抖阴社区

Chapter 1 page 6

469K 4K 23
                                        

Pagkalipas ng ilang araw, ay kinakailangan ng gumawa ng paraan ni Rafael upang itaguyod muli ang Salvador farm, alam nyang maraming taong umaasa sa kanila. Isa lamang ang naiisip nyang paraan, ang lapitan ang Monteverde Bank ngunit walang kasiguran kung pagbibigyan sya na pautangin muli.

Nakaupo sa teresa si Rafael at malalim ang iniisip, hindi nya namalayan ang paglapit ng asawa.

Hinawakan ni Alicia ang balikat ng asawa. “Alam kong nag aalala ka na lumapit sa Monteverde Bank ngunit wala na tayong ibang pag pipilian sa ngayon.”

“Mamayang hapon makikipagkita ako kay Senyor Felipe upang maki usap na dagdagan pa ang ating loan. Alam ko makakabangon tayong muli.” Pilit na pinapalakas ni Rafael ang kalooban ng asawa.

“Halos lahat ng savings natin ay nagamit na natin para sa mga trabahador at sa kanilang pamilya, hindi naman natin silang pwedeng pabayaan.” Buntong hininga ni Alicia. “Ipagdasal na lang natin na magkakaroon ng magandang resulta ang meeting mo kay Senyor Felipe.”

Millionaire's Unwanted wife ( Published under SUMMIT MEDIA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon