抖阴社区

Chapter 2 page 5

423K 3.6K 8
                                        

“Ems, ano ang gagawin ko?” humingi ng saklolo si Althea matapos isalaysay ang kanyang problema.

“Alam mo Thea sa situation mo ngayon wala na tayong magagawa dahil pumayag ka na ng kausapin ka ng iyong papa. At mula pa noon alam kong bawat salita ni Senyor Rafael ay syang batas sa tahanan nyo at sa buong farm.”

“But I don’t love that guy.” Malungkot na tinig nito.

“Thea, do you still remember noong nasa unang taon pa lang tayo sa kolehiyo nagsimula kang magkagusto kay Gabriel ng mabasa mo ang article tungkol sa kanya sa isang magazine?”

“That was long time ago Ems, ngayon alam ko naman ang stand nya sa relationship. At kinakabahan din ako kung paano nya akong tatanggapin bilang asawa nya.” Naiiyak na si Althea.

“I know na kaya mo yan. Ang Althea Salvador na kilala ko ay optimistic. And besides sa ganda mong yan friend alam kong hindi ka rin mareresist ni Gabriel. Just relax and be prepared sa nalalapit mong kasal. Don’t worry kahit na hindi mo ako iinvite sa kasal mo uuwi ako para Makita ka sa espesyal na araw nay un.” Masigla nyang sabi para patatagin ang loob ng kaibigan.

“Maraming salamat sa time mo friend. Napakalaking bagay ang may mapagbuhusan ng sama ng loob.” Nakangiti ng pahayag ni Althea.

Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ni Althea pagkatapos makausap ang kanyang matalik na kaibigan. Malayo man sila sa isa’t isa hindi napuputol ang kanilang komunikasyon. Naisipan nyang pumunta muna sa gazebo para magpahangin halos maghapon na rin syang nakakulong sa kanyang kwarto. Pababa na sya ng marinig nyang may kausap ang kanyang papa sa telepono.

Millionaire's Unwanted wife ( Published under SUMMIT MEDIA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon