抖阴社区

Chapter 2 page 8

411K 3.9K 103
                                        

Kinakabahan si Athea dahil sa susunod na araw ay maghaharap na sila ni Gabriel. Gaya ng nakagawiang tradisyon ay mamanhikan si Gabriel upang pormal syang makilala. At malimit na magkasama sila sa mga susunod na araw para asikasuhin ang kasal.

Alam ni Althea na kilala si Gabriel sa lipunan kaya hindi na sya mabibigla kung napakagarbo ng magiging kasal nila malayo sa pangarap nyang simpleng kasal. Hindi na rin sya mag sosorpresa kung maraming mga kababaihan ang maiingit at magagalit sa kanya.

Habang si Gabriel naman ay nakatitig sa litratong nasa ibabaw ng mesa nito. Ngayong araw nya natanggap ng resulta galing sa inupahang detective. Hindi sya makapaniwala sa litratong nakikita dahil ang babaeng nandun ay nagtataglay ng napaka among mukha at masasabing isa sa pinakamagandang babae na nakita nya. Napapangiti syang nakatitig sa larawan ni Althea.

“Hindi naman pala ako agrabyado kung ikaw ang mapapangasawa ko, napakaganda mo.” Kausap ni Gabriel sa larawan.

Nitong mga nakaraang araw na lumipas napapansin ni Gabriel na dumadalas ang pag kausap nya sa sarili at ngayon naman ay isang litrato ang kausap.

Nasa ganun syang sitwasyon ng walang kaabog abog na pumasok si Dennis sa kanyang opisina.

“Pare, anong nangyayari sayo at nakangisi ka dyan?” nakangisi nitong sabi at sabay hablot sa litrato na nakapatong sa ibabaw ng mesa ng kaibigan.

“Oh,wow! Sino naman itong magandang babaeng ito? Kakaiba ka rin naman kung kailan ka ikakasal at saka ka naman nagka interes sa isang babae” napapantastikuhang wika ni Dennis.

“Akina na nga yan.” Sabay hablot ni Gabriel sa litrato. “Sya, si Althea Salvador.” Maikli nyang paliwanag kay Gabriel.

Millionaire's Unwanted wife ( Published under SUMMIT MEDIA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon