抖阴社区

Chapter 7

445K 3.7K 63
                                        

Mabilis na naihanda ni Althea ang mga isusuot ng asawa anumang sandali alam nyang magbibihis na ito. Mula ng may mangyari sa kanila sa masters bedroom na natutulog si Gabriel.

Muli nyang naalala ng gabing maranasan nya ang pagmamahal ni Gabriel habang pinagmamasdan ang mga damit ni Gabriel na nakapatong sa kama. Tuwing maaalala nya ang gabing yun ay hindi nya maiwasan na pamulahan ng mukha.

Halos mapalundag si Althea ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto at walang kaabog abog na pumasok si Gabriel.

Tiningnan ng masama ni Gabriel ang asawa. "Nainip ako sa kahihintay sa baba. What took you so long?'

"Inayos ko pa kasi ang mga gamit mo at inihanda ang bathtub." Nagmamadaling paliwanag nito.

Umiling na lamang ito at tuloy tuloy na pumasok sa bathroom.

Napabuntong hininga si Althea at tinitigan na lamang ang pintuang pinasukan ng asawa.

At the back of her mind umaasa rin sya na mamahalin ni Gabriel bago matapos ang dalawang taong kasunduan nila.

"Bakit ba nahuhulog ang loob ko sa lalaking ito? Wala naman syang ipinakitang mabuti sa akin." Tanong ni Althea sa sarili at dahan dahang naupo sa couch habang hinihintay nyang matapos si Gabriel.









Nakakunot ang noo ni Gabriel paglabas sa bathroom, nakatapi lamang ang ibabang bahagi nito ng towel na puti.

Nang makita ni Althea ang ayos ng asawa ay napalunok sya. Ni minsan ay hindi nya nakita sa ganitong ayos si Gabriel. Halos namumula rin ang kanyang buong mukha at hindi nya naiintindihan ang init na nararamdaman.

"Bakit nandito ka pa rin?" paangil na tanong ni Gabriel.

Parang natauhan si Althea ng marinig ang boses nito.

"S-sabi mo kanina may pag- uusapan tayo." Nauutal nyang paliwanag sabay yuko ng ulo.

Nakangisi si Gabriel habang palapit sa kinauupuan ng asawa.

"Baka naman gusto mo lang maulit ang nangyari sa atin noong isang gabi?" sabay hawak sa baba nito upang salubungin ang mga titig nya.

Pilit na umiiwas ng tingin si Althea at tinangka nyang tumayo ngunit mabilis ang mga kamay ni Gabriel.

Pinulupot nito ang isang kamay sa beywang ni Althea at unti unting nilapit ang mukha nya.

Napasinghap si Althea ng maramdaman ang mabangong hininga ng asawa. Napaawang din ang mga labi nito.

Hindi na napigilan ni Gabriel ang sarili, sinimulan nyang halikan ang asawa.

Sa simula dahan dahan lamang ngunit napakatamis ng mga labi ni Althea.









Gabriel seemed so very eager to kiss her. There was intense longing in his kiss. Napatitig siya sa mga mata nito. His eyes told her he was longing for her.

Pumikit na lamang si Althea at tinugon ang mga halik ng asawa.

Hanggang sa ang kanilang halik ay naging mainit at nakakatukso, nakakapaso. Naging mapaghanap ang mga labi nito. He demanded a passionate reply and so she kissed him back with all the intensity that her heart and soul were longing to give.

Millionaire's Unwanted wife ( Published under SUMMIT MEDIA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon