Nakakadurog lalo dahil na nagmumula ang mga kwentong ito sa lalaking akala niya hinding hindi makakalimut kay Ash.
Carlo: Hindi mo ba talaga naalala 'yung mga araw na 'yun? Halos hindi ka nga kumakain kasi gusto mo sabay kayo nung Ash na binabanggit mo. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa'yo kaya—
Reeva: Itigil mo yan.
Carlo: Huh?
Reeva: Nagsisinungaling ka 'diba?
Carlo: Reeva, hindi ko gawain 'yun at bakit naman ako magsisinungaling sa'yo? Kung totoo man na may Ash tayo, na may anak tayo magiging masaya din ako pero wala—hindi nangyare 'yun. Walang nangyareng ganun.
Reeva: Tumigil ka na! Hinding hindi ko makakalimutan 'yung sakit na ininda ko para lang maianak ko si Ash. Wala kang—
Carlo: Reeva, wala ngang Ash!
Reeva: Wala kang karapatan para sabihin sa akin 'yan! Makinig ka sa'kin may Ash akong iniluwal, inalagaan, tinuruan, dinisiplina at minahal. Buong buhay niya hangad ko kung anong ikakabuti niya at kung anong ikakasaya niya. A-at ganun din siya sa akin sa ating dalawa. Anak ko siya, anak na'tin si Ash!
Carlo: Ikaw ang makinig sa akin, Reeva! Walang Ash, wala-wala!
Reeva: Umalis ka sa harapan ko o baka hindi kana makita pa ng fiancé mo.
Carlo: Hindi ako aalis dito ngayong nagkakaganyan ka na naman.
Reeva: Hindi kita gustong makita at hindi ko kayang paniwalaan lahat ng sinasabi mo ha kaya umalis-alis ka sa harapan baka hindi ako makapagpigil.
Carlo: Reeva please, gumising kana sa katotohanan. Ayaw kong mabaliw ka!
Reeva: Kung may nababaliw man dito hindi ako 'yun, ikaw 'yun!
Tinulak nito papalayo si Carlo at nagtatakbo papalabas ng coffee shop.
"Hindi—mali ka, Carlo. Hindi ako maniniwala sa'yo. Hindi ko lang basta basta naiimagine si Ash. Totoo siya, binuhay ko siya, ako ang nagluwal sa kanya at h-hindi pwedeng totoo lahat ng sinasabi mo. H-hindi ako nababaliw. Totoo si Ash, totoo siya!" Hindi alam ni Reeva kung saan siya pupunta ngayon sa karamihan ng iniisip niya halos hindi na niya mahanap ang gamot niya.
Carlo: Reeva, ihahatid na kita.
Reeva: Ayaw ko, bitawan mo ko!
Carlo: Hindi pa tayo tapos mag-usap sino ba talaga si Ash ha??
Paulit-ulit siyang nadudurog para kay Ash dahil miski sarili niyang ama hindi siya makilala. Hindi man lang siya matandaan.
Reeva: Mahal mo ba talaga ang anak mo? Minahal mo ba talaga si Ash, na anak na'ting dalawa o minahal mo lang siya dahil mahal mo ko noon? Kung naririnig ka man ni Ash ngayon paniguradong nasasaktan siya, nadudurog siya nang doble doble o higit pa sa kinadudurog ko ngayon. Mahal na mahal ka niya Carlo, mahal na mahal ka ng anak na'tin. Ikakadurog niya na kinalimutan mo lang siya. Hindi ka ba nakokonsensya?! Hindi ka ba nasasaktan sa ginagawa mo huh?!
Carlo: Hindi ko alam kung paano ako maniniwala sa'yo. K-kung may nasasaktan man ako ngayon, h-hindi ko din alam kung paano ko iisipin na nakakapanakit ako pero hindi ka pwedeng umuwi ng ganyan, baka kung saan ka pa mapunta baka kung ano pa mangyare sa'yo.
Reeva: Ayaw mo talagang maniwala kaya hindi ka naniniwala. Akala pa naman niya ikaw at ikaw lang palagi magiging kakampi niya pero heto ka ngayon nakalimutan mo na lang siya ng basta basta. Bitawan mo ko, hindi mo deserve maging anak si Ash. Hindi niya deserve magkaroon ng amang hindi siya kayang alalahanin.
Hindi na ito nakapagpigil kaya nasuntok niya si Carlo.
Agad siyang sumakay ng taxi at pinuntahan ang dating condo niya na binigay na niya kay Ash.

SAGLIT | PART 4
Magsimula sa umpisa