抖阴社区

SAGLIT | PART 4

Magsimula sa umpisa
                                    

Reeva: So bakit hindi kana nagkwe-kwento sa akin ha?

Carlo: Ah kasi inaalala ko baka busy ka.

Reeva: Bakit parang kanina ko pong nararamdaman na naiilang ka sa akin?

Carlo: Hindi kana ba galit sa akin?

Reeva: Bakit naman ako magagalit sa'yo??

Carlo: Dahil dun sa nangyare dati.

"Anong nangyare dati? Anong ginawa mo?"

Reeva: G-galit pa din pero kasi inaalala ko 'yung chismis ni Jai.

Carlo: Ah ano ba 'yun?

Reeva: Sabi niya ikakasal kana daw sa isang New Yorker.

Carlo: Ang bilis naman ng balita.

Reeva: Totoo ba?

Carlo: Yap, matagal tagal na rin kami at mahal ko siya mahal niya rin ako.

Reeva: Buti naman at nahanap mo na siya. Invited naman siguro kami ni Orville sa kasal mo 'diba?

Carlo: Oo naman, invited kayong dalawa.

Reeva: May plano na ba kayo? May date na ba?

Carlo: Hindi pa naming napapagusapan ulit pero gusto niyang maging June Bride.

Reeva: Ah ganun ba—maganda 'yun kung kailangan niyo ng tulong sabihan niyo lang ako ha.

Carlo: Oo, salamat ha.

Nararamdaman ni Reeva na hindi talaga ito komportable kaya umisip siya ng paraan para malaman kung anong nangyare at kung bakit siya dapat magalit dito.

Reeva: Naglit ako sa'yo noon kasi?

Carlo: H-huh?

Reeva: Tinatanong ko kung bakit ako nagalit sa'yo dati—nitong mga nakaraang araw kasi nagiging makakalimutin ako dahil sa iniinom kong gamot.

Carlo: Ah, na-na-nasampal kasi kita dati.

Reeva: Sinampal mo ko?!

Hindi man niya naalala na nangyre 'yun pero parang kumulo ang dugo niya dahil sa sinabi nito.

Carlo: Kaya ka nga umuwi dito sa Pilipinas dahil dun at dahil kailangan mo ng treatment.

Reeva: Treatment? Bakit?

Carlo: Hindi mo ba talaga natatandaan?

Reeva: Na-nakalimutan ko lang 'yung ibang detalye.

Carlo: Panay banggit ka kasi ng salitang Ash.

Naguluhan si Reeva sa sinabi ni Carlo.

Reeva: Huh?

Carlo: Palagi mong hinahanap 'yung Ash. Halos araw-araw mong iniimagine na kausap mo siya. Tapos ang malala pa nito sinasabi mong anak na'tin siya.

Halos gmuho ang buong pagkatao ni Reeva dahil sa sinabi nito. Alam niya at nararamdaman niyang may parte sa puso niya ang nadurog nang marinig niya ang sinabi ni Carlo.

Carlo: One time nga umuwi ka pa, lasing na lasing sabi mo hinatid ka ni Ash pero wala naman talagang naghatid sa'yo. Hindi ko nga alam kung saan mo nakuha 'yung pangalan na 'yun o kung sinong Ash ba sa mundong 'to 'yung tinutukoy mo. Palagi kong pinapaalala sa'yo na wala namang Ash sa tabi mo, na guni-guni mo lang siya pero hindi na kita mapigilan noon k-kaya nasampal kita kasi akala ko kapag ginawa ko 'yun magigising ka sa katotohanan.

Reeva: H-hindi

Umiling ito at paulit-ulit niyang inaalala ang masasaya nilang ala-ala ng magkasama.

Retrieving The Imaginary Window [BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon