ang sarap umpisahan o kaya maging bahagi ng love story ng dalawang nagmamahalan ang lugar na ito, sana kami din, sana masaksihan din ng lugar na ito kung gaano ko siya--
"Ash is Calling"
Orville: Yes Ash?
Ash: Nakabalik na po sila dito.
Orville: Talaga? Okay good! Pabalik na ako.
Ash: Okay po, ingat po kayo Tito.
Orville: Thank you Ash.
"Call Ended"
"Nakita mo ba 'yung couple kanina?"
"Sino?"
"Andaming magjojowa at magaasawa dito mars! Sino ba sa kanila?"
"Yung kanina nga! 'yung babae na hinila 'yung lalaki tapos kiniss niya! Huhu nakakasana all."
"Anong sana all? Eh after nila magkiss pareho silang mukhang-confused!"
"Oo nga, agree ako sa'yo Mars."
