抖阴社区

Chapter 1 page 4

511K 4.7K 126
                                        

“Hija patawarin mo kami ng papa mo.” Umiiyak ng pahayag ny Senyora.

“Marinig ko pa lang ang pangalan ni Gabriel Monteverde ay nakakailang na. Kilala sya sa buong Pilipinas bilang magaling at walang awa na negosyante, passionate lover but never as a boyfriend or as a husband.” Malungkot na tinig ni Althea.

Si Gabriel Monteverde ay kilalang walang sineseyosong relasyon. Marami ng mga babeng naugnay dito mula sa iba’t ibang antas ng lipunan. Halos karamihan sa mga kababaihan na tulad nya ay pinagpapantasyahan ito. Ngunit sa hinagap ay hindi nya akalain na ito ang kanyang mapapangasawa.

“Papa paano tayo naugnay sa pamilyang Monteverde? Kumpara sa pamilya natin ay napakalayong mangyari na makakadaupang palad natin sila.” Naguguluhan si Althea sa mga nangyayari ngayon.

Nakita nya ang pag aalinlangan ng ama. Tumayo ito at pumuwesto sa likuran nya at hinagod ang kanyang buhok. Mariing pinikit ang mga mata at sinimulang alalahanin ni Senyor Rafael ang nakaraan kung paano nagsimula ang lahat.

Millionaire's Unwanted wife ( Published under SUMMIT MEDIA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon