抖阴社区

Chapter 34 part 2

320K 3.7K 239
                                        

Sorry po ang tagal kong hindi nakapag UD, until now may sakit pa rin po ang inyong lingkod.

Konti pa lang po ang nagawa kong ud pero babawi po ako sa inyo next time.

Maraming salamat po sa lahat ng supporters ng MUW ^ ^

Chapter 34 part 2

Matagal na tinitigan ni Gabriel si Althea. Nagdadalawang isip sya kung sasabihin nya ba dito ang kasalukuyang problema.

"Gab" pukaw ni Althea sa pananahimik ng asawa.

"Thea, I'm sorry" buong puso nya itong niyakap ng mahigpit.

Lalong nagulat si Althea ng maramdaman nyang umiiyak ang asawa. Ang isang Gabriel Monteverde ay lumuluha ngayon sa harap nya.

"Please let me know kung ano ang problema mo, para matulungan kita."

"May kinalaman ba ito sa atin?" patuloy ni Althea.

Tumango si Gabriel.

Halos manigas ang buong katawan ni Althea ng makita ang kompirmasyon. Ilang araw pa lang silang nagkakamabutihan pero heto na agad ang pagsubok.

Pilit na pinapatatag ni Althea ang sarili at nakapagdesisyon na rin sya. Hindi nya hahayaang may sumira pa sa pagsasama nilang mag-asawa.

Naramdaman ni Gabriel na biglang may pag aatubili kay Althea. Unti unti nyang niluwagan ang pagkakayapos sa asawa at kinupkop nya ang mga kamay nito.

"Sweetheart, always remember that I love you so much. Hinding hindi ko kayo iiwan ng magiging baby natin." Madamdaming pahayag ni Gabriel.

Nang marinig ang assurance mula kay Gabriel ay hindi na rin napigilan ni Althea na mapaluha.

"Ssshh, don't cry." Pinahid ni Gabriel ang nag-uunahang luha ng asawa.

"Hindi ako magkakaroon ng peace of mind hangga't hindi ko nalalaman ang problema." Pamimilit ni Althea.

Tumuwid sa pagkakaupo si Gabriel bago nagsalita.

"Si Mama ang tumawag kanina." Simula niya.

Mahabang katahimikan ang dumaan.

'Why?" hindi na mapigilan ni Althea ang sarili. Lalo syang na tetense habang pinapatagal ni Gabriel.

"Nasa mansion daw ang family ni Marian." Dahan dahang pahayag ni Gabriel.

Nanlaki ang mga mata ni Althea ng marinig ang pangalan ni Marian. Lalong bumilis ang tibok ng kanyang puso.

"Gab nagkabalikan ba kayo ng umalis ako?" nagbabanta na naman ang mga luha nya.

"No and it will never happen." Mabilis na sagot ni Gabriel.

"Bakit sila nasa mansion? at bakit bigla kang namroblema?" sunud sunod na tanong ni Althea.

"Marian is pregnant." Mahinang tinig na sabi ni Gabriel.

Tila bombang sumabog naman sa pandinig ni Althea. Akmang tatayo na sana sya ng pigilan sya ni Gabriel.

"Please listen to me first." Nagmamakaawa ang mga mata ni Gabriel.

Oo nga naman kanina sya ang pilit ng pilit dito na sabihin sa kanya ang problema. Ngayon namang sinimulan na ni Gabriel ang pagtatapat sya naman ang tumatakas para marinig ang katotohanan.

Tahimik na umupo muli si Althea.

"Sweetheart, hindi ko anak yung dinadala ni Althea walang nangyari sa amin." Nakakuyom ang mga kamao ni Gabriel.

Sa mga oras na yun ay galit na galit sya, hindi sya pwedeng gawing tanga ni Marian at ng pamilya nito.

Gagawin nya ang lahat mapatunayan nya lang ang totoo na walang namagitan sa kanila.

Kitang kita ni Althea ang reaksiyon ni Gabriel. "What if anak mo nga yun?" atubiling tanong ni Althea.

"Damn!" malakas na napamura si Gabriel.

Nahintakutan si Althea ng marinig ang pagmumura ng asawa. Napaurong sya mula sa pagkakaupo.

Agad naman syang dinaluhan ni Gabriel. "Sorry sweetheart, hindi ako galit sayo. It's my fault hindi sana magkakaganito ang lahat kung agad kong naamin sa sarili ko na mahal kita. "

Ilang beses na syang sinabihan ni Gabriel na mahal sya nito pero hanggang ngayon wala pa ring tugon mula sa kanya.

"Ano ang reason ni Marian why she's claiming that you're the father of her child?" unti unti ng kumakalma si Althea.

Ngayon gusto ni Althea na pag-isipang mabuti ang kasalukuyang problema.

Isinalaysay ni Gabriel ang encounter nila ni Marian mula sa restaurant hanggang sa magising na lamang syang hubo't bubad sa condo ni Marian.

"Gab kung walang nangyari sa inyo bakit ka nakahubad at ganun din sya?" pinanghihinaan na ng loob si Althea.

"I swear sweetheart wala akong matandaan." Itinaas pa nito ang kanang kamay tanda ng pagsumpa.

"I think she put drugs in my juice." Parang sarili lamang ang kinakausap nya ng maalala ang huling kaganapan sa loob ng restaurant.

"Drugs in your juice? What do you mean?"

"After drinking that juice parang inantok ako at nanghina, halos hindi ko na nga maalala kung paano ako nakarating sa sasakyan ko."

"Gab hindi kakayaning mag-isa ni Marian na buhatin ka from basement of her condo."

Tumango tango si Gabriel.

"I think may kasabwat ang babaeng yun para lokohin ako."

Tahimik lamang si Althea ayaw nyang mangbintang pero hind nya hahayaan na sisirain ng babaeng yun ang bubuuin nilang pamilya.

"Gab, pano kung anak mo nga yun?" may kaba sa tinig ni Althea.

"I'm very sure na hindi ko anak yun sweetheart." Sabay kabig nyang muli sa asawa.

"Gab what if lang naman."

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Gabriel.

"I'll just support them, hind ko kakayanin na kayong dalawa ng baby natin ang malalayo sa akin." Matatag na pahayag ni Gabriel.

Nasiyahan si Althea sa sagot na narinig mula kay Gabriel.

"Ano ang sabi ng Mama?" may kaba na naming namuo sa dibdib ni Althea. Alam nyang matagal ng gustong magka apo ng mga magulang ni Gabriel.

"She wants us to go home as soon as possible para mapag-usapan ang problemang ito,"

"Pwede bang dito na lang muna ako?"

"No" maagap na sagot ni Gabriel.

"hindi kita iiwan dito especially sa kalagayan mo ngayon."

"Pero Gab ayokong makagulo pang lalo."

"Look hindi ikaw ang nakakagulo sila ang nanggugulo sa atin." Banayad na hinalikan ni Gabriel sa labi ang asawa.

"Natatakot ako kasi baka piliin ng mga magulang mo si Marian. Since then magkaibigan na ang family ninyo." Inilabas na rin ni Althea ang takot na namumuo sa isipan nya.

"Silly." Sabay pisil ni Gabriel sa ilong nito.

"Hindi ka ipagpapalit ni Mama kay Marian. Mas mahal ka nga nun kaysa sa akin." Buong lugod na naman na niyakap ni Gabriel ang asawa.

Millionaire's Unwanted wife ( Published under SUMMIT MEDIA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon