Weyn: Mahal na mahal niya talaga ang Mama niya.
Orville: Sobra.
Weyn: Alam kong mas mahal niya si Tita Reeva kesa sa akin. At sana alam niyo ding mas mahal ni Tita Reeva si Ash kesa sa inyo.
Orville: Hindi ko naman tinatanggi yan. Hayaan mo malapit na, malapit ng matapos ang saglit na ito.
Weyn: At sana nga piliin ni Ash na bumalik sa realidad.
Orville: Sisiguraduhin ko yan, may tiwala ka naman sa akin 'diba?
Weyn: Malaki po ang tiwala ko sa inyo. At magiging utang na loob ko sa inyo kung ibabalik niyo siya.
Orville: Makakaasa ka.
Naputol ang kanilang pag-uusap ng dumating si Mart.
Mart: Orville, nakita mo nab a itong bagong magazine ng kabila?
Orville: Hindi pa, bakit?
Mart: Gayang gaya 'yung sa atin. Matagal ko ng pinapakiramdaman na may spy dito sa loob ng opisina mo.
Orville: Maghinay hinay ka sa sinasabi mo, Mart. Kilala ko ang nasa department ko at hindi sila gagawa ng ganyan.
Mart: Then paano mo iexplain ito?
Orville: Malay mo naman aksidente na lang.
Mart: Duda ako, do some investigation para maalis ang duda ko.
Orville: I will.
Ito ang buhay ni Orville, magtrabaho at maayos ang problema sa trabaho. Si Reeva lang natatanging dahilan niya kung bakit siya nandito ngayon. Hindi niya gustong saktan ito wala din siyang intension na iwan ito ng basta basta. Pumayag siya sa plano ni Ash para makapagpaalam nang mas maayos. Katulad nga ng sinabi niya may mga taong sila na lang dahilan nila kung bakit gusto pa niyang mabuhay. Hindi niya gustong mawala si Reeva sa tabi niya kaya kahit saan ito magpunta, susunod at susunod siya. Sa tuwing umaalis ito at nawawala sa paningin niya nawawalan na din siya ng karapatang mabuhay. "Ang mahalin siya at ang mahalin niya ako ay napakahirap pigilan." Sambit ni Orville.
Maagang tumawag si Angge kay Reeva para makipagkita. Agad niya itong pinuntahan sa lugar na chinat niya.
Angge: Goodmorning, Direk!
Reeva: Goodmorning di sa'yo, kumusta ka?
Angge: Okay naman po, kayo po? Hindi ko po ba kayo naabala?
Reeva: Naku, hindi naman.
Angge: Ahh eh—namiss ko po kasi kayo at gusto ko ring mag thank you para sa opportunity na binigay niyo. Malaking malaki po ang naitulong niyo sa akin, sa amin ni Erik. Hindi po naming alam kung paano 'yun masusuklian.
Reeva: Hindi naman ako humihingi ng kapalit at isa pa malaking tulong na din 'yung ginawa niyo kung 'di kayo umoo sa offer baka nakasuhan ako kasi tinakbuhan ko 'yung contract ng basta basta lang.
Angge: Basta kung may maitutulong pa po ulit kami ni Erik sabihin niyo lang po kami.
Reeva: Eh after niyo sa New York, anong plano niyo?
Angge: Magkanya-kanya?
Reeva: H-huh? Bakit naman??
Angge: Siguro may ibang plano na nakalaan para sa amin.
Reeva: Bakit? May nangyare bang hindi maganda?
Nagpanggap ito na hindi niya alam kung anong nangyare dahil paniguradong maiipit si Strawberry.
Angge: N-nahuli ko po kasi si Erik na may ibang babae.
Reeva: T-talaga? N-Nagawa niya sa'yo 'yun?

SAGLIT | PART 4
Magsimula sa umpisa