Pag gising ni Gabriel ay masakit ang kanyang ulo. Masyado syang nalasing kagabi at halos wala syang maalala kung ano ang nangyari kagabi.
Napakunot ang noo nya nang makita ang asawa sa tabi nya at tanging bedsheet lamang ang tumatabing sa katawan nila.
Ibig sabihin may nangyari na naman sa kanila.
Matagal nyang pinagmasdan ang asawa at parang may malamig na kamay ang humaplos sa puso nya. Ngunit may mga nagsalimbayan na namang mga alaalala sa isip nya kung paano nagsimula ang lahat.
Biglang nagbago ang expression ng mukha nya, naging mabalasik na naman ito.
Walang kaabog abog na ginising ang babaeng katabi.
“Umaga na, maghanda ka na ng almusal natin.” Sabay yugyog nito sa balikat ni Althea.
Pupungas-pungas si Althea ng bumangon ramdam nya pa ang kirot sa pagitan ng kanyang mga hita.
Hinila nito ang bedsheet upang takpan ang hubad na katawan.
Nang masilayan ni Gabriel ang katawan ng asawa ay may kung anong init ang gumapang sa kabuuan nya.
“Bilis bilisan mo naman ang kilos.” Dinaan nya sa galit ang nararamdaman na pagnanasa sa asawa.
Mabilis na lumipat si Althea sa kanyang kwarto para ayusin ang sarili.
Habang nakatitig sa salamin si Althea ay hindi na nya napigilan ang mga luhang nagbabanta. Kagabi ay ramdam nya ang pagmamahal sa bawat haplos ng asawa ngunit biglang nagbago ngayong umaga. Hindi na nya alam kung paano pakikitunguhan si Gabriel. Hirap na hirap na sya.
Nagmamadali niyang pinunasan ang mga luha at dumiretso na sa komedor para ipaghanda ng almusal ang asawa.
Samantalang si Gabriel naman ay nakatitig sa kisame at pilit na kinukumbinsi ang sarili na hindi karapatdapat na mahalin si Althea. Patuloy na nagtatalo ang isip at puso nya.
Kailangan nyang kontrolin ang nararamdaman kung hindi ay masisira ang lahat ng plano nya.
-------------------------------------------
Pagkababa ni Gabriel ay nakahanda na ang mesa. Walang sabi-sabing umupo sya at sinimulan ng kumain ni hindi man lang nya tinapunan ng tingin ang asawang nakaupo sa tabi nya.
“Makakauwi ka ba ng maaga mamaya?” nag-aalinlangan na tanong ni Althea.
“Why?” walang kabuhay buhay nitong balik tanong.
“Dadaan sila Papa mamaya, may mga inaasikaso lang syang documents pero agad ding babalik sa farm.”
“Marami akong pending na trabaho sa opisina, baka nga hindi ako makauwi ng ilang araw. May mga aasikasuhin din akong mga meetings out of town”

BINABASA MO ANG
Millionaire's Unwanted wife ( Published under SUMMIT MEDIA)
RomanceArranged marriage meron pa rin ba sa mga panahong ito? Kung ikaw si Althea ano ang dapat mong gawin kung nasa ganito kang sitwasyon?