抖阴社区

Chapter 32

372K 3.6K 144
                                        

A/N

Thank you po sa patience nyo :)

I hope na magustuhan nyo ang chapter na ito.

Chapter 32

Althea was shocked when she opened her main door.

Hindi nya alam kung ano ang sasabihin, nanlaki ang kanyang mga mata.

“Hindi mo ba ako papasukin my dear wife?” nakangiting sabi ni Gabriel.

Nang mga sandaling yun gustong gusto na ni Gabriel na yakapin ng mahigpit ang asawa.

Niluwagan ni Althea ang pagkakabukas ng pintuan para makapasok si Gabriel.

Nang makapasok si Gabriel ay pinagmasdan nya ang asawa. Napakaganda talaga nito, aminado sya na unang kita pa lang nya sa litrato ni Althea ay may kakaiba na syang naramdaman para dito.

Napansin din ni Gabriel na parang pumayat ang asawa siguro nahihirapan itong mamuhay na mag-isa dito.

“G-gab what are you doing here?” basag ni Althea sa katahimikan.

Hindi nagsalita si Gabriel, nilapitan nya ang asawang nakatayo at bigla na lamang nyang niyakap ito ng napakahigpit.

“Althea I’m sorry. I know I was a jerked before. Sinaktan kita physically and emotionally.”

“G-gab...” hindi makapaniwala si Althea na nasa harap nya ngayon ang asawa.

“Ssshh, let me finish first sweetheart.” Putol ni Gabriel sa sasabihin ni Althea.

Hinawakan nya ito sa magkabilang balikat at matagal na tinitigan.

Yumuko si Althea dahil hindi nya matagalan ang mga titig ni Gabriel.

“Please forgive me, gagawin ko ang lahat para mapatawad mo ako.” Mararamdaman ang sincerity sa tinig ni Gabriel.

Hindi makapagsalita si Althea, naguguluhan pa sya sa mga nangyayari.

Nang walang marinig na sagot si Gabriel ay unti unti syang lumuhod sa harap ni Althea.

“Gab, please stand up, you don’t need to do this.” Hindi na nakayan ni Althea tumulo na ang mga luha nya.

Pilit nyang pinapatayo si Gabriel.

“Please forgive me.” Nagsusumamo ang tinig ni Gabriel na nananatiling nakaluhod sa harap ni Althea.

“Gab ano ka ba, tumayo ka nga dyan. Lalo kitang hindi papatawarin hangga’t nakaluhod ka.” Kunwa’y galit n sabi ni Althea pero patuloy na tumutulo ang mga luha nya.

Pagkarinig sa sinabi ni Althea ay dali-dali syang tumayo.

Millionaire's Unwanted wife ( Published under SUMMIT MEDIA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon