Angge: Hindi ko nga din po inaasahan kasi akala ko trabaho lang hahanapin naming sa New York pero mukhang naghanap na din siya ng New Yorker.
Reeva: Hindi na ba maayos? Napagusapan niyo na ba ulit?
Angge: Nagusap po kami pagkadating namin dito sa Pilipinas at mukhang huling pag-uusap na namin 'yun.
Reeva: Naku pagnagkita kami ni Erik sesermonan ko siya. Ano pa bang hahanapin niya sa ibang babae eh nasa sa'yo naman na lahat ah!
Angge: Siguro po may parte ng pagkatao ko na hindi niya rin matanggap.
Reeva: Pero hindi ibig sabihin nun hindi ka na katanggap tanggap ha. Madami pa diyang iba na mas tatanggapin ka ng buong buo.
Angge: 'Diba nga po sabi niyo iisa lang si Sir Orville sa mundo kaya parang imposible po yata yang sinasabi niyo HAHAHAHAHA.
Reeva: Ikaw naman, 'wag kang mawalan ng pag-asa. Balang araw dadating din ang tamang para sa'yo o baka balikan ka niya at sana sa panahon na 'yun aayon matanggap niyo na ang isa't-isa at makukuntento na siya sa'yo.
Angge: Napakamapaglaro po ang mundo, ayaw ko na munang magexpect at maghanap o maghintay. Nasa healing process pa rin po ako.
Reeva: Tama yan, mag-heal ka muna.
Angge: Maiba naman po sa usapan, alam niyo na po bang nandito na rin si Sir Carlo sa Pilipinas?
Reeva: Naku yang Carlo na yan ha hindi na nagbabanggit sa akin.
Angge: Ay ganun, siguro masyadong mahal na mahal 'yung New Yorker niya kaya nakakalimut.
Reeva: Hay naku! Siguro nga.
Angge: Masaya po akong nakita ko ulit kayo ngayon.
Reeva: Ako din, Angge.
Angge: Pero mauna na po ako sa inyo, may naghihintay pa po kasi sa condo ko.
Reeva: Akala ko ba healing ka muna ha?
Angge: Si Strawberry po 'yung tinutukoy ko, friend ko po. Hindi ko po tanda kung nabanggit ko na siya sa inyo.
Reeva: Mukhang hindi pa nga.
Angge: Sobrang bait po nun kaso minsan napapasobra sa daldal.
Reeva: Sabihin mo mag-coffe naman tayo paminsan-minsan para makilala ko siya.
Angge: Ay sige po sasabihan ko siya. Mauna na po ako, ingat po kayo. Enjor ur day.
Reeva: Ikaw din, ingat ka din!
Pagkalabas niya ay nakasalubong niya agad sa kalye si Carlo.
Reeva: Carlo!
Carlo: R-reeva?
Ilang na ilang ito at parang gustong umiwas.
Reeva: Okay ka lang ba?
Carlo: O-oo naman.
Reeva: Andami mo ng utang sa akin na kwento ha, ikaw ha!
Carlo: A-ah ganun ba, n-nahihiya kasi a-ako sa'yo.
Reeva: Bakit naman?
Hindi ito makatingin ng mayos sa kanya.
Reeva: Sa loob na na'tin pag-usapan, nag-almusal ka na ba?
Carlo: O-oo kakatapos lang.
Reeva: Osige, coffee na lang or some dessert.
Pumasok sila sa isang coffee shop at umorder ng coffee at cupcake.

SAGLIT | PART 4
Magsimula sa umpisa