Maaga ko pong natapos ang Chapter 9. I hope magustuhan nyo.
Please vote and comment po kayo ^ ^ Salamat po sa lahat at nagustuhan nyo ang mga previous chapters.
Nang magising si Gabriel ay napansin nyang wala na ang asawa sa tabi nya. Nagmamadali syang naligo kailanngan nyang pumunta sa office dahil may mga mahalagang transaction sila sa kompanya at importanteng nandun sya.
Pagbaba nya sa dining room ay nandun na si Althea hinhintay sya para sa breakfast.
“Just give a cup of coffee, I’m in a hurry.” may awtoridad n autos nito sa asawa.
“Kumain ka kahit konti lang.” concern si Althea
“Please Althea, hwag kang makulit.” naiiritang tinig ni Gabriel
Sinunod na lamang ni Althea ang utos ng asawa.
“By the way bago ko makalimutan, be prepared dahil isasama kita sa lunch sa mansiyon on Sunday. It’s a family tradition na dapat nandun lahat ang miyembro ng pamilya.”
Tumango na lamang sya dahil ayaw na nyang mag comment baka magtalo na naman sila.
“Hwag mong isipin na gusto kitang isama si Mama ang nagpumilit, kaya wala akong choice.” Patuloy ni Gabriel bago ininom ang pinatimplang kape.
Oo nga naman bakit gugustuhin syang isama ni Gabriel sa araw na yun eh nandoon din si Marian.
Kung si Althea ang masusunod ayaw na niyang makaharap muli si Marian dahil alam nyang wala syang laban dito.
“I’ll go ahead.” Nagmamadaling tumayo si Gabriel
Tumango lamang si Althea at sinundan ng tingin ang papalayong asawa.
Nanibago si Gabriel dahil ngayon lang sya hindi hinatid ng asawa. Sa dalawang buwang nilang pagsasama nakasanayan na nyang kinukulit sya ng asawa bago pumasok sa opisina.
-----------------------------
Dumating ang araw ng pagpunta sa mansiyon ng mga Monteverde.
Kinakabahan si Althea dahil ngayon lang muli nyang makakaharap ang mga magulang ni Gabriel mula ng ikasal sila.
Maayos naman ang pakikitungo sa kanya ng mag-asawa pero hindi nya pa rin maiwasan na kabahan.
Pinag-isipang mabuti ni Althea ang damit na isusuot dahil ayaw nyang mapahiya si Gabriel. “yun nga lang ba ang dahilan mo Althea?” sabi ng kubling bahagi ng isip nya.
Alam nyang darating din si Marian dahil ito pala ang fashion consultant ng donya. Kung iniimbitahan ito ng pamilya sa kanilang traditional lunch ibig sabihin ay tinuturing na rin nilang kapamilya ito.

BINABASA MO ANG
Millionaire's Unwanted wife ( Published under SUMMIT MEDIA)
RomanceArranged marriage meron pa rin ba sa mga panahong ito? Kung ikaw si Althea ano ang dapat mong gawin kung nasa ganito kang sitwasyon?