Naisip niya, may kakayahan nga talaga ang emosyong pigilan ang daloy ng dugo sa isip, sapagkat ganoon ang nangyari sa kanya.
“Ga—biel..” bahagyang pumiyok ang tinig niya. Hindi ito umimik, hinalikan lamang ang tuktok ng kanyang ulo at tinalikuran na sya.
Halos madurog ang puso ni Althea sa naging reaksiyon ng asawa kanya pagkatapos ng mainit na pinagsaluhan nila.
Hindi na niya napigilan ang pagdaloy ng masaganang luha. Akala nya pagkatapos ng lahat ay magiging maayos na ang pagsasama nila.
Nitong nakalipas na dalawang buwan ay natutong niyang mahalin ng lubusan si Gabriel sa kabila ng malamig pakikitungo nito.
Ang Diyos na lamang ang nakakaalam kung ano ang mangyayari sa mga darating na araw.
Matutugunan ba ni Gabriel ang damdamin nya? Yan ang mga katanungan ding hindi pa kayang sagutin kahit si Althea.
A/N
I will continue this chapter next week po.
Sorry po hindi ko natapos this chapter :( I was busy sa work.

BINABASA MO ANG
Millionaire's Unwanted wife ( Published under SUMMIT MEDIA)
RomanceArranged marriage meron pa rin ba sa mga panahong ito? Kung ikaw si Althea ano ang dapat mong gawin kung nasa ganito kang sitwasyon?